37.

707 12 0
                                    

Ranz's POV

Hindi ko naman intensyong sirain ang pagkakaibigan namin ni Deyb eh. Ang gusto ko lang ay ipamukha sakanya na once na umalis siya, maraming posibilidad ang pwedeng maganap.

Oo. Mahal ko si Ellai noon pero ni minsan hindi pumasok sa isip ko na magagawa kong agawin siya kay Deyb. Alam kong si Ellai lang ang babaeng minahal ni Deyb, siya rin ang first girlfriend ng kaibigan ko. Hindi man halata pero unti-unti ng nagmamature si Deyb at si Ellai ang nakapagpabago sakanya.

Nung mga panahon na wala pang malay si Ellai, daig pa ni Deyb ang guardia dahil sa walang palya nitong pagbabantay sa dalaga. Ni hindi na nga kami nakakapag-gig dahil sa komplikasyon na dulot ni Ellai kay Deyb.

Nung sinabi ni Deyb na aalis siya, ang una kong naisip ay ang career naming lima. Kapag umalis siya sa Nitrous, tiyak na babagsak kami. Nitrous will never be Nitrous kung kulang na kami.

We named our band to Nitrous dahil pare-pareho kaming lahat. Para kaming Nitrogen Air, we boost but we remained simple. Sa banda namin, halo-halong personalidad ang meron. May mayaman, may kaya at meron naman yung nagsusumikap para makaabot sa rurok ng kasikatan Imagine, kung dahil lang sa nangyari kay Ellai, masisira ang Nitrous... Nakakapanghinayang. Marami na kaming narating, we can't just quit now.

"Ranz. Can you take Ellai away?" nilingon ko si Li-Ae na malayo ang tingin. Nasa Roofdeck kasi kami ng ospital. Dito ako nagpupunta pag kailangan ko ng kapayapaan. While Li-Ae, ewan. Di ko alam ang rason kung bat nandito siya.

"I can't" pagamin ko.

"You can make her happy... I will make Deyb happy. Di ba mas maganda yun? Nasasaktan na si Deyb since day 1, you see nakalimutan na niya pati pangangalaga sa sarili niya and that's because Ellai keeps on hurting him. She never stop and she'll always will. I know everything, alam ko hindi na niya magagawa pang maalala pa ang meron sakanila. Kung ganob, Bakit kailangan pa nilang pahirapan ang isa't isa. Bakit hindi nalang sila maghiwalay?" Ngayon ko lang narealize na sobra palang selfish ni Li-Ae. Hindi niya magawang intindihin ang sitwasyon ng bestfriend niya, but... Ahhh!

"Alam mo Li-Ae... Ang gusto mong mangyari ay hindi madali. You will make Deyb happy, ang tanong: Can you? Alam nating si Ellai lang ang makakapagpasaya kay Deyb... Not you nor me." Nagiwas ito ng tingin at maya-maya pa'y umiiyak na siya.

"Hindi ko na ata kayang magpanggap pa Ranz... I'm starting to hate Ellai dahil sa nangyayari... Alam ko may sakit siya at dahil sa sakit niyang yun nasasaktan ang mahal ko..." nilapitan ko siya at inalo...

"Then Li-Ae, can I take you away? If that's the only way para maging masaya ka." tumahan ito and yeah... Its too late for me to realize na may mali sa sinabi ko.

'Ranz, tell her'

I love her. Hindi ko alam kung paano nangyari yun. We are both devastated nung nalaman naming may relasyon na si Ellai at si Deyb.

We met by chance at the bar. Yun yung unang beses na nakipaginuman ako sa isang babae... Wala siyang ibang ginawa that night kundi...

=FLASHBACK=

"Ranz... Call *hik* Deyb. Tell him *hik* I'm horny." sabi nito sabay hagikhik. Napaface palm nalang ako dahil pinagtitinginan na kami ng mga bartender. Nakakahiya.

"Sorry." humingi ako ng tawad sa mga nakatingin. Jusme, ang wild pala ng isang ito. hindi pa naman ako lasing dahil beer lang naman ang iniinom ko samantalang si Li-Ae, nakaubos na ata ng ilang bote ng Vodka.

"Mahal mo si Ellai diba? *hik*" hindi ko masyadong maintindihan yung sinasabi niya dahil nakayuko ito sa mesa.

"Huh?"

"ayrkalgsbhzvnz... Call*hik* deyb... hajsnsjv..." nagaarabo na ata si Li-Ae, wala akong maintindihan sa sinasabi niya.

Tumayo ito, akala ko naman magbebehave siya yun pala...

"I'M HORNY!" bigla nalang siyang sumigaw. Paulit-ulit pa.

Tangina. Nakakahiya ito.

i grab her wrist at binuhat siya, yung ulo niya nasa likod ko at nilabas na siya sa bar.

"Wow. Ganda pala ng pwet mo. *hik*" Tapos ayun dinakot niya lang naman ang pwet ko.

"Li-Ae. Umayos ka nga!" sigaw ko. Hindi na talaga ako magtataka na magkaibigan sila ni Ellai, pareho silang amazona.

"Ranz... Virgin ka pa ba?" Muntikan ko na siyang mabitawan dahil dun. Tanginang babae to.

"Li-Ae, la-lasing k-kalang." fuck this, hindi ako makapagsalita ng maayos dahil sa babaeng ito. Shit

"Haha. Virgin ka pa *hik* haha." ibinaba ko siya sa sulok tapos tinignan ng mata sa mata. Nakipagtitigan naman siya.

*dug dug dug*

"Idi-diverginize nalang kita." hinigit niya ako sa batok at hinalikan sa labi. baliw na to. baliw na.

Hindi ko man gustong halikan siya, wla na akong nagawa. dahil na rin siguro sa epekto ng alkohol, hinalikan ko na siya.

habang naghahalikan kami... Bigla nalang nagbiro ang tadhana...

*buwaaaaaaaaak

Nagsuka si Li-Ae...

Nasuka siya at sakto iyon sa bunganga ko.

=END OF FLASHBACK=

"Anong ibig mong sabihin?" tinignan niya lang ako, nagaabang sa susunod kong sasabihin.

"Li-Ae... I--I love you, will you please let me make you happy?" hinigit ko siya sa balikat at...

hinalikan ng buo sa labi.

---

A/N: Please support this story :D

Battle of the Heartless. :) Nasa external link. :))

My Lesbian Girlfriend [Under Major Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon