The real beginning

798 9 0
                                    

Ito na po. Welcome to the real world! <3

--------------------------

Ang pangalan ko ay Ellai... Ellai Louis Aquino

I'm a 22 year old student who is studying in M.A University taking the course BS Music and Arts. Ako ang bokalista ng bandang Nitrous, ang pinakasikat na banda sa buong bansa. We trend worldwide dahil sa angking naming kakisigan.

Kabanda ko si Hans Ocampo, siya ang may hawak ng Rhythm guitar. Sa aming lima, si Hans ang pinakababaero. Walang palya ang pagpunta niya sa mga club. Hindi na nga ako magtataka kung isang araw magkakaroon siya ng STD eh. Katulad ko, isa rin siyang estudyante sa M.A University at pareho lang kami ng kursong kinukuha.

Ranz Oryas, ang bahista ng Nitrous. Siya ang pinaka seryoso sa amin. Malimit kung tumawa at malihim na tao. Dahil malihim siya, wala kaming ibang alam sakanya. Basta 23 years old na siya, other than that. Wala na akong alam.

Kristen Hermano, siya ang... kaagaw ko sa puso ni Belinda pero kahit ganun kaibigan ko pa rin siya. Siya ang drummer namin, parati siyang gutom hindi ko nga alam kung saan ba napuputa ang mga kinakain niya eh. 20 years old na siya at siya ang pinakabata saamin. Kahit ano atang pagkain, papatusin niya eh.

Deyb Vercadez, ang lead guitarist sa aming banda. Siya daw ang Perfect one, gwapo daw siya mayaman at higit sa lahat Mapagmahal? Eh bakla nga ata iyon eh. Pano ba naman kasi, napakachoosy niya? Eh di naman yummy? Aysus. Si Deyb ang mortal kong kaaway since then. Siya naman ang nagsimula, gumaganti lang ako. Base sa pagkakaalam niya, perpekto daw siya kung kaya't hindi pa siya nagkakagirlfriend? Anong konek? Dapat daw perpekto din ang magiging girlfriend niya?

Natatandaan ko naman silang lahat ah? May nakalimutan ba ako?

Pero bat nung araw na magising ako, kung ano-ano na ang sinasabi nila?

Naaksidente daw ako kung kaya't nagka-amnesia ako at eto pa ang malala.

Boyfriend ko daw si Deyb?

Kalokohan! Ni minsan hindi pumasok sa isip ko ang pumatol sa lalaki. Whatmore? Si Deyb pa? Sinong ginagago nila?

I'm Ellai and this is my story...

Is it true that I'm his girlfriend?

His Lesbian girlfriend?

My Lesbian Girlfriend [Under Major Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon