39.

692 11 0
                                    

Ellai's POV

"Deyb. Ano nga uling nagustuhan ko sayo?" tanong ko kay Deyb. Actually, pinagtritripan ko lang siya. Ang kulit kasi ng hitsura. Laughtrip.

"You like everything about me Ellai." matalim ang tingin nito saakin.

"Weh? Parang hindi naman eh" sabi ko pa sabay pisil sa tungki ng ilong niya.

"Ellai. Stop or else I'll kiss you!" natigilan naman ako sa banta niya. Nanuod nalang ako ng sup3rfruit. Nasa bahay kami nila Deyb. Ewan ko, may ipapakita daw siya saakin kaso pagdating namin dito wala naman siyang ipinakita. Hinatak niya lang ako sa kama at nahiga kami doon.

Magdadalawang linggo narin simula ng lumabas ako sa ospital. Halos tumira na nga si Deyb sa condo ko eh. Hindi ko na rin nakikita si Li-Ae, ewan ko ba. Pakiramdam ko iniiwasan niya ako. May problema kaya iyon?

"Ah Deyb. Ano ng nangyari kay Nathan?" napabalikwas naman si Deyb nang marinig ang pangalang iyon.

Kwinento niya kasi saakin ang lahat na si Nathan daw ang may pakana ng pagkakapahamak ko.

"That bastard escaped, baby. I swear, i'll straddle him to death when I have the chance to see him!" ang bipolar talaga ng lalaking ito. Now I'm confused, bakit ko ba nagustuhan ang lalaking ito.

"Deyb. Mas okay atang baby nalang tawag mo sakin. Mas sweet eh!" sabi ko sabay yakap sakanya.

"Hmm. Baby then. I love you baby!" sabi nito at hinalikan ako sa noo...

Hindi ko man alam kung bakit inlove ako kay Deyb o kung inlove ba talaga  ako sakanya... ang mahalaga, masaya ako sa nararamdaman ko.

Sabi nga nila, hindi mahalaga ang rason kung gusto mong maging masaya kasi once na nawala ang rason na pinanghahawakan mo... Mawawala din ang kasiyahang nararamdaman mo.

"Deyb---"

"Baby!" ahh. ayaw patawag ng Deyb. Nako!

My Lesbian Girlfriend [Under Major Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon