35.

764 12 0
                                    

Ellai's POV

"Ellai... Nagtapat ka na kay Belinda." Napatingin ako kay Belle na halatang nahihiya na dahil sa kalokohan nila Hans. Hindi ko pinaniwalaan ang sinasabi ng mga gagong to dahil alam kong imposible yun. Hindi ko maalala ang araw na yun.

Napatingin ako kay Deyb na wala sa sarili. Kanina ko pa siya nakikitang nakayuko. I don't know pero ang weird niya. Simula nung araw na nagising ako, hindi na niya ako kinakausap. Pagkagising ko naman sa umaga, parati ko siyang naabutan na natutulog dito.

Ilang linggo na lang at madidischarge na ako. Sabi ng doktor, may amnesia daw ako pero parang imposible kasi naalala ko naman lahat. I know my name, kung saan ako nakatira, pangalan ng mga kaibigan ko. Hay!

"May mas imposible pa ba jan Hans?" tanong ko. Umismid naman ang loko at tumingin ng nakakaloko kay Deyb. 

"Boyfriend mo na si Deyb, Ellai." Nanlaki ang mata namin ni Deyb nang marinig namin iyon. What the fuck? Is he for real?

"huh? Gago ka ba Hans? Eh hindi nga ako interisado sa lalaki, boyfriend pa kaya at ang pinaka-imposible pa jan eh... Boyfriend ko si Deyb?" natawa ako pero nang makita kong hindi tumatawa ang mga kasama ko rito tumigil na ako.

"Guys. Don't tell me totoo yun?" tanong ko. Nagtinginan naman sila at sabay-sabay yumuko. I looked at Deyb, nakatitig siya saakin at nang magkasalubong ang mga tingin namin, siya ang unang umiwas.

"Totoo yun?" this time para kay Deyb naman ang tanong na iyon.

"Magpahinga ka na." tumayo ito at lalabas na sana nang pigilan ko siya.

"Don't you dare move! Tangina Deyb, bakit? Bakit kita boyfriend?" hindi ko na napigilan ang pagtaas ng boses ko. Frustated na ako, hindi ko maintindihan ang nangyayari.

"You should talk, you two!" ma-otoridad na sabi ni Ranz. Lumabas na rin ang mga kasama namin kaya kami nalang ni Deyb ang naiwan dito sa loob.

"What Deyb? Totoo ba?" mahinahon na ako this time. Matigas ang ekspresyon ni Deyb at hindi ito makatingin saakin ng diretso. Maya-maya pa'y umiiyak na itong nakaupo sa lapag. Nakatakip ang braso nito sa mata niya at walang tigil ang mga luha nito.

'Why do I have this feeling na dapat ko siyang yakapin?'

"Yes Ellai..." Those two words hit me. Now, sobrang gulong-gulo na ako. Hindi ko alam kung ano bang pinagsasabi nitong si Deyb.

"Jagi... I miss you so much!" sinamantala ni Deyb ang pagkakagulat ko at niyakap niya na ako ng sobrang higpit. Sa sobrang lapit namin sa isa't isa, nararamdaman ko na ang paghinga niya sa leeg ko. 

"I love you Ellai... I know hindi mo maiintindihan pero alam ko nararamdaman mo iyon. Hindi mo lang masabi saaking mahal mo ko dahil hindi maalala ng isip mo ang ugnayan natin pero baby, your heart knows everything..." Hinawakan nito ang magkabila kong pisngi at hinalikan ako ng buong pagmamahal.

Hindi ko alam kung anong nangyayari saakin pero dahil sa halik na iyon, lahat ng bumabagabag saakin biglang nawala. Parang yung halik na iyon ang nagsilbing kasagutan sa mga katanungan ko. I found myself responding to his kisses. Hinawakan ako nito sa bewang para mapalapit pa ako sakanya.

'Jagi. Mahal na mahal kita okay? Wag mong kakalimutan iyon.'

Natauhan nalang ako nang maalala ko ang bagay na iyon. Itinulak ko si Deyb at napayuko.

Was that really me? Paano nangyari yun?

I'm not interested in boys.

Baka imagination ko lang iyon. Tama! Baka imagination ko lang iyon!

"Ellai, are you okay?" naramdaman ko ang kamay ni Deyb sa balikat ko. Kusa akong napatingin sakanya at napansin ang pagbabago sa mukha nito. Ang payat-payat na niya, yung eyebags niya sobrang laki na. Sa hitsura niya ngayon, para siyang hindi natutulog.

"Deyb. What happened to you?" yun ang unang lumabas sa bibig ko. Hindi ko maintindihan ang katawan ko, bakit sobra akong nagaalala kay Deyb? It's like, meron kaming matinding koneksyon.

"I'm sick but don't worry. I'll be fine." Ngumiti ito na parang nanalo sa lotto. Bat parang biglang ang saya naman ni Deyb? Nagdru-drugs ba ito?

"Hey Baby, why are you crying?" pinunasan nito ang pisngi ko then I realized umiiyak ako. Bakit? Yung totoo? May sakit din ba ako?

"Deyb... please, wag mo na akong tawagin ng mga sweet endearments. Nakakailang!" I'm trying to drive the topic away. Hindi ko na alam ang gagawin ko sa sarili ko, bakit pakiramdam ko miss na miss ko itong lalaking ito. Sa sobrang pagkamiss ko sakanya, gusto ko siyang yakapin at halikan ng sobrang tagal?

"Hahahahaha!" niyakap ako nito habang hindi parin tumitigil sa kakatawa. "Yan din yung sinabi mo saakin nung una kitang tawagin ng mga sweet endearments Jagi. Okay, if you don't like those... Then I'll call you mine then?"

Naginit bigla ang pisngi ko. Putangina! Please, ipaalala niyo saakin na lumayo kay Deyb ng isang metro... Nagaalburoto ang katawan ko pag gantong malapit siya.

"Deyb. Puta! Lumayo ka nga saakin! Kung boyfriend man kita, pwes break na tayo. Tae, siguro baliw lang ako nang mga panahon na iyon... Oo! Baliw nga ako nun!" kumalas si Deyb sakin at umupo sa upuan sa harap ko. Sinusubukan nitong ngumiti pero halata pa rin ang kalungkutan sa mata niya.

"Ellai... I love you!" Tumayo ito at mabilis akong hinagkan sa labi. He left me frustrated and hanging.

What's happening here???

--

a/n: Votes and comments penge!

My Lesbian Girlfriend [Under Major Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon