Chapter 22: First Love

124 3 1
                                    

Author's Note:

Ito na ang pinakahinihintay ng lahat! Bwahahahaha. Sorry sa napakatagal na update. Nasira yung tab at na-addict din ako sa rainbow loom. For orders, just message me on my facebook account. Haha joke lang. Nagbenta bigla? Haha. Pero bawing-bawi 'tong chapter na 'to! Dedicated kay bestfriend na number one fan ko. Parang siya na nga lang nagbabasa nito eh. Haha wag naman sana.

8 MORE CHAPTERS TO GO!!!!

Chapter 22: First Love

"WHAT?" sigaw ko kay Julian nung binuksan ko yung bintana ko. Aba. Ang hilig magpapansin. Kailangan pang batuhin yung bintana ko. At ito pa, mukha siyang magwewelga sa harap ng bahay namin kasi may dalang malaking kahoy.

"Magwewelga ka?" sigaw ko pero bigla niyang binaliktad yung kahoy

"Sorry." sabi niya habang tinataas yung kahoy niya na may nakasulat na 'sorry'. Sinara ko yung bintana at humiga na sa kama.

"Elle! Sorry na!" argh! Hindi niya ba alam kung anong oras na para sumigaw siya ng ganyan sa labas ng bahay namin. 

"I LOVE YOU ELLE!" sigaw pa niya. Argh! Tumayo ako sa kama at binuksan yung bintana ko.

"Umuwi ka na!" sigaw ko at sinara na ulit yung  bintana pero gustong-gusto ko na siya patawarin.

"Hindi ako uuwi hanggang hindi mo ako papatawarin." psh. Bahala ka. Edi wag kang umuwi. Humiga na ako sa kama ko. Tingnan natin kung totoo 'yang sinasabi niya

"Elle! Sorry na! I love you!" argh! Hindi ko alam kung humihingi ba siya ng tawad o ewan

"Mahal na mahal ko si Elle Maxine Valdez!" 

 Bumaba na ako ng kwarto. Hayy nako. Kung hindi ko lang talaga. Ewan! Hahahahahaha. 

"Elle!" sumalubong sa akin si Julian pagbukas ko ng gate na sobrang lapad ng ngiti. 

"Sorry na please." ayy nagpacute pa. Tigilan mo 'yan Julian.

"Oo na." 

"Okay na tayo?" 

"Oo." 

"Yes!" sabi niya at niyakap ako

"Kung magwewelga ka, 'wag dito sa harap ng bahay namin ah." biro ko sa kanya. 

"Hindi na po." sabi niya at tumawa kami

"Umuwi ka na." 

"Ayaw ko pa."

"Umuwi ka na. Anong oras na oh." 

Hopeless LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon