40

784 13 0
                                    

A/N: Please, play the media on the sideeee. <3

"Paano kung yung inaakala mong pagmamahal na inalay sa'yo hindi pa pala sigurado?"

"Hindi naman niya naalala ang naganap saaming dalawa eh kaya okay lang na ipamigay ko na siya sa iba... Ayoko na siyang masaktan kaya ipapamigay ko nalang siya."-Deyb Vercadez

Deyb's POV

Gulong-gulo na ako!

Alam ko mahal ko siya. Hindi naman ako magpapaka-hirap sa panunuyo sakanya kung hindi diba?

Alam ko totoo yung nararamdaman ko pero bakit ganoon? Bakit pakiramdam ko, maling akala lang lahat ng naramdaman ko.

Mahal ko si Ellai, pero bakit nung nakita ko si Kleo kanina, lahat ng nararamdaman ko kay Ellai bigla ko nalang pinagsisihan.

Lahat ng katangahang nagawa ko para sakanya bigla ko nalang naisip na sana hindi ko nalang ginawa.

Nung nakita ko si Kleo, bigla akong naalarma na hindi na ako ang dating Deyb.

Yung dating Deyb na mapili sa babae dahil ang ideal woman ko ay perpekto... at si Kleo iyon.

Ngayon ko lang naisip na ang dahilan kung bakit hindi ko magawang makipagrelasyon sa iba ay dahil wala sakanila ang katangiang taglay ni Kleo.

Hindi sila kasing-ganda nito.

Hindi sila kasing-bait o kasing yaman nito.

Maraming katangian si Kleo na hindi kayang pantayan ng kahit sino... Lalong-lalo na si Ellai.

Hindi ko alam kung ano ba ang nagustuhan ko kay Ellai?

Nagustuhan ko ba talaga siya o baka naging pursigido lang akong mapasakin siya dahil iba ang kasarian niya?

"FUCK!" Inihagis ko ang hawak-hawak kong bote ng alak dahil sa kalituhan.

"DEYB TANGINA! ANO BANG PROBLEMA MO?" Galit na utas nila Ranz.

"FUCK!" I cursed. Hindi ko pinapansin ang sinasabi nila Ranz.

"I guess alam ko na..." napatingin kaming lahat kay Hans na kasalukuyang nakatingin sa cellphone nito. "Nagbalik na si baby K at nako-confuse si Deyb." Ipinakita nito ang litrato sa facebook account nito.

Kleo Novache posted a new picture

-It's good to be back, my motherland really missed.

Nakita kong muli ang perpektong ngiti ng babaeng naging inspirasyon ko sa pagbuo ng banda. Kleo...

=Flashback=

"Baby K. Anong pangarap mo?" out of the blue kong tanong sakanya. We are seating at their couch, only the two of us. Umuwi na kasi si Hans dahil may project pa daw siyang tatapusin, nagpaiwan ako dito kasi gusto ko pang makasama si Kleo.

Para saamin ni Hans, si Kleo ang bunso naming kapatid. Prinsesa, apple of our eye. Para saakin rin, siya ang nagiisang reyna sa puso ko.

"I want to see you perform on stage. Kayo nila kuya Ranz, as a band.I want to see you happy because whenever you're happy... I'm happy too." alam naming mahal namin ang isa't isa. Ilang beses ko na rin siyang tinanong para maging girlfriend ko siya, pero parati niya akong tinatanggihan. Bata pa daw kami at marami pa daw siyang gustong i-enjoy.

"Then I'll form a band. The K-band!" sabi ko.

"K-Band?"

"Yeah. Kleo Band!" tumawa ito at niyakap ako.

My Lesbian Girlfriend [Under Major Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon