Deyb's Point-of-View~
Hindi ko alam kung paano ko kakausapin si Ellai. Parang hindi na ako sanay sa ganito. 'Yung dating Deyb? Yung walang pakialam sa ibang tao. Hindi ko alam, simula kasi ng magkagusto ako kay Ellai, bigla nalang akong nagbago.
Sabi ni Ellai, mag-joy ride daw kami. Hindi ko alam kung saan ko siya dadalhin. Kung mag-syota lang kami dadalhin ko na siya sa simbahan at papakasalan kaso hindi naman eh. Mukhang hindi naman na mangyayari yun, ayoko ng saktan ang sarili ko at lalong ayaw ko ng pahirapan si Ellai. Siguro, panahon na para itigil ko ang ilusyon kong, magiging kami.
Habang nagdra-drive ako. Nararamdaman kong tinititigan ako ni Ellai? Nahahalata niya pa rin ba? Hindi na nga ko nagsasalita eh.
"may mali ba sakin Ellai? Bat kung makatitig ka parang kakatayin mo na ko?" tanong ko.
"Luh? di nga kita tinitignan eh" sagot niya.
Baka nga hindi niya naman talaga ako tintignan? Bat ba kasi ang feeler ko.
"Ganon ba?" nanahimik ako ulit at ibinaling na lang ang atensyon sa pag dradrive.
Nanatili kaming walang imik ni Ellai. Siguro, hanggang sa matapos 'tong joy ride namin, hindi pa rin siya magsasalita.
Ayoko ng ganito. Masyado siyang tahimik, mas lalo akong naiinlove sakanya.
"Ellai!"
"Deyb!"
Sabay naming sabi.
Ang akward naman ng ganito.
"Sige na mauna ka na. Ladies first." sabi ko.
Umiling siya.
"Sige na. Ladies First."
"Gagi. Gays first. Diba bading ka?"-Ellai.
"Luh? Hindi ako bading noh? Ang gwapo-gwapo ko eh." pagtutol ko.
"Oo na. Gwapo ka na. Sating Nitrous, ikaw naman 'tong pinakasikat eh. Ikaw kasi ang pinaka gwapo."
Aww. Bat ganyan si Ellai. Ayokong kiligin kasi ang lalaki hindi naman kinikilig. Bat ngayon? Hindi ko kayang pigilan ang puso kong konti nalang eh lalabas na saking dibdib?
"Sus! Fisher!" sabi ko.
"Ikaw na nga 'tong pinupuri eh. Ako pa sasabihan mo ng Fisher."-Ellai.
Ginulo ko ng bahagya ang buhok niya kaya naman nabatukan nanaman ako ng di oras.
"HAWAKAN MO NA LAHAT WAG LANG ANG BUHOK KO PLEASE!" sigaw niya.
"Sorry--sorry! Ikaw na siguro ang pinaka maarte sa lahat ng Tomboy. Alam mo ba yun?" Ipinark ko sa gilid ang kotse at iniwan si Ellai sa loob ng kotse.
dinala ko si Ellai sa isang beach rito sa Laguna. Hindi ko kasi alam kung saan bang lugar ko siya dapat dalhin.
"Hoy Vercadez! Ano---" Napangiti si Ellai ng makita niya ang view.
Yung ngiti niyang yan, namiss ko ng sobra. Simula kasi ng malaman niyang may gusto ako sakanya hindi na nya ko nginitian.
"Whooh! Ansaya ko! Ngayon lang ako ulit nakapunta sa beach.. Thanks Deyb!" Niyakap niya ako at tumakbo papunta sa dagat.
Sa isang iglap, bigla nalang tumigil sa pag-ikot ang mundo ko. Kung may remote lang sana ang buhay. Yung pwede mong i-pause ang isang senaryo kapag natutuwa ka. Yung pwede mong irewind ang isang bagay kapag gusto mo ulit mangyari? Yung pwede mong i-fast forward ang isang scene kapag nahihirapan ka? Sana nga lang, nag-eexist na yung remote na yun.
"Uy! Girls si Deyb oh! Tara magpa-picture na tayo!" -mga fans.
Nang mamataan ako ng mga fans, dinumog na naman ako. Buti nalang at nakalayo na si Ellai. Kung nagkataon, pareho kaming dudumugin.
"Deyb! Papicture naman oh!"-Girl 1
"Deyb! Ang pogi mo! Pa-autograph.."-Girl 2.
"Deyb! Pakiss naman oh!"-Girl 3
For sure, laman na naman ng balita ang Nitrous. Hay nako! Magpunta ka lang ng public place, pag fiefiestahan ka na. Nako! -_____-
"Pwedeng favor?" sumisigaw na ako pero hindi pa rin sila tumitigil.
"Girls! Nandito kasi ang girlfriend ko. Pwede bang layuan niyo muna ako?" sigaw ko ulit.
"Deyb? May girlfriend ka na?" isa sa mga fans.
"Oo, may girlfriend na ako. Please, lumayo muna kayo kahit ngayong araw lang?"
pagkasabi ko nun, unti-unting lumayo ang mga fans.
"Thank you!"
Mababait naman pala ang fans ng Nitrous eh. Dapat may reward sila, siguro mag papa-fans day kami. Pero sigurado akong, hindi papayag sila Ranz. Takot sa babae yun eh.
Sinuot ko ang shades ko at naglakad papunta sa kinaroroonan ni Ellai.
"Deyb! Paano mo nalusutan yung mga babae sa gate?"-Ellai.
"Simple lang, naglakad ako." cold kong sabi.
"=___________________="-ellai.
"Bat hindi ka magswimming? Ang saya maligo oh!" umupo ako sa tabi ni Ellai at pinagmasdan lang siya.
"Takot ako. Hindi kasi ako marunong lumangoy." yumuko si Ellai at napansin ko ang pagbabago ng mood niya.
"Akalain mo yun? May kinatatakutan ka rin pala?" biro ko.
Tinignan ako ni Ellai pero yumuko siya ulit.
"Bukod sa tubig takot din ako sayo Deyb."
Bigla akong nagtaka sa sinabi ni Ellai. Takot siya sakin? Bakit?
"Huh?" naguguluhan kong tanong.
"Natatakot ako sa'yo. Natatakot akong maniwala sa puso ko. Natatakot akong isipin na mahal mo talaga ako. Natatakot ako sa sarili ko. Natatakot akong baka magkagusto na rin ako sayo."
BINABASA MO ANG
My Lesbian Girlfriend [Under Major Editing]
HumorLove comes in a wonderful Disguise. Love comes when you least expect it. See? Love comes and all you have to do is to wait for it. -- What if nagising ka isang umaga, Mahal mo na yung taong ni sa panaginip hindi mo pinangarap na makasama? "What if n...