A/N: Hii! I'm back! <3 Matapos ang halos ilang buwan, nag-update ako ulet. Natutuwa lang po kasi ako kahit matagal na akong di nagu-update, may mga nagbabasa parin ng "My Lesbian Girlfriend." Sana po patuloy nating suportahan si Ellai at si Deyb. <": Ito na ang aking update. (((((=
Ellai's Point-of-View~
*Bogshhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh*
"Epal ka! Bat mo kinuha yung softdrinks ko. Epal 'to!" Nasapak ko tuloy si Deyb. Aba? Totoo namang ang epal-epal niya. (-____-)
Pipilitin kong ibalik 'yung dating kami. Susubukan kong i-save ang pagkakaibigan namin ni Deyb.
-FLASHBACK-
"Ellai. Pwede bang bumalik nalang tayo sa normal? Yung sasapakin mo ko pag inaasar kita. Yung babarahin mo ko pag kinakausap kita. Nahihirapan na kasi ako sa trato mo sakin eh.Seriosly, ang hirap ligawan ng lesbian."
Kasalukuyan akong nakahiga sa kama ko. Kakauwi ko lang kasi galing Gig. Gusto ko sanang tawagan si Li-Ae, kaso siguradong tulog na iyon..
Tumatak sakin ang sinabi ni Deyb. Lalo na ang salitang 'Nahihirapan.'
Kahit anong pilit ko sa sarili kong maniwala sa sinasabi ng isip ko, hindi sumasang-ayon ang puso ko.
Yung puso ko kasi, naniniwalang mahal talaga ako ni Deyb.
Nakokonsensya ako, Pano kung mahal niya nga talaga ako?
Pano kung mahal niya ko tapos patuloy lang ako sa pananakit sakanya. Hindi naman ata makatarungan 'yon?
Mabait si Deyb eh. Kahit na sobrang Presko niya, mabait pa rin siya lalo na pag dating sa mga kaibigan niya.
Kung babae lang ako, papatulan ko sana si Deyb eh. Kaso lang hindi naman ako babae eh, at wala akong balak magpakababae. Pinanganak na kasi akong ganito. Pinanganak na akong tomboy at mamamatay na akong tomboy..
Wala akong gusto kay Deyb. Aaminin ko, hindi ko talaga kayang magka-gusto sakanya. Dahil hindi kami talo. Lalaki siya, at lalaki rin ako. Hindi ko kayang baguhin ang pagkatao ko.
Kung sakali mang, mahal niya talaga ako. Siguro oras na para, tigilan na niya iyong ilusyon niyang magiging 'Kami'. Siguro dapat, bumalik na lang kami sa dati. Pipilitin kong muling ibalik yung relasyon namin bilang magkaibigan. Siguro, dapat huminto na siya sa kalokohang pinag-gagagawa niya ngayon. Ayokong magpaasa ng tao. Ayokong manakit, lalo na sa kaibigan ko.
-END OF FLASHBACK-
"Yes! Welcome back Ellai! Bumalik ka na sa tunay mong katauhan!" parang tangang nagtata-talon si Deyb.
"Gag*! Matagal na akong nasa katauhan ko! Ikaw lang naligaw!" Kinuha ko yung bike ko at inilagay yun sa likod ng sasakyan ni Deyb.
"Hoy! Ano 'yang ginagawa mo? Baka magasgasan 'yang kotse ko." sigaw ni Deyb!
"Tara na!" hindi ko siya pinansin at pumasok na sa kotse.
"Lalaki! Saan naman tayo pupunta?"-Deyb.
"Joy ride!"-ako!
Tumango si Deyb at pinaharurot na ang sasakyan.
Binuksan ko ang radyo. Kasalukuyang tumutugtog ang kanta naming 'Fly high.'
Sinabayan namin yun ni Deyb. Grabe! Ang ganda talaga ng boses nitong lalaking 'to! Siguro kaya na-inlove ng sobra sakanya si Li-Ae.
"may mali ba sakin Ellai? Bat kung makatitig ka parang kakatayin mo na ko?"
"Luh? di nga kita tinitignan eh." pagsisinungaling ko. Baka pag inamin kong tumitingin ako sa kanya, lumaki pa ulo.
habang nasa kalagitnaan kami ng biyahe, bigla akong nanibago kay Deyb. Kailan lang sinabi niya, mahal niya ko. Bat ngayon parang hindi naman na? Ang labo talaga nito. (-___________-).
Teka? Apektado ba ako? Bat ganito?
A/N: Salamat sa oras niyo. Have a nice day! x'3
BINABASA MO ANG
My Lesbian Girlfriend [Under Major Editing]
HumorLove comes in a wonderful Disguise. Love comes when you least expect it. See? Love comes and all you have to do is to wait for it. -- What if nagising ka isang umaga, Mahal mo na yung taong ni sa panaginip hindi mo pinangarap na makasama? "What if n...