19.

851 17 0
                                    

A/N: Hi! I'm back!~ <3 Ito na ang aking UD. ;)

Li-Ae's Point-of-View~

Bakit ganoon? Akala ko ba hindi gusto ni Ellai si Deyb? E bat kanina lang magkasama sila at take note, 'Silang Dalawa lang ang nandito.' May hindi ba sinasabi sakin ang bestfriend ko? Akala ko ba, ang magkaibigan hindi naglilihim sa isa't isa? E bat ngayon, pakiramdam ko. Hindi ko na kilala si Ellai?

"Best! Hindi ka na nanonood ng T.V. noh?" sabi ko kay Ellai na kasalukuyang nakatingin sa malayo.

"Huh? Oo. Bakit? Ano bang meron sa T.V?" tanong niya.

"Ah. Balitang-balita kasi yung ginawa mong pagamin kay Belle."-ako.

"Ahh. Ayos lang yon! Hindi ko naman hahayaang masaktan si Belle eh. Diba mahal ko siya?"-Ellai.

"Si Belle nga ba? Si Belle nga ba ang mahal mo?" tanong kong muli.

"Best. Syempre naman. Mahal na mahal ko si Belle. Siya lang. Wala ng iba." tumayo si Ellai at iniwan ako. Dahil doon mas lalo akong naghinala..

Aquino, matagal na kitang kilala. Alam kong mahal mo na si Deyb.

Ranz's Point-of-View~

Ano na kayang nangyayari kay Ellai at kay Deyb? Kanina, kung hindi pa ako sumigaw malamang at sa malamang nahalikan na ni Deyb si Ellai. Bakit ba? May hindi ba ako alam?

Naglakad-lakad ako sa tabing dagat ng makita ko si Li-Ae na umiiyak. Bat ba sa twing nakikita ko si Li-Ae, parati nalang siyang umiiyak?

Lumapit ako sa kaniya pero mukhang hindi niya namalayan ang paglapit ko.

"Boo!" gulat ko sakanya.

"Ay Seahorse! Ano ba Ranz!" pinalo niya ako sa braso.

Ngumiti lang ako at umupo sa bench malapit sakanya.

"Bat ka umiiyak?"-ako.

"May mga bagay kasing hindi permanente."sagot niya.

"Syempre. Kasali sa buhay yon. Kung permanente ang lahat edi lahat pati problema hindi na mawawala."-ako

"E bat si Ellai, nawala na?"

Tinignan ko siya at saka  ko lang  naintindihan na si Ellai na naman pala ang prinoproblema niya.

"Ano bang nangyari? Malay mo makatulong ako?" alok ko.

"Sa tingin ko kasi, wala na ang bestfriend ko. Tuluyan na siyang kinuha sakin ni Deyb."

Si Deyb? Bakit?

"Bakit? Pano mo nasabi?"-ako.

"Ewan. Basta nararamdaman ko lang. Ang weird noh?" sabi niya sabay tawa ng malakas.

Baliw na si Li-Ae! Umiiyak habang tumatawa.

"Alam mo Li-Ae, mahal ko si Ellai."-ako.

"Mahal mo rin siya? Sa tingin ko, mahal na ni Ellai si Deyb."-Li-Ae.

"Ah. Ganon ba?" napatahimik na lang ako, akala ko ba hindi siya magkakagusto kay Deyb? Bakit? Aww. Ang sakit-sakit.

Hans's Point-of-View~

Lumubog na ang araw at nandito kaming lahat sa beach side.

Kasalakuyang nagswiswimming sila Deyb kasama ata niya sila Kristen. Kami lang ni Thalia ang naiwan sa loob ng cottage.

Ang ganda niya lalo na ngayon. Bagay na bagay sakanya ang suot niyang Blue bikini at nakabraid ang kanyang buhok.

"Hans? OK ka lang ba?"-Thalia.

Nakakahiya naman 'to. >\\\\\\\\\<

"Yes. A-Ahm. Thalia... Wag kang magsuot ng ganyan, nakaka-turn on kasi." napakamot ako ng batok at tinawanan naman ako ni Thalia.

"Anong turn-on yang pinagsasabi mo Hans? Balak mo pa atang ligawan si Thalia ah? Lagot ka kay Deyb!"-Ellai.

"Hala? Wala akong balak ligawan si Thalia. Ang bata-bata pa niya eh." sabi ko pero di naman naniniwala si Ellai.

"ULOL!"-Ellai.

a/n: Thanks sa Time! <3 I LOVES YOU READERS... ;*

-TINE**

My Lesbian Girlfriend [Under Major Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon