43.

774 14 0
                                    

a/n: sumisipag ako mag-update ah. hihi! Tatapusin ko na ito para masimulan ko na ang istoryang gustong-gusto ko ng sundan. Basahin niyo, 'battle of the heartless'. hihi <3 Lovelots & enjoy. PLay the mediaaaa. Muah! :*

Deyb's POV

Alam ko ang gulo ko at sa sobrang gulo ng pagiisip ko, hindi ko na maintindihan ang nangyayari saakin.Kung kanina, sigurado akong mahal ko si Kleo, alam kong sakanya ako masaya pero bakit ngayon parang nagbago na?

"DAHIL GIRLFRIEND KO NA SI ELLAI! LAHAT NG ORDER NIYO, AKO ANG MAGBABAYAD!" Hindi pa rin pala tumitigil itong gagong ito. Brinoadcast pa niya ang nararamdaman niya. Tss. Bakla.

"Pare, salamat dahil binitawan mo si Ellai. Pangako, aalagaan ko siya." Kumulo ng sobra ang dugo ko. Parang hindi matanggap ng sistema ko na napadikit ako sa gagong ito. =.=

-

"Fake boyfriend, kamusta?" napatingin ako kay Kleo. Oo, hindi ko talaga siya totoong girlfriend. Nung gabing nalaman ni Ellai ang nararamdaman ko kay Kleo, nakipagkita ako kay Kleo.

=FLASHBACK=

"O-Oastine? Anong ginagawa mo dito?" mukhang hindi niya inaasahan na pupuntahan ko siya sa bahay niya.

"Kleo, magusap naman tayo please."

Napatingin ito sa kamay ko at doon ko lang nakitang dumudugo pala iyon.

"Deyb... What happened to you? Tara." inalalayan niya ako hanggang sa makarating kami sa couch. Kumuha siya ng medkit at ginamot ang kamay ko. Sana kaya niya ring solusyunan ang kalituhan sa isip ko. Ang sitwasyon ko ngayon ay naiipit sa magkaibang panahon. I'm in between  Past and Present...

"Kleo, mahal pa rin kita." nabitawan niya ang hawak niyang bulak at tinignan ako.

"Deyb... Paano si Ellai?"

"H-How did you k---"

"Sinabi saakin yun ni Thalia. Oastine... I'm sorry. Hindi na kita mahal eh." Oo nga pala, kahit naman noon hindi diba? Bakit paba ako umasa?

"I thought, naka-move on na ako saiyo. Akala ko pagmamahal talaga ang naramdaman ko kay Ellai pero nung nagpakita ka... Pinagsisihan ko lahat... Ugh! Naguguluhan ako. Alam ko mahal ko si Ellai pero... Hindi ko alam... Naguguluhan ako!"

"Oastine. Magpanggap tayong dalawa. Hanapin mo sa puso mo ang halaga ni Ellai sa oras na mawala siya saiyo. Kapag magkasama tayo at pakiramdam mo hindi mo na ako mahal... Iyon na ang tamang oras para ayusin ang meron  sainyo ni Ellai."

=END OF FLASHBACK=

"Boyfriend na niya si Toux." natigilan si Kleo at hinarap ako. "At ang sakit-sakit Kleo."

"Deyb! Ganyan lang yan sa umpisa. Asahan mo madami pang ganyan."

"madami pa? madami pang magiging boyfriend si Ellai? Ayoko na. Babalikan ko na siya!" Aish. I'm such an arse. Hindi ko alam kung anong gagawin ko sa sarili ko. Alam kong mahal ko si Kleo pero bakit pati iyon, hindi na malinaw ngayon? shit!

My Lesbian Girlfriend [Under Major Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon