25.

926 20 1
                                    

A/N: UWAAAAAAAAAA! I'm so happy today kaya naman ipagpapatuloy ko na ang naudlot na lovestory ni Deyb at Ellai. Chos! Update na. :)

Deyb's Point-of-View~

Hindi ko mapigilan ang ngiti sa mga labi ko. Ni hindi ko inexpect na agad-agad magwo-work na ang plano ko. Oh Ellai? What am I going to do with you? Kahit anong pilit kong itago ang nararamdaman ko sa'yo, nakakagawa pa rin ng paraan ang mga ito para maiparamdam iyon sa'yo.

[Bzft..Bzft..]

Dinukot ko ang cellphone ko sa bulsa at sinagot ang tawag. Si Hans ang kausap ko, ano naman kayang kelangan neto.

"Oh bakit pre?" Masigla kong bati.

(Deyb si Ellai! Nadiskrasya. Pumunta ka sa ospital. Nawalan siya ng malay)

Sa sandaling iyon, pakiramdam ko tumagas lahat ng dugo ko sa mukha. Nawalan ako ng gana magsalita.

(Tae! Magsalita ka Deyb! Asikasuhin mo naman itong mahal mo oh!)

"Ah. Okay! San bang ospital?" ang kaninang sigla ko ay napalitan ng nerbyos.

(I'll text it to you!)

"Mr. Vercadez? Are you okay?" Tinignan ko lang si Mr. Rodriguez at agad ng lumabas ng room.

-

Nang makarating ako sa Ospital, agad akong nagtungo sa Private room ni Ellai. Napapalibutan iyon ng iba't ibang aparato. Ang sabi ng doktor, hindi naman malalim ang sugat ni Ellai pero may chance na magkaroon siya ng hemorrhage na sana hindi naman mangyari sa future.

"Pare. Kailan mo ba balak ihinto itong plano mong ito? Bat hindi ka nalang bumalik sa banda?" giit sakin ni Ranz.

"Pre. Sorry pero hindi ako titigil. Ang selfish man ng excuse ko pero wala talaga akong balak itigil 'to. Kahit masaktan pa ang iba, kung si Ellai naman ang kapalit... Hindi ako magdadalawang isip."

"Gago ka pala eh!" Sigaw ni Ranz sabay suntok saakin sa panga.

"Tumigil kayo. Hindi na kayo mga bata!" pinaghiwalay kami ni Hans at ni Kristen. Natahimik naman ang paligid.

"You know what Deyb? I regret that I helped you. Ang akala ko kasi, gagawin mo yung plan para makalimot pero hindi naman... Mas lumalala lang ang sitwasyon."

"Excuse me... May kailangan ba kayong sabihin kay Ellai pagka-gising niya?" Tanong ni Li-Ae.

"Wala." sabay pa naming sabi ni Ranz.

Tumango naman si Li-Ae at muling nanahimik.

"Hindi naman tayo ganito dati ah? Bakit simula nung nainlove ka Deyb kay ate Ellai, biglang nawala na sa ulo mo ang utak mo?" Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Kristen. Once in a blue moon lang yan kung magreact sa mga bagay lalo na pag ganito. Siguro kaya naisipan niya ng magsalita ay dahil sobra na ang ginagawa ko.

"Fine. Sorry! I shouldn't say those words." inilahad ko ang kamay ko kay Ranz para makipagbati pero hindi niya tinanggap iyon, and I understand.

"Aalis na ako maya-maya, but please... Don't tell Ellai na nagpunta ako rito. Just tell her na wala na akong pakialam. Ayoko ng magisip pa siya. Sinabi ko sakanyang layuan niya na ako. Pag nalaman niyang pumunta ako rito para kamustahin siya, baka magulo ko lang ang isip niya." Tumalikod ako at lumapit kay Ellai na kasalukuyang mahimbing ang tulog. "Hindi ko sinasabing hindi ko na itutuloy ang plano... Iisipin ko lang muna kung ano ba ang dapat kong unahin para hindi ako makasakit ng iba..."

Hinaplos ko ang pisngi niya atsaka bumulong...

"Ellai... I love you" hinagkan ko ang tuktok ng noo niya at naglakad na paalis.

-

Nasa condo na ako ngayon. Hindi ko na natapos ang klase ko dahil nagmamadali na akong nagtungo sa ospital. Kakatext lang sakin ni Thalia at sabi niya, may malay na si Ellai. Nagising siya, pagkaalis na pagkaalis ko palang.

[Bzft...Bzft]

Nilingon ko ang cellphone ko na nakapatong sa bedside table.

...Mom Calling...

"Yes M----" hindi ko pa natatapos ang kahulihang salita ng sasabihin ko, binulyawan na ako kaagad ng mahal kong ina.

(Oastine! I want a grandchild. I'm getting older hijo..."

*sigh* Wala pa nga akong girlfriend, apo na kaagad?

"Ma. Wala pa nga akong girlfriend eh? Tapos gusto nyo na ng apo?" I chuckled.

(Wag mo akong tinatawan-tawanan diyan Oastine. I'm serious!)

"Andyan naman si Thalia Mom? Bat kelangan ako?"

(Bata pa ang kapatid mo. Oh! I remember something... Bantayan mo nga yang kapatid mo. May nakapagsabi saakin na inlove daw yan sa bestfriend mo.")

What? Thalia is still inlove with Hans? Nyemas! Wrong guy...

"Alright mom. Hey! Stop manipulating me okay? I'm 22, so please?"

(Alright then. Bilisan mo lang hijo. Tumatanda na ako. Gusto ko ng makakita ng maliliit na Deyb.)

"Yea. I get it! Bye ma! Love you!"

(I love you too!" and then she hang up.

"Magugustuhan kaya ng mga magulang ko si Ellai? Matatanggap kaya nila na ang babaeng Mahal ko ay babae rin ang hanap?"

------

A/N: Hey! <3 That's all for this day. Bukas na ulit. =) Vote po. <3 By the way, Kristen sa gilid. --->

My Lesbian Girlfriend [Under Major Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon