Special Chapter 1

685 7 1
                                    

Belle's POV

"Igisa mo muna yung baboy bago mo ilagay yung toyo." Paalala ko kay Sab na nagiinarte dahil natatalsikan ng mantika.

"Hindi pa ba pwedeng ilagay ngayon? Ang sakit sa balat e." Reklamo nito.

"Hindi maluluto yung baboy. Gusto mo bang kumain ng hilaw?" Biro ko rito. Inarapan niya lang ako at ipinagpatuloy na ang pagluluto ng adobo. Nasa kusina kasi kami dahil nagpapatulong siya magluto. Pupunta kasi rito si Allen kaya bigay na bigay ang bruha.

"Kamusta na pala si Kristen?" Nang marinig ko ang pangalan ni Kristen ay bigla akong kinilig. Iba pa rin talaga ang epekto niya kahit na marami ng nangyari.

"Ayos lang siguro. Hindi niya naman na ako pinupuntahan, paano ko malalaman? "inamin ko na rin kay Kristen ang nararamdaman ko pero ngumiti lang siya at iniba ang pinaguusapan namin. Since then, hindi ko na siya nakausap pa.

"Baka iniiwasan ka na nun?" Kinunsidira ko rin ang bagay na iyon, na baka hindi niya talaga ako gusto kung kaya't hinihintay ko nalang siya. Ayoko siyang kulitin dahil baka magalit siya saakin mas mahirap iyon.

"Hindi ko alam." Pinilit kong ngumiti kahit na deep inside nabobother ako.

=FLASHBACK=

"Kristen." Tawag ko rito. Tinignan niya lang naman ako at ngumiti.

"Bakit Belinda?" This is it. Sabihin mo na para matapos na ang problema mo.

"I-I love you." Napayuko ako para itago ang pamumula ng pisngi ko.

"Ano yun? Ay teka Belle, may kanin ka pa ba? Nagugutom kasi ako." Nalungkot ako nang idivert niya ang usapan pero sumunod naman ako sa hiling niya at ipinaghanda siya ng pagkain.

=END=

"Tama na kasi Belle. Wag na si Kristen, kaibigan mo naman siya diba?" Anya.

"Masakit. Hindi ko kaya."

"Hindi mo pa nga nasusubukan e"

Hindi ko nalang siya pinansin at nanahimik na rin naman siya.

[dingdong]

"Yie. Anjan na ata si Allen mo." Asar ko rito. Namula naman siya at nagtungo sa pinto.

"Belle. Si Kristen nandito." Sabi nito sa disappointed na boses. Ako naman nabigla rin, hindi ko kasi inaasahan ang pagpunta niya rito.

"Belinda." Napalingon naman ako sakanya at ngumiti kahit hindi ko alam kung bakit.

"Oh napasyal ka?" Kaswal kong tanong rito.

"Belle kasi magpapaluto sana ako saiyo?"

"Para kanino naman yan?" Tudyo ko pa.

"Para kay Phoebe. Nililigawan ko na kasi siya. Paborito niya kasi yung Bicol Express ediba specialty mo yun? Please Belle." Nagulantang ako sa narinig. Nasaktan din at di ko namalayan na napatango na pala ako at pumayag sa pagtulong sa panliligaw sa iba ng mahal ko.

---
Aw. Ang sakit naman nun? Kusinazoned. 💔 vote and comment para sa next special chap. Bye

My Lesbian Girlfriend [Under Major Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon