41.

771 13 0
                                    

A/N: Mahal ko kayo kaya update agad. :D Yung mga sidestory, siguro ilalagay ko nalang sa dulo kapag natapos ko na ang story ni Ellai at ni Deyb but for now, unahin ko muna sila. Play the mediaaaaa.  Enjoy!~

Ellai's POV

Alam ko ng ganun ang mangyayari saamin ni Deyb. Matatapos at masasaktan.

Ang hindi ko lang inaasahan ay mangyayari iyon kaagad ng biglaan.

Nung hinatid ako ni Deyb sa condo nung gabing nakita namin si Kleo kasama ni Thalia, nahalata ko ng may iba kay Deyb. Hindi na niya ako kinausap at ang pakikitungo niya saakin? It became cold. Dahil sa pakikitungo niya saaking iyon, tinanggap ko na sa sarili ko na iiwan na ako ni Deyb. Susukuan niya na rin ako at nangyari nga iyon.

Tatlong araw na rin ang lumilipas. Summer break namin kaya wala akong ibang ginawa kundi magkulong sa condo. Dumaan sila Li-Ae kahapon dito pero wala ako sa mood makihalo-bilo sakanila.

Madalas akong mahilo kaya parati akong tulog. Dahil na rin sa sitwasyon ko, hindi ako nakasama sa gig ng NItrous nung nakaraang gabi.

Hindi ko na alam kung ano bang gagawin ko sa sarili ko. Alam ko hindi ako masaya kaya pinapanindigan ko. Naguguluhan na rin ako, hindi ko alam kung magdadamit babae ba ako o magdadamit lalaki. Gulong-gulo na ako.

[beep]

Sinilip ko ang cellphone ko sa ilalim ng unan. Nagulat pa ako ng makita ko kung gaano karaming text ang nareceive ko. Ang tagal ko na palang hindi ginagalaw ang cellphone ko...

507 text messages

Tinignan ko kung kanino galing ang mga iyon, umaasang sana may makita ako kahit isang message man lang. Kahit tuldok lang o blank space basta galing sakanya, tatanggapin ko iyon ng buong buo.

Kaso nakita ko na lahat, pero ni isa wala siyang text.

Ellai, move on na...

Karamihan ng text doon, kay Toux galing. Nagtataka ako kung bakit nagtetext siya saakin pero narealize ko na baka naging kaibigan ko siya bago pa ako mawalan ng ala-ala.

I decided to call him. Friendly approach lang, no other meaning.

Isang ring palang sinagot na niya. He must be waiting for my call.

My Lesbian Girlfriend [Under Major Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon