Ellai's Point-of-View~
Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Bakit ba ganon? Totoo ba yung mga pinagsasabi ko kay Deyb? Totoo bang takot ako sakanya? Hindi ko alam ang sagot sa mga tanong ko.
Inaamin ko. Totoong natatakot akong maniwala sa sinasabi ng puso ko. Baka kasi hindi ko macontrol. Baka, hindi ko mapigilan at mainlove nalang ako kay Deyb. Ayoko sanang dumating ako sa point na maguguluhan ako dahil hindi ko alam kung paano ba iha-handle ang problema ng isang babae.
"Totoo ba yun Ellai?" naluluhang sabi ni Deyb.
Hindi ko alam kung anong isasagot ko sakanya. Sarili ko ngang katanungan hindi ko masagot eh, sakanya pa kaya. (=_____________=)
"Hindi ko alam eh." Napakamot nalang ako ng ulo.
"Pinagtri-tripan mo lang ba ako? Please? Wag mo naman akong biruin ng ganito."-Deyb
"Deyb! Hindi ko nga alam kung anong isasagot ko. Sorry!"
"Ellai! Ikaw naman pala tong------------"
"Guys!"sumigaw sila Ranz. Buti nalang dumating sila Ranz bago pa may mangyaring hindi maganda.
Pano nila nalamang nandito kami? Tinawagan ko sila kanina. Naisip ko kasing mas magiging masaya kung kaming magkakaibigan ang magkakasama rito.
"Anong ginagawa niyo rito?" naiiritang sabi ni Deyb.
"Pinapunta ko sila. Epal to! Tumabi ka nga!" tinabig ko siya at lumapit kila Ranz.
"Kayo Deyb ah! Nagsosolo kayo rito!" kantyaw ni Hans.
"Gago ka talaga Hans! Teka! Kayo lang ba nandito? Asan si Kristen?"sabi ko.
"Ayun oh! Kasama si Belle. Bumibili ng hotdogs." sagot ni Hans.
Fuck! Andito si Belinda? Shit! Anong gagawin ko?
"Hi Best!" nagulat ako ng biglang yumakap sakin si Li-Ae.
Pati toh? -______-
"Oh? Li-Ae? Anong ginagawa mo rito?" tanong ko.
"Hindi ka ba masayang nandito ako? Aww."-Li-Ae.
"Hala. Hindi naman sa ganon." mage-explain pa sana ako ng biglang magsalita si Thalia.
"Ate Ellai. Sinama kasi kami ng mga lalaking 'to. Sabi nila, nasa beach daw kayo. Naexcite naman kami kasi mukhang masaya. Sana okay lang."
"Okay lang naman eh. Ayos nga 'to eh!"sabi ko eh.
"Hi Ate Ellai!" sumigaw si Kristen at patakbong lumapit sakin.
"Kristen? Nagutom ka ata sa biyahe ah?" biro ko.
Ngumiti lang si Kristen at bumalik na sa pagkain.
Shit! Nagseselos ako. Yung tingin ni Belle kay Kristen sobrang tamis. Wala man lang ba 'tong konsiderasyon!
"Belle, gusto mo ba ng hotdog? Ibibili nalang kita. Kulang pa kasi ito sakin eh."sabi ni Kristen kay Belle.
"Okay lang ba Kristen?"-Belle.
Tumango naman si Kristen.
"Ako na ang bibili." Hindi ko na kaya 'to. Wala man lang akong nagagawa para kay Belle.
"Woah!" pagrereact nila Hans.
"Ellai! Take it easy!" -Li Ae.
Ngumiti lang ako at tumakbo papunta sa stall ng pagkain.
Belinda's Point-of-View~
Ano ba 'tong ginagawa ni Ellai? Hindi pa ba malinaw sakanyang 'Kami na' ni Kristen? Ano pa bang kailangan niya sakin?
Hindi ako galit kay Ellai dahil gusto niya ako. Hindi ko lang talaga siya maintindihan, bakit kailangan niya pang gawin yung bagay na yun? Hindi ba siya nahihiya sa ginagawa niya? Sikat pa man din siya. Para sakin? Ibababa niya ang sarili niya? Pati ako, inaagaw niya pa kay Kristen.
"Belle!" Iniabot niya ang hotdogs at ngumiti.
"Salamat!" sabi ko.
Tinignan ko si Kristen. Bat ganon? Hindi man lang siya nagseselos? Hindi ba siya naapektuhan kahit nakikita na niyang nakikipagusap ako sa iba? Ano ba namang klase 'to.
Sa totoo lang, hindi ko pa naman boyfriend si Kristen eh. Ni hindi pa nga niya sinasabi saking 'mahal niya ako eh'. Siguro, nahihiya lang siya. Baka nga ganon! Ayokong magisip ng iba. Ayokong masira ang relasyon namin ng boyfriend-to-be ko dahil lang sa pagiging paranoid ko.
A/N: Yun na po muna for now! <": Sana na-enjoy niyo! ~ Please Vote and Comment! :))))) Yun lang po. ^^ Thanks Guysss!
BINABASA MO ANG
My Lesbian Girlfriend [Under Major Editing]
HumorLove comes in a wonderful Disguise. Love comes when you least expect it. See? Love comes and all you have to do is to wait for it. -- What if nagising ka isang umaga, Mahal mo na yung taong ni sa panaginip hindi mo pinangarap na makasama? "What if n...