Special chapter part III

476 6 0
                                    

Its been months simula ng mangyari iyon. I never heard anything from him. The last time I checked, sila na ni Phoebe at kahit masakit tinanggap ko iyon. Oo mahal ko pa rin siya, ang naiba nga lang nagising na ako sa pagkakaidlip. Narealize ko ng imposibleng may mamagitan saamin. I damned well know na hanggang doon nalang iyon.

Parati din kaming lumalabas ni Eros. Eros is a sweet guy. Gwapo rin siya lalo na kapag tinanggal na nito ang nerdy glasses niya. Lately napapadalas ang pasyal niya rito sa bahay. Nakikikain at kung minsa'y sasamahan ako kung saan. Ayokong magassume pero pakiramdam ko'y pinopormahan ako nito.


"A penny for your thoughts?" Natauhan ako nang biglang sumulpot si Eros sa aking harapan.


"Ahh. Its nothing."

"You are thinking of him, don't you?"anya. Tinitigan ko ito at ngumiti. "You really know me huh?"


"I like you Belle." Natigilan ako nang sabihin niya iyon. "Baka nga di nalang like ito e. I think, mahal na kita."


"Huh? Nagtatapat ka ba ng pagibig, Eros?" Kantyaw ko rito. Tinignan lang ako nito sabay iling.

"Its not me," huh?

"Ano? Pinapaikot mo ba ako?" Naguguluhan ako. Ano bang tinutukoy ng lalaking ito?

"Abay sino?"

Itinaas nito ang kanyang cellphone at nakita ko kung sino ang naroon.

Nagfefacetime sila ni Kristen at nakangiting nakamasid ang lalaki saamin.

"Salamat Eros." Anya. Iniabot saakin ni Eros ang cellphone niya at umalis.

"Hi Belle! Alam ko galit ka saakin. Sorry..." Tinignan ko lang ito. Hindi ako nagsasalita. Aminado akong nasasaktan parin ako pero yung galit, wala na.


"Mag move on na tayo Kristen... Nangyari na ang lahat,"

Tinignan ako ng lalaki at sunod sunod na umiling... "I cant... Naging duwag ako, Im sorry. Ang totoo niya'y noong araw na nagtapat ka saakin may nararamdaman na ako para saiyo. Ayoko lang magpahalata dahil ayokong baliin ang motto ko sa buhay. Ayoko sa babaeng may gusto saakin Belle, pero sinabi mong mahal mo ako... Nagulantang ako."


"Tama na Kristen!" Gusto kong iend ang tawag pero hindi ko magawa. May parte ng pagkatao ko gustong marinig ang side niya.


"Kaya niligawan ko si Phoebe para madivert ang atensyon ko. Ayaw saakin ni Phoebe, kaya kahit ilang beses akong pagtulakan nito, hindi ko siya nilalayuan."

"Kristen."

"Pero di ko na kaya. Ako lang naman ang nasasaktan sa ginagawa ko. Kapag kasama ko siya, ikaw ang naiimagine ko. At nung araw na nakita kita kasama si Eros... Nakaramdam ako ng selos, at batid kong ganun din ang nararamdaman mo nung oras na trinatrato kitang parang hangin."


"So nung panahong iyon, sinadya mo talagang wag akong pansinin?"


"Oo. Nung araw na yun, sobrang ramdam ko na ang labis na pagkakagusto saiyo. Gusto kong pigilan pero nung nakita kitang umiiyak, hindi ko na tinikis pa ang sarili ko..."

"Pero galit ka saakin noon, sa sobrang galit mo... Kinamuhian mo na ako."


"Kristen. Ngayon alam ko na..."


Ngumiti ito pero hindi nagsalita. Nagiintay ito ng susunod kong sasabihin....

"Pwede naman siguro tayong maging magka ibigan diba?" Bulong ko.


"Kaibigan nalang? Wala na bang itataas iyon?" Natawa ako sa ekspresyon ng mukha nito... Parang nalugi...


"Sige Kristen. May gagawin pa kasi ako." Paalam ko rito.


"Hindi mo na ako mahal." Yumuko ito at nakita ko ang pagpatak ng luha galing sa mata niya. Magsasalita pa sana ako ng mamatay na ang tawag...


"Ang labo mo Kristen! Sasabihin mong mahal mo ako pero peste ka kasi hindi mo ako pinilit... Di mo ba alam na nagpapakipot lang ako? Nakakainis ka! Nakakainis! Nakakainis!"

"Sorry na baby... Nandyan lang ako sa labas ng bahay mo oh." Nilingon ko ito at nagulantang pa ako ng makita si Kristen...

"So girlfriend na kita?"anya. Binalot ng pamumula ang mukha ko...

"I love you." Hinalikan ako nito sa noo at mas namula pa ako dahil sa ginawa niya.

"Je T'aime." Bulong ko.

"Gutom ako... Luto ka please."

"Okay."

My Lesbian Girlfriend [Under Major Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon