A/N: Sa susunod na ang happenings na matino. For now, aayusin ko muna itu... HERE'S THE UPDATEEE. <3
Third Person's POV
Tumutugtog ang bandang Nitrous sa saliw ng awiting 'Bring me to life.' Malapit na kasi ang battle of the bands at gaganapin iyon sa Bagiuo.
Bumalik na sa banda si Deyb at mula dun ay nagsimula ulit sila sa umpisa.
Matapos kasi ang nangyari sakanila sa condo ni Deyb ay nagsimula na rin ang masaya nilang pagsasama. Nagbalik na si Elayne, at katulad ng inaasahan ay maraming nagulat sa pangyayaring iyon. Hindi kasi nila lubos maisip na magbabago pa ang dalaga lalo pa't kinasanayan niya na iyon pero dahil sa pagibig ginawa niya ang lahat.
Ang relasyon ng dalawa'y nananaliting sekreto at tanging Nitrous lang ang may alam. Hindi rin alam ni Ellai kung paano ba niya sasabihin sa bestfriend niyang si Li-Ae ang nangyari sakanila ni Deyb dahil alam niyang masasaktan ang kaibigan.
"Jagi." Napatingin si Deyb kay Ellai na nakatayo sa harap niya.
"Oy lovebirds. Break muna!" Sigaw ni Ranz. Mula rin nung naging sila ng dalawa ay naging mailap na rin si Ranz sakanila. Walang nakakaalam sa nangyayari dito dahil malihim ito.
Napangiti si Deyb ng marinig niyang tawagin siya ni Ellai sa endearment nila. 'Noong una ayaw talaga ni Ellai ng mga ende-endearment dahil ayon sakanya, masyado daw gay ang dating noon pero dahil parati niyang naririnig si Deyb na tinatawag siya noo'y nasanay na rin siya.
"Po?" tumayo si Deyb at inilapag ang gitara niya sa sahig.
"I Love you." Sabi ni Ellai at mabilis na hinalikan si Deyb sa labi.
Namula ang buong mukha ni Deyb dahil sa ginawa ni Ellai. Everytime na gagawin iyon ng dalaga ay mas minamahal niya ito.
"Mahal na mahal kita Ellai. Mahal na mahal." Sa pagkakataong ito'y si Ellai naman ang namula ang mukha. How she love this man.
Ella's POV
Yes! Ang saya-saya. Sana talaga manalo kami rito sa event na ito. Hindi biro ang battle of the bands na ito dahil iba't ibang bansa ang kalahok rito. *Sigh*
"Jagi. Jagi. Jagi" Hindi ko na pinapansin ang pagpapacute ni Deyb. Alam ko naman na ang trip ng lalaking ito eh. Kapag humarap ako sakanya, babanat siya ng pickup lines tapos hahalikan ako. Yung totoo, mahilig atang humalik ang boyfriend ko.
"Tumigil ka Deyb. Hindi ka nakakatuwa" sabi ko at isinandal na ang ulo sa headrest. Kasalukuyan kasi kaming nasa bus. And yes, papunta na kami sa Bagiuo. Battle of the bands na kasi.
"Hoy Deyb. Ang ingay mo. Para kang gago." Napatingin ako kay Hans na nasa katabi naming upuan pero wrong move. Dahil sa paglingon ko, labi ni Deyb ang sumalubong saakin.
"DAMN YOU DOUCHEBAG!" Sigaw ko pero ang gago, ngumisi lang.
"mahal mo naman." urgh. Oo na! Mahal ko na.
--
"Bakit parang may iba akong nararamdaman rito?" nagulat ako ng biglang magsalita si Ranz sa likod.
"PARANOID KA LANG!" Sigaw ni Hans. Natawa nalang kami. Ang lalabo pala ng members ng Nitrous.
"Jagi. Mahal na mahal kita okay? Wag mong kakalimutan iyon." Naguluhan nalang ako ng bigla nalang magsalita si Deyb pero yung gulat ko, one millisecond lang kasi kinilig ako. Yie
Tumango naman ako. Bakit ba ang swerte ko sa lalaking ito?
*Bogsh.* Napakapit ako sa braso ni Deyb nang maramdaman ko ang malakas na tunog na nagmumula sa likuran.
"Anong nangyayari?"-ranz
"Wala po tayong break. Nagkaproblema po." sabi nung driver. Nagkatinginan kami ni Deyb dahil sa sinabi ng driver. Sana walang mangyaring masama.
"I'll help." sabi ko. Naramdaman ko ang pagpipigil ni Deyb pero dahil determinado akong tumulong, wala siyang nagawa.
I Love cars kaya alam ko ang pasikot-sikot sa loob ng kotse. Sana lang, maayos ko ito this time
Narinig ko ang protesta ng mga kabanda ko pero hindi ako nagpadala doon. Nagpunta ako sa kinaroroonan ng driver at dun tumambad saakin ang mukha ng lalaking iyon.
Nathan.
"Mamamatay ka na Ellai." bulong nito at maya-maya pa'y iminaobra nito ang sasakyan sa tabi at tumama kami sa poste.
That's the last thing I remember before everything went black.
"Jagi. Mahal na mahal kita okay? Wag mong kakalimutan iyon."
________________________________________________
See youuuuu! I LOVE YOU GUYS! =)
BINABASA MO ANG
My Lesbian Girlfriend [Under Major Editing]
HumorLove comes in a wonderful Disguise. Love comes when you least expect it. See? Love comes and all you have to do is to wait for it. -- What if nagising ka isang umaga, Mahal mo na yung taong ni sa panaginip hindi mo pinangarap na makasama? "What if n...
![My Lesbian Girlfriend [Under Major Editing]](https://img.wattpad.com/cover/5535875-64-k651668.jpg)