Deyb's POV
"Ugh." nasapo ko ang ulo ko nang magkamalay na ako. Puting kisame ang unang nakita ko pagmulat ko ng mata. I scan the room looking for someone, hoping that she's here pero wala siya.
"Kuya, papatayin mo ba talaga ang sarili mo?" Nakapamewang si Thalia sa harap ko at masuri akong tinitignan. Ah! I remember, ininom ko pala ang pineapple juice na nakita ko sa ref ni Hans. Inatake na naman siguro ako.
Bigla ko tuloy naalala, nung araw na inatake ako ng allergy ko at malagay sa bingit ng kamatayan. Dumating siya, dumating si Ellai. I even confessed my feelings to her and that's the first time I cried.
"Deyb." nakita ko ang mga kabanda kong pumasok sa kwarto. Tatlo lang sila, kahit alam kong wala siya hindi ko pa rin mapigilang umasa na siya ang pangapat na papasok sa pintuang iyan.
It's been what? Six months? Six months na pero hindi pa rin siya gumigising. When the doctor confronted us that Ella's dying hindi ko kinaya...
=FLASHBACK=
"Jagi... Alam mo ba kung anong araw ngayon?" I touched her face and kiss her forehead. I know... Sana nalang ang pinanghuhugutan ko.
Sana, gumising na siya
Sana bumalik na kami sa dati
Sana...
But that little hope is now fading. Ellai's condition is getting worse. Walang anumang signs ang nagpapakita na magigising na siya.
"It's our monthsary Jagi. Happy 8th monthsary Jagi! I Love you." I feel the lump in my throat. Alam ko, konti nalang iiyak na naman ako pero pinipigilan ko. Nagpapakatatag ako para kay Ellai, I have to be strong para saamin.
Deyb, bakla ka na.
"Listen." Napatingin ako sa nagsasalita. Dahil siguro sa sobrang pagpo-focus ko kay Ellai, hindi ko na namalayan ang pagpasok ng doctor.
Nagpatuloy ito. "Sorry to tell you but... the patient needs life support for her to live."
Pakiramdam ko, bumagsak ang pundasyon ng mundo ko. Its over? Ibig bang sabihin non mawawala na si Ellai?
Nakita ko ang pagiyak ng mga kasama ko sa kwarto pero ako, pinipilit kong wag tumulo ang mga luhang nagbabadyang bumagsak Ayokong ipakita kay Ellai na mahina ako.
pero makikita pa kaya niya?
=END OF FLASHBACK=
Pagkagaling namin sa ospital, dumiretso kami sa condo ni Hans. Kukuha sana ako ng beer ng mapansin ko ang pineapple juice sa ref. Gusto ko sanang tapusin na rin ang buhay ko. I want to be with Ellai wherever she is. Ganun ko siya kamahal... The next thing I know, I'm here.
"Ellai Again?" nagbalik ako sa huwisyo nang marinig kong magsalita si Ranz.
Ngumiti ako ng mapait. Bakit ba kapag masaya ka, parati nalang gagawa ng paraan ang tadhana para malungkot ka?
"Pare we understand you're in pain. Kaibigan din namin si Ellai, pero pare kaibigan ka rin namin. Don't hurt yourself, kung makikita ka ni Ellai sa ganyang kalagayan. You think? Magiging masaya siya?"
"Ranz! Paano pag hindi na niya ako makikita? Kung hindi na siya gumising? Ranz. Mahal na mahal ko siya." yung mga luhang matagal kong kinimkim, kusa nalang lumabas ngayon. Parang sugat na dahil sa sobrang lalim, sumirit nalang bigla ang dugo.
"Deyb! Gigising siya. Malakas si Ellai. May lahi ng pusa yun diba? May seven lives pa siya kaya tumahan ka na." pampalubag loob naman ni Hans.
"Hans. Sa oras na matagpuan ko ang kuya mo... Kahit kaibigan kita, hindi ako magdadalawang isip na patayin siya." bakas ang galit sa boses ko. Hindi ko matanggap na ang may sala sa nangyari kay Ellai ay malayang nakakapaglakad sa kung saan man.
Napuruhan si Ellai at Nathan sa aksidente. Ako, si Hans, Ranz at Kristen ay napilayan lang at kaonting galos pero ang dalawa'y sobrang naapektohan.
Dinala kami sa pinakamalapit na ospital. May malay kami nila Hans pero hindi kamii makagalaw ng maayos dahil sa damage na natamo namin. Na-hospital arrest si Nathan at na-coma din sa loob ng isang linggo.
Nung makita ko ang gagong yun, I want to kill him on spot pero dahil kapatid siya ng bestfriend ko hindi ko nagawa. Akala ko makukulong na siya pero hindi. Dahil nung panahon na nagkamalay siya... Agad siyang tumakas. Since then, wala pa kaming balita sakanya.
[Kring...]
Unang ring palang ay sinagot na kaagad ni Thalia ang tawag. Nasa kanan ko siya kaya malaya kong naririnig ang sinasabi niya.
"Pupunta na kami jan." yun lang ang sinabi nito at masayang ngumiti samin.
"Gumalaw ang kamay ni Ellai." Lahat ng doubts ko, biglang nawala. Thank God! Thanks!
A/N: readers pwede humingi ng pampalubag loob? Penge naman ng Votes and comments oh! Para ganahan ako sa pagsusulat. Plith. *puppyeyes* (=゚Д゚=) thankssss. ^ω^
BINABASA MO ANG
My Lesbian Girlfriend [Under Major Editing]
HumorLove comes in a wonderful Disguise. Love comes when you least expect it. See? Love comes and all you have to do is to wait for it. -- What if nagising ka isang umaga, Mahal mo na yung taong ni sa panaginip hindi mo pinangarap na makasama? "What if n...