36.

711 13 0
                                    

A/N: Please play the media while reading <3

Deyb's POV

Ang sakit.

Kung boyfriend man kita, pwes break na tayo.

Bakit ang dali para sakanyang bitawan ang mga salitang iyon.

Naiintindihan kong wala siyang maalala pero hindi ko maiwasang hindi masaktan dahil sa mga inaakto niya. Parang ang hirap tanggapin na sa nangyayari saamin ngayon, malabo na... Malabo ng bumalik pa kami sa dati...

"Ellai...I love you!" sinabi ko iyon para ipaalam sakanyang kahit na sinasaktan niya ako, hindi pa rin magbabago ang nararamdaman ko. Nawawalan man ako ng pagasa, atleast hindi naapektuhan non ang feelings ko para sakanya.

"Oh pare? Kamusta?"pagkalabas ko palang sila Hans na kaagad ang sumalubong saakin. Anong sasabihin ko sakanila? Bigo ako?

Nung hinalikan ko siya kanina,  pamamaalam ko na iyon. Hindi ko siya iiwan dahil may nakita na akong iba pero lalayo ako para mahanap ni Ellai sa puso niya kung ano ba talaga ang meron kami. Hindi man magawang maalala ng isip niya, atleast mararamdaman niya naman iyon sa puso niya.

When she responded to my kisses, bigla akong naawa sa sarili ko. Its like hinalikan niya lang ako dahil sa awa. Yun naman diba yung nangyayari diba? Nakakaawa ako dahil nanliilimos ako ng pagmamahal sa isang babaeng hindi magawang maalala ang nangyari saamin.

"Guys. Alagaan niyo si Ellai para saakin please? Mahal na mahal ko siya." bakas sa tono ko ang kalungkutan.

"Kuya...Don't tell me, susundin  mo yung sinabi ni Dad" tinignan ko si Thalia at sumangayon sa sinabi niya.

I need a break too! Alam ko mali ang timing ko dahil aalis ako kung kelan kailangan ako ng babaeng mahal ko but Damn! I need to space, kailangan kong magisip.

It happened that Mom and Dad called  me last night...

=FLASHBACK=

"Hijo, what happened to you? Alam namin na may problema ka pero anong rason mo at ibinagsak mo ang lahat ng subjects mo?" Galit na pahayag ni Dad. Nagagalit si Dad ngayon dahil sinadya kong ibagsak ang lahat subjects ko.

"Dad---"

"Okay lang sana kung bumagsak ka dahil kinaya ng utak mo, pero Khristoffer binagsak mo ang subjects mo para sa babae." kahit na nasa telepono lang kami naguusap, ramdam na ramdam ko ang iritasyon sa boses niya.

"Dad...Kailangan ako ni Ellai ngayon." pagrarason ko.

"Pero hindi na niya maalala pa ang nangyari sainyo anak... Magmove on ka na."  this time kalmado na siya

"Dad, hindi ko alam kung paano." Umamin na ako. Hindi naman kasi masosolusyunan ang isang bagay kung hindi tayo magsasabi ng totoo.

"Anak, magbakasyon ka dito. Hanapin mo muna ang sarili mo, magisip ka kung anong pwede mong gawin. Mas maganda iyon kaysa ipilit mo ang sarili mo sa isang taong walang ibang ginawa kundi saktan ka"

=END OF FLASHBACK=

"I'm going to States, baka bukas na ako aalis." I confirmed. They all gasped when I said those words. Kanya-kanyang reaksyon sila pero may isang reaksyon ang nakapukaw ng atensyon ko.

"If you're leaving, wag ka ng babalik... Deyb, kung hindi ka na maalala ni Ellai, then let Us make our own memories." nakayuko si Ranz nang sinabi niya iyon pero malinaw na malinaw sa pandinig ko ang gusto niyang iparating. Inlove siya kay Ellai...

"You asshol*" Inambahan ko na siya kaagad ng suntok pero kaagad iyong inawat nila Hans.

"Bago kayo magaway, kumain muna tayo." sabi ni Kristen. Somehow, unti unting nabawasan ang tensyon saamin ni Ranz. Bigla nalang kasing tumunog yung tiyan ni Kristen eh.

"Glutton. Tss"-Hans

"Hindi pa tayo tapos, Oryas!" Binitawan ako ni Hans at naglakad na ako palayo.

Now! Paano ako aalis kung may ahas na nagbabalak kainin ang pagkain ko?

---

Sarreh kung short. Lagi naman ata short update ako eh. Huhu. Pero maguupdate ako ng mas madalas para matapos ko na ito. :)

Ranz and Deyb ------------->

Ciao!

My Lesbian Girlfriend [Under Major Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon