24.

862 16 1
                                    

a/n: Eto na ulet! ;p

Ellai's Point-of-View~

That voice. I'm sure, it's from Deyb...

Inhale...

Exhale...

Inhale...

Exhale....

*Sigh*

"Mahirap talaga yun." Tama ako! It's Deyb. Kasalukuyan siyang naglalakad papalapit sakin but I bet hindi niya pa ako nakikita. He's busy talking with a girl. Yeah! Fuck! It's a girl. Alam ko, wala akong karapatan. Diba, sinabi niya na sakin na hindi niya na ako guguluhin? I should be happy kaso hindi kasiyahan ang nararamdaman ko ngayon! Naiinis ako.

"Hey is that Ellai?" mas nauna pa akong mapansin ng kasama niyang clown. E sa kapal ba naman ng make up ni Ate eh. *Sighhh*

"Yeah." sagot ni Deyb, medyo malapit na sila saakin kaya naririnig ko na ang paguusap nila.

"Gosh it's Ellai. OMG!"

"Girls. Kasama niya pa si Deyb! Grabe na ito!"

"Ellai! I LOVE YOU!"

Nginitian ko nalang ang mga fans at ibinaling ng muli ang atensyon kay Deyb. Bakit ba nangangatog ako? Sa tingin kasi sakin ni Deyb para niya akong kakainin eh? He's really mad or hurt? I don't know. Maybe both? I really don't know.

"Yow dude!" lumapit sakin si Deyb at nakipag-bro shake. "What are you doing here?"

"Kailangan kita makausap. Bakit ka nagpalipat ng shedule? Ang jologs mo alam mo ba yun?" Tumawa ako pero hindi naman umabot sa mga mata ang tawang iyon.

"You know, to understand things." Tumawa rin siya na para bang walang nangyari. Na hindi ko siya sinaktan? Bakit? Hindi niya na ba ako mahal?

"Hey, BABY? Pasok na ako ha? I'll just wait you inside." sabi nung babaeng kasama nya. Sila na? Grabe naman, hindi niya na nga talaga ako mahal.

"Yes please." sabi naman ni Deyb at nginitian siya ng matamis.

"I see. Can we talk? I really need that thing!" paanyaya ko.

"Aren't we talking?" muli tumawa na naman siya. Hindi ko maintindhan ang sarili ko. Bakit parang naninikip na ang dibdib ko? Tapos yung mata ko umiinit na? What's happening? -_________-

"Perhaps. Alright then. Deyb, first of all I'm sorry, I'm sorry---------" bago ko pa masabi ang lahat ng gusto kong sabihin, pinigil niya na ako.

"Please Ellai. Wag na? Ayoko na? I want to move on. Binigay ko na sayo ang matagal mo ng gusto." He paused and look at me intently. "Dumidistansya na ako, hindi na kita guguluhin. Pangako yan pero sana naman maawa ka sakin oh? Pabayaan mo na ako. Kung wala kang planong mahalin ako please? Lumayo ka nalang rin. Ayoko ng masaktan. Nakakapagod at nakakabaliw. Ngayon, alam ko na. I will leave to find the right woman, lalayuan na kita." Tumalikod na siya at naglakad papasok sa room.

Hindi ko maintindihan kung bakit parang pakiramdam ko, pinupunit ang puso ko. Yung totoo? Heart? What's the matter with you? Nababaliw ka na rin ba?

Pagkagaling ko sa room ni Deyb, dumiretso na ako sa music room. Maaga pa para sa first subject ko. Kaya naman tatambay muna ako rito. Apat nalang kami sa banda, hindi pa namin napaguusapan ang tungkol sa bagong gitarista dahil alam kong galit sakin ang mga kabanda ko. Dahil yun sa pananakit ko kay Deyb.

May girlfriend na siya... He let me go... Tapos na ang relasyon na siya lang ang may alam at nakaramdam. Hindi ko alam kung bat ang sakit-sakit? Sigurado talaga akong wala akong gusto kay Deyb kaya alam kong hindi ako heartbroken sakanya.

Humiga ako sa sahig at ipinikit ko ang mga mata ko. Natatakpan ng iba't ibang musical instruments ang pinto kaya hindi mo makikita kung sino ang nasa loob. Bumukas ang pinto pero hindi ako nagabalang tumayo. Inaantok ako, maaga akong nagising para puntahann si Deyb kaya wala ako sa mood para tumayo.

"Fuck this life?! Shit!" si Hans pala ang pumasok rito? Pero bakit siya galit? Sinipa niya ang hi-hat kaya naman natamaan ako at sa di sinasadyang pagkakataon nasagutan ang ulo ko.

"Awww!" inda ko sa dumudugong parte sa ulo ko.

"Shit! Ellai! Sorry! Dadalhin na kita sa clinic. Shit!" Bakas sa boses niya ang pagaalala.

Binuhat na ako ni Hans. Naiilang man, wala na akong magawa. Hindi ko kayang maglakad dahil sobrang sakit ng sugat ko at isa pa, nahihilo ako.

"Ellai! Hold on! Ellai-----"sigaw niya pero hindi ko na maintindihan dahil tuluyan na akong nawalan ng malay.

-

Its all white. Nasa langit na ba ako? Finally, makikita ko na sila Mama...

...Ellai, I love you...

Naalimpungatan ako dahil sa bulong na iyon. Panaginip ba iyon? But I know kung sino iyon. Kilalang-kilala ko ang boses na iyon... Si Deyb yun I'm sure.

"Best? You okay?" pagkamulat na pagkamulat ko palang si Li-Ae na ang bumungad sakin.

Biglang sumara ang pinto... Perhaps may pumasok o baka may lumabas? Haay! Ewan, ang hirap lumingon.

Tumango ako pero nakaramdam ako ng sakit at saka ko lang napagtanto ang mga nangyayari. Nasugatan ako.

"Sabi ng doctor, hindi naman daw masyadong malalim ang sugat. Buti nalang. By the way, sorry Ellai. Hindi ko kasi alam na may tao roon."-Hans.

Ngumiti lang ako. Nahihirapan akong magsalita dahil feeling ko, bubuka ang sugat sa noo ko.

Tinignan ko si Ranz sa gilid ng mata ko at nakita ko kung gaano katalim ang tingin niya kay Hans. Kasalukuyan kasing hawak hawak ni Hans ang kamay ko at ikinabigla ko naman ng higitin ni Ranz si Hans palayo sakin. Anyare doon?

-

A/N: Yon muna for now. Good Night, i mean Good morning! <3

Ranz  and Hans on the side.

Ranz as bassist and Hans as Rhythm. -------------------->

My Lesbian Girlfriend [Under Major Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon