23.

883 19 0
                                    

Ellai's Point-of-View

Hindi maiwasan ng puso ko ang kabahan dahil sa plinaplano ng isipan ko. Handa ba talaga ako? Pero hindi ko kasi kaya 'tong guilt sa damdamin ko eh. Kahit saan ko ibaling ang paningin ko, si Deyb pa rin at ang nagawa ko sakanya ang naalala ko. Ganto ba talaga kapag nakokonsensya? Ni hindi ko pa nararanasan ang ma-guilty ng ganito. Ang nararamdaman ko ngayon ay parang naka-patay ako ng tao at pero hindi ko naman talaga sadya. Alam ko namang kasalanan ko, alam ko namang tama ang lahat ng sinabi saakin ni Ranz.

Ellai? Bakit? Bakit mo sinaktan si Deyb?.Nung sinabi sakin  ni Ranz yon, bigla akong natauhan. Nasasaktan ko na pala talaga ng sobra si Deyb pero ni katiting hindi ko naisip iyon. Hinayaan ko siyang masaktan dahil iniisip ko noon na pinagtritripan niya lang ako. Ang laki kong tanga. Bakit ko pa siya ibabalik? Bakit pa?

Kung ibabalik ko ba siya? Mamahalin ko ba siya? Kaya ko bang ibsan lahat ng sakit na nararamdaman niya ngayon? Lahat ng sakit na naidulot ko sakanya? Maipapangako ko bang hindi ko siya sasaktan o baka naman kabaliktaran lang ang magawa ko? Mahalaga sakin si Deyb, naging mabait siya saakin sa loob ng Apat na taon namin sa college. Kahit noong una, sobra niya akong kamuhian... Kahit noong simula, halos ipagtabuyan niya na ako sa banda... Ipinaramdam niya parin saakin ang pagtanggap. Naging magkaibigan kami at hanggang sa umabot kami sa puntong ito. Mahalaga siya sakin pati na rin ang banda kaya naman kaya kong isakriposyo pati ang sarili ko para lang maayos ang issue na meron kami ni Deyb, ayokong masira ang Nitrous dahil sakin.

Kung ibabalik ko man si Deyb, sana kayanin kong mahalin siya. Kung kelangan kong pilitin na mahalin siya, kung kailangan kong turuan ang sarili ko, gagawin ko. Guso kong bumalik siya sa Nitrous, Kung kailangan ko siyang bigyan ng chance... Kahit mahirap para sakin, papayag ako. Alam ko naman na para sa banda iyon.

"Best! Are you listening?" nakuha ni Li-Ae ang atensyon ko. Andito kasi ako ngayon sa unit niya. Babawi ako. Halos ilang araw o linggo na ata ang lumilipas simula noong huli kaming nagkasama. Kung gaano man katagal, hindi ko na maalala.

"Oh? Sorry? What's that again?"

Napabuntong hininga na lang si Li-Ae at tumabi saakin.

"Look at you. Nagiging babae ka na." Nagulat ako sa sinabi ni Li-Ae..

"Huh? Ako? You gotta be kidding me?"

"Stop it Lois. I knew everything 'bout you. You can't fool me." Humarap ako sakanya at pilit na iniintindi ang mga salita na sinabi niya.

"Kahit hindi mo aminin saakin, alam kong nahuhulog ka na kay Deyb." sabi niya.

"Chellzy. What was that? Are you out of your mind? Ako? Maiinlove kay Deyb? Never! As in N-E-V-E-R!" Iritadong sabi ko. Alam ko, mahalaga lang sakin si Deyb but I'm pretty sure na walang pagmamahal na kasama dun.

"Ahh. Ganon pala? Kaya pala halos mabaliw ka na sa kakaisip sakanya. I knew it young man!"

Sinabi ko kasi sakanya yung nangyari... Na kasalanan ko kung bakit bigla nalang nawala si Deyb at tama ako. Nung una, nag freak out siya syempre, mahal na mahal niya si Deyb pero ng maka-getover na siya natanggap naman niya.

"I told you, dala lang ito ng guilt. Kaya kung sakaling maibalik ko si Deyb sa banda. Sana wag mong iisipin na inaagaw ko na siya sa'yo. Kasi Li-Ae, alam naman nating hindi ako magkakagusto sakanya."

"You know what Best. I trust you, just to let you know. Hindi ko kailanman iisipin na aagawin mo sakin si Deyb. I love him at alam mo 'yon. Alam kong hindi mo ako sasaktan, but if one impossible thing happen... I won't blame you. If you really fell inlove with him I won't be mad... Just promise me that you'll tell me... You will promise me that you will never keep a secret because I'll sue you, I swear!"

"Yeah! Yeah! I know. I know!" Niyakap ko siya at nangako na ako... I promised to let her know whatever the situation is.

-

Pumasok na ako ng maaga para sana maabutan si Deyb. Ang sabi kasi ni Thalia, dalawang subjects nalang ang kinukuha niya. Hindi ko alam kung paano nangyari iyon pero ganon na nga ang nangyayari ngayon. Iniiwasan niya nga ako, surely.

Nakarating ako sa room niya... Maaga nga ako, konti palang ang estudyante roon eh. Grabe itong effort na ito. Pag hindi naappreciate ito ni Deyb, sasapakin ko talaga siya.

"Yeah. Ang labo kasi, kapag hindi ka dumating ng maaga, masese-sante ka..." Yung boses na iyon, kahit nakatalikod ako, kilalang-kilala ko ang boses na iyon. Si Deyb...

A/N: Hi! :3 Thalia sa may Gilid... ------------------------->

My Lesbian Girlfriend [Under Major Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon