Chapter 3: What!?

328 7 2
                                    

Chapter 3: What!?

Nasa parlor ako ngayon. Nagpapa-ayos. May party kasi sa bahay nila Nicole. Welcome party ni Jane. Si Jane yung younger sister ni Nicole. Tatlo silang magkakapatid. Si Jane yung youngest, si Nicole yung gitna at si Kuya Sam. Tama na nga yang kwento! Aalis na ako dahil late na ako. Sumakay na ako sa kotse ko at nagdrive papunta sa bahay nila. 

Jane's picture on the right side

Nung makarating na ako sa tapat ng bahay nila, nagdoorbell na ako and sa likod ng bahay nila nagaganap yung party. Hinanap ko agad yung magkapatid. At ayun! Spotted!

"Hello girls!" sabi ko

"Nandyan ka na pala. Upo na tayo." sabi ni Nicole. At umupo na kami dun sa table nila kasama yung mga parents nila. 

"Good evening po!" bati ko kina Tito and Tita tapos umupo na ako. At dumating na rin ang mga guests. Dumating na rin si Kuya Sam and umupo na rin sa table. Bale ang pwesto ko, sa left ko si Nicole and sa right ko empty. Pero sabi ni Kuya Sam, dadating pa daw yung kaibigan niya. Pang-8 persons kasi itong table kaya kapag dumating yung friend ni Kuya Sam, puno na ang table namin. Nandito rin kasi yung kaibigan ni Jane

Nagstart na ang program at pumunta na ang pamilya sa harap. At ang kalabasan, mag-isa ako sa table. Hahaha. Nawala kasi bigla yung kaibigan ni Jane dito sa table. Pero di naman nila ako napapansin, focus ang tingin nila kina Nicole eh. At di ko namalayan, nagpalakpakan na pala ang tao at bumalik na sila dito. Nasan na kaya yung friend ni Kuya Sam? O baka naman girlfriend niya? Ewan! Tignan ko na lang mamaya kapag dumating. Kainan na kaya kumakain na kami ngayon sa table. Konti lang kinuha ko kasi ganito talaga ako sa mga parties, hindi masyado kumakain.

"Hey bro, bakit ka natagalan?" sabi ni Kuya Sam at tumingin ako habang umiinom ng juice dun sa friend niya. Curious ako eh.

Waaa! Bakit andito yan?

"Anong nangyari sayo? Okay ka lang?"  tanong ni Nicole sa akin dahil muntik ko na mabuga yung juice. Nilunok ko muna yung juice at nagsalita.

"Oo. Okay lang ako" sabi ko at tumingin ako sa tabi ko at nakaupo na si Julian at kumakain na. Oo. Si Julian the alien. Haha. Nakatingin siya sa akin ng masama. Edi tinaasan ko ng kilay and tumingin sa ibang direction. Ayoko ngang mang-irap. Pangbata na yun eh. 

"Tapos ka na ba kumain?" bulong sa akin ni Nicole

"Oo." sabi ko at hinila ako 

"Excuse lang muna ah!" sabi ni Nicole at dinala niya ako malapit sa pool 

"What?" tanong ko sa kanya

"Don't tell me na yung Julian na kwinekwento mo at ang Julian na friend ni Kuya, nag-iisa lang." sabi niya. Siguro nakita niya kami kaninang nagtitinginan.

"Siya nga yun. Isa lang sila" sabi ko

Hopeless LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon