21.

960 14 0
                                    

A/N: Whooh! So guys. May Note ako. :) For the rest of the chapters na darating, napagisipan kong puro kay Ellai at Deyb muna. Nakaka-gulo kasi eh. Grabe. I never thought na ganto pala kahirap gumawa ng story. Well, I'm still trying here so sorry for the lapses. Mahirap talaga ang schedule eh. You know? <3 At gusto kong magbunyi. haha! Happy 1k+. Ang babaw man, pero wala eh. Masaya na si Author dun. Haaaaaaaaay. :))) So here's the update. (Aayusin ko rin 'to. Someday when it's finish.)

 Ellai's Point-of-View~

Hindi kita gusto Deyb...

Hindi kita gusto Deyb...

Hindi kita gusto Deyb...

Yung apat na salitang yun, patuloy sa panggugulo saakin. Hindi talaga ako pinapatulog... Feeling ko kasi, ang bullshit ko. Kaibigan ko si Deyb pero sinaktan ko siya. Sinaktan ko ang kaisa-isang lalaki na nagparamdam saakin ang hindi ko kailanman naramdaman sa tatay ko. He is long-gone. Probably, he's the reason why, I became like this. I want to protect mom, but this world is too cruel. Heaven took my mom too. Since that very first day, I'm hopeless. I work hard, I study very well until I meet my Bestfriend and the rest of the crew, until I meet Deyb. Everything went normal again, just like before when my parents are still existing.

These past few days, nagiging busy na ako kaya naman nawawalan na ako ng time para makipag-bonding sa bestfriend ko. Knowing her, sa ngayon iniisip na niyang may gusto ako kay Deyb just because parati niya kaming nakikitang magkasama ng man of his dreams niya. At ngayon, sigurado akong magfre-freak out yun lalo na kapag nalaman niyang hinalikan ko ang Mahal niya just to end his illusions. Yeah. I kissed Deyb pero walang attach na kahit anong feelings don. I'm hundred percent sure na, wala akong nararamdaman kay Deyb. He's just a friend for me. A bestfriend, no other thing.

Hindi ko gusto si Deyb? That's right. Kahit kailan, hindi! But, let's accept the fact na hindi talaga ako attracted sa lalaki. I'm not used to it. That feeling was really awkward. Iisipin ko palang na nakikipag date ako sa lalaki, or let's say may kadikit akong lalaki (na may feelings sakin) naasiwa na ako...

Nakahiga ako sa kama ni Deyb. Nagugutom ako kaya naman nagtungo ako rito. Kumuha ako ng pagkain sa mini-board at hindi ko ineexpect ang susunod na mangyayari. Ni hindi ko naisip na yayakapin ako ni Deyb, at sasabihin niya saakin ang nararamdaman niya. Nung sinabi niya saakin na iyon na ang huli. Nung ipinangako niya saakin na hindi na niya ko guguluhin. Biglang naisip ko na pag bigyan ang kahilingan niya. Mabait si Deyb, nakita ko ang pagbabago niya. Alam ko isa ako sa mga dahilan kung bakit siya ganito. Kahit itanggi ko pa, na-appreciate ko naman lahat. Kahit noong una, ayaw kong maniwala sa puso ko, na-appreciate ko lahat. At Thankful ako doon.

Halos dalawang oras lang ang tulog ko. Nagising ako at napag-pasasyahan kong bumalik sa kwarto ko... Alam kong hahanapin ako ni Li-Ae at baka magtaka si Thalia dahil bigla akong nawala. Tatayo na sana ako ng mapansin kong wala si Deyb sa tabi ko. Tanda ko iyon, tumabi saakin si Deyb pagkatapos naming maghalikan. Nasaan na kaya siya?

Alas tres palang ng madaling araw, saan naman kaya pupunta si Deyb ng ganito kaaga?

"Deyb?" sigaw ko.

Bukas ang ilaw sa lampshade ni Hans. Marahil ay tumabi sakanya si Deyb, pero laking gulat ko ng makita si Ranz na nakatitig saakin, bakas sa hitsura niya ang pagkamuhi. Galit siya saakin? Bakit? Napadako ang tingin ko sa direksyon ni Hans, pero wala siya doon... ang lalaking hinahanap ko ay wala doon. Asan siya?

"Ellai? Bakit? Bakit mo sinaktan si Deyb?"  lumapit saakin si Ranz.. Habang palapit siya ng palapit ay nagtatalon na ang puso ko sa kaba?

Bakit? Anong nagawa ko? Bat ko nasaktan si Deyb? Bakit ang inaakala kong tama ay hindi pala. Bakit ko sinaktan si Deyb?

"Pare. Hindi ko siya sinadyang saktan siya. Sinabi ko lang sakanya ang nararamdaman ko. Ginising ko lang siya sa kahibangan na nararamdaman niya..." Paliwanag ko pero hindi siya umimik. Inabot niya lang saakin ang papel at sa tansya ko ay galing kay Deyb.

Nalaglag ang panga ko sa nabasa. Hindi ko alam na aabot sa ganito ang nangyayari...

"Pare. Maghanap na kayo ng bagong gitarista niyo. O kung gusto niyo ay ipalit niyo nalang saakin si Hans. Hahanapin ko muna ang sarili ko. Salamat sa lahat! Wag niyo na akong hanapin..."-Deyb

"Ranz.. Hindi ko sinasadya. Sorry!" gusto kong umiyak dahil kasalanan ko ang nangyayari rito pero kahit anong pilit ko walang tumutulo...

"Ikaw lang pala ang bubuwag sa Nitrous Ellai... Binaliw mo si Deyb! Sinira mo siya." Kalmado ang pagkakasabi niya pero halata mo rito ang galit...

"Ibabalik ko siya Ranz. Pangako!" yun na lang ang lumabas sa bibig ko.

"Bakit? Hindi ka pa ba nakokontento? Gusto mo siyang ibalik para saktang muli? Grabe ka Ellai!" Tinalikuran ako ni Ranz at tinungo si Hans at ginising ito.

Kahit na tutol sila, kahit ayaw pa nila... Hahanapin ko si Deyb. Ibabalik ko siya at babawi ako. Kung kailangan kong pilitin ang puso ko na mahalin siya. Gagawin ko... Kaibigan ko siya kaya, aayusin ko ang ginawa kong kamalian.

--

Si Ate Ellai oh. HAHAHA. Pretty pa din kahit magkalahi kami. hahahaah------------------------------------------------------->

Maya ulit. MWAAAAAAA;*

My Lesbian Girlfriend [Under Major Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon