29.

837 15 0
                                    

A/N: Hello. Kakagaling lang namin sa recollection. haha. Pakiramdam ko mabuti na akong nilalang. HAHA. Please Vote people. :)) Toux and Ellai sa side.

Toux's Point-of-view~

(A/N: Si Toux ang mageexplain kung bakit naging Tomboy si Ellai. haha. Ang gwapo niya talaga. Omegesh. >_<)

"I'm Toux..... I'm Ellai's ex-boyfriend." there I said it. I'm her ex-boyfriend, hindi lang basta ex-boyfriend... dahil ako ang pinaka-mamahal na lalaki ni Ellai... noon!

Napa-uwang ang bibig ng babaeng kasama ni Ellai dahil sa sinabi ko. Hindi na iyon nakakapagtaka. Sikat na si Ellai ngayon... malayong-malayo sa pamumuhay niya noon. Nakilala si Ellai bilang tibo ng tao; naitago niya ang sikretong... kami lang dalawa ang nakakaalalam.

"Are you dead serious? Si Ellai? May boyfriend? Aba... You must be kidding." sarkastikong sabi ng babae. Umismid lang ako at binuhat na si Ellai. Ihahatid ko na siya sakanila isa pa.

"Hey... I'll go with you. Hindi mo alam ang unit ni Ellai." narinig kong sigaw nung babae pero tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad palabas ng club.

...Elayne, sana ako pa rin ang rason ng paglalasing mo. Sana mahal mo pa rin ako...

I am Toux Berlin, isa akong singer at ako ang nagturo kay Elayne o mas kilala bilang Ellai kung paano kumanta. Halos sabay na kaming lumaki... We are the best buddies turned into best friends then we became the most romantic Lovers at that time.

Hindi naman talaga tomboy si Ellai eh. In fact, ayaw na ayaw  niya sa Tomboy kaya sobra akong nagtataka kung bakit naging tomboy siya sa future. Saka ko lang na-realize na, ginagamit niya lang ang katangian niyang iyon para itago ang nararamdaman niya.

Si Ellai, ay marupok na babae. Madali siyang mainlove sa isang taong nagpapakita sakanya ng sincerity. Matagal ko ng binabantayan si Ellai. Nagtransfer ako ng school para lang mabantayan siya ng tuluyan. Gusto ko sanang ibalik ang meron kami noon pero base sa inaakto niya... Malabo na iyon.

Sa tingin palang niya sa kabanda niyang si Deyb, alam ko  ng mahal na niya ang binata. Hindi niya lang magawang aminin iyon sa sarili niya dahil natatakot siya na maulit muli ang nangyari saamin... Mukha lang malakas si Ellai pero ang totoo'y sobrang mahina siya. Ayaw niya ng iniiwan siya... Pinilit niyang maging tibo para itago ang nararamdaman niya.

-FLASHBACK-

8 years ago....

"Ganda, mahal kita." out of the blue kong sabi habang inaayusan ng buhok si Ellai...

"Mahal din naman kita eh. Diba, we are the best bestfriends ever." Humarap siya saakin ng matapos ko ng ayusin ang braid niya.

"I mean... I love you Elayne, higit pa sa inaakala mo." Hinawakan ko ang mukha niya at hinalikan siya sa noo.

Namula ang buong pagmumukha niya. Mukhang totoo ang lahat ng nabasa ko sa diary niya... She is secretly inlove with me at ang saya dahil pareho kami ng nararamdaman.

"Toux... I love you too." sa buong buhay ko, yun ang pinakasweet na salita ang narinig ko.

Simula ng araw na iyon, nagsimula na ang pahina ng istorya namin Elayne. Sinong magaakala na mamahalin namin ng sobra ang isa't isa.

First year highschool pa lang kami kaya naman hindi pa namin alam kung paano namin ipapaalam sa magulang namin ang tungkol sa aming dalawa.

"Toux, hindi kaya masyado pa kayong bata para sa isang relasyon?"-Mrs. Aquino

"Hijo, mabuti pa magpakasal na kayo para sigurado kaming hindi mo tatakasan ang anak ko."-Mr. Aquino.

"DAD!/Honey?!" sabay na sigaw ni Elayne at ni Tita.

"I'm just kidding." at napuno na ng tawanan ang bahay nila Elayne.

Lumipas na ang Isang taon at tatlong buwan,

wala kaming ibang inatupag ni Elayne kundi ang mahalin ang isa't isa.

Nakakasanayan ko na ring matulog sa bahay nila pero sa loob ng isang taon na iyon, ni minsan hindi ko pa nahahalikan si Elayne, ayaw pa kasi niya at nirerespeto ko naman iyon. We both love to sing, pumupunta kami sa Videoke bar tapos magpapakapaos sa pagkanta. Tinuruan ko siyang kumanta at tinuruan niya naman akong makontento sa kung anong meron ako.

...Ring...Ring...Ring...

Napalingon kami ni Elayne sa teleponong kanina pa nagiingay. Gumagawa kasi kami ng project dahil malapit na ang deadline noon.

Sinagot ni Elayne ang tawag at sino bang nakakaalam na dahil lang sa simpleng tawag na iyon, nawala na siya saakin.

Namatay kasi ang daddy niya kaya naman sila nalang dalawa ni Tita ang magkasama. Bago mamatay ang papa ni Elayne, ibinilin niya rito na alagaan ang mommy niya.

Simula ng mamatay ang papa ni Elayne, hindi na siya nakipagkita pa saakin. Kung hindi ko siya sasadyain sa kanila, hindi ko siya makikita. Kahit sa school, kapag kinakausap ko siya, hindi na siya sumasagot. Nawala na ang Elayne na sobra  kong minahal.

Hanggang sa isang araw, bigla nalang gumuho ang mundo ko nang sabihin niya saking Tomboy siya at gusto na niyang makipaghiwalay. Gusto ko man siyang pigilan pero wala na akong nagawa. Iniwan na niya ako at tuluyan ng pinanindigan ang desisyon niya.

-END OF FLASHBACK-

Inihiga ko si Ellai sa kama ko. Dinala ko kasi siya sa condo ko dahil hindi ko naman alam ang unit niya. Masyado kasing mahigpit ang personel sa Condo niya kaya naman hindi ko alam. Okay, nagtatake-advantage ako, pero malinis naman ang intensyon ko. Hindi ko haharasin si Ellai dahil, mahal na mahal ko siya.

"Elayne... Balikan mo na ko. I promise, tatanggapin kita ng buong buo." bulong ko at hinalikan siya sa noo.

"...Deyb, mahal na mahal kita." Tinignan ko ang mukha ni Ellai at nakita ko ang pagpatak ng luha niya. Sobrang sakit para sakin na, hindi na talaga ako ang nasa puso niya....

My Lesbian Girlfriend [Under Major Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon