20.

807 19 0
                                    

Deyb's Point-of-View~

Kasalukuyan na kaming nasa loob ng hotel. Bukas ng umaga ang balik namin sa Manila. Kahit wala sa plano ang pagbabakasyon naming Nitrous, kahit papaano naman eh, nakag-enjoy kami.

Tulog na sila Ranz, actually ako nalang itong gising. Sila Ellai, nasa kabilang kwarto lang. Gusto ko sana siyang puntahan at kausapin pa, kaso naisip kong baka tulog na iyon.

*Tok-tok-tok!*

"May nakatok pa samantalang anong oras na?" tumayo ako at sinilip kung sino yung nambubulabog.

Si Ellai? Ano kayang ginagawa nito rito? May kailangan ba siya saakin?

Binuksan ko ang pinto at agad-agad naman siyang pumasok. Hay nako! Kahit kailan talaga napaka-walang breeding nito ni Ellai. Basta-basta pumapasok. Nako Deyb! Bat ka ba nainlove sa gantong klaseng babae?

"Bakit ka nandito? Gabi na ah? Gusto mong tumabi sakin sa pagtulog?"-ako.

"Hindi. Pagkain. Naghahanap ako ng pagkain."-Ellai.

"Nako! May pagkain ata diyan sa mini-board." tinuro ko ang miniboard at lumapit naman dun si Ellai.

"Ellai. Mahal na mahal kita. Wag mo sanang kakalimutan yon." biglang nabilaukan si Ellai at ibinato sakin  ang tinapay na hawak-hawak niya.

"Ang epal mo Deyb. Kumakain ako tapos saka ka magsasabi ng nakakadiring bagay? Mahal daw! LUL!" Tumayo si Ellai at nagpunta sa kamang hinihigaan ko.

"Dito muna ako matutulog. Tinatamad na akong pumunta sa kwarto ko eh. Good Night!"

"Ellai! Diyan ako nakahiga eh. Papahigain mo ba ako sa sahig? Hindi ka na naawa sa Poging 'to."-ako.

"Ang drama mo. Osha! Dito ka na. Dun nalang ako sa sofa!" patayo na sana siya ng bigla kong naisipan na yakapin siya.

"Deyb! Bitawan mo nga ako!" nagpupumiglas siya pero hindi ko siya binibitawan.

"Ellai. Pangako, ito na ang huli. Pagkatapos nito, wala ng kasunod. Asahan mo ring hindi na ako magiging ganito. Hindi na kita guguluhin, hindi na kita pipilitin. Susuko na ako. Siguro nga, mas okay ng maging magkaibigan nalang tayo. Pasensya na sa abalang naidulot ko sayo. Pangako hindi na -----------------" naputol ang sasabihin ko ng bigla nalang akong halikan ni Ellai. Nung una, hindi siya gumagalaw pero hindi nagtagal nagkaroon na ng movements ang mga labi niya.

Ihiniga ko siya sa kama at mas lalo pang naging mainit ang halikan naming dalawa.

Hindi ko alam kung anong nangyayari kay Ellai, dahil ba sa awa kaya niya ito ginagawa? Kung awa man yan o hindi, okay lang. Basta kasama ko si Ellai, kahit masaktan pa ako ayos lang.

"Hindi kita mahal Deyb. Tandaan mo yan. Hindi rin kita kayang mahalin. Sinusuklian ko lang ang kabaitan at effort na ipinakita mo saakin.Sa tingin ko sapat na ito, sana nga totoo ang sinabi mo. Sana nga ito na ang huli, sana nga wala ng kasunod. Sana maging masaya ka sa piling ng iba. Thanks Deyb. Salamat sa lahat." Hinalikan niya kong ulit at sumabay naman ako sa halik na ibinibigay niya. Nararamdaman ko ang pagkapunit ng puso ko, sobrang sakit ng ginagawa saakin ni Ellai. Bakit? Bakit hindi niya ako kayang mahalin? Bakit hindi niya ko kayang bigyan ng chance? Lumuha na akong tuluyan, alam kong walang mababago ang pagluha pero heto ako, umiiyak habang kasama ang babaeng kahit kailan hindi ako magugustuhan.

"Good Night Deyb!" tinalikuran ako ni Ellai at natulog na siya.

Wala ka ng pagasa Deyb! Mabuti pa, simulan mo ng ayusin ang buhay mong sinira ng pagibig.

Pinahid ko ang luha sa mata ko at lumabas ng hotel.

hindi ko kayang makasama si Ellai, ikababaliw ko na 'to ng tuluyan.

Nagdrive ako paalis. Kahit saan, kahit saang lupalop malayo lang kay Ellai, marahil mas okay na ito. Tama nga sigurong lumayo muna ako. Kailangan ko sigurong hanapin muna ang sarili ko. Kailangan kong itanong sa sarili ko kung bakit sa dinami-dami ng babaeng pwedeng mahalin, dun pa ko napunta sa babaeng babae din ang hanap?

a/n: HAHAHA. Goodbye Ellai na nga ba talaga? Okay Goodbye na muna. :3

**TINE~

My Lesbian Girlfriend [Under Major Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon