Chapter 15: Ultimate Race
Ayoko nang bumangon sa kama. Argh. We're still here in Laguna. Hindi ko talaga akalain na nangyari yun! Yung kagabi! Argh! Nakakulong ako dito sa cabin. Nagwawala na sila sa labas para buksan ko lang ang pinto. Lunch time na pero hindi pa ako lumalabas. Kailangan ko na daw kumain ng lunch dahil may ultimate race daw mamayang hapon! Kahit gustong-gusto kong sumali dun eh hindi ako makalabas dahil sa nangyari kagabi! Sana panaginip na lang 'yon! Pero hindi eh! Nangyari talaga!
"MAX!" sigaw ni Nicole sa labas. Ni-lockan ko siya ng pintuan kaninang umaga nung lumabas siya. Mga 5 hours na siyang sumisigaw sa labas. Nagulat na lang ako nung biglang bumukas yung pinto. Waaaa. Patay tayo dyan!
Dendendenden....
Pumasok siya sa kwarto at may kasamang poodle dog. Waaaaa. Saan nila nakuha 'yan? Binitawan ni Nicole yung aso at tumakbo papunta sa akin. Waaaaa. Agad-agad akong tumayo mula sa pagkakahiga at tumakbo.
"Max! Hawakan mo yan. Daliiii!" sabi ko habang patuloy pa din sa pagtakbo. Argh. I hate dogs. Kahit gaano pa ka-cute yan, nangangagat pa din yan!
"Sumali ka muna sa race!"
"Oo na! Sasali na!" at kinuha na niya yung poodle. Grabe! Napagod ako dun ah!
"Okay! Maghanda ka na tapos pumunta ka sa dining area para kumain and after that magpahinga ka na at pumunta ka sa soccer field at 2pm" sabi ni Nicole at lumabas. Argh. Napasali ako ng race ng dahil sa isang aso! Naligo na ako at nagbihis at sinunod ko ang utos ni Nicole. Hindi ko alam kung nasan na siya ngayon. Bumalik ako sa cabin para magpahinga.
*knock knock
Tumingin ako kung sinong tao sa pinto at...
O_______________________O
S-Si Julian..
"A-Ano yun?" tanong ko sa kanya at umupo siya sa harap ko
"Sorry ulit sa nangyari kagabi. Al--" hindi ko na siya pinatuloy pang magsalita
"Wag ka mag-apologize. Aksidente yun. Kalimutan mo na din yun"
"Nakalimutan ko na nga eh. Eh bakit parang di mo makalimutan?" asar pa niya
"Ewan ko sayo!"
"Affected ka ba?" asar ulit niya
"Of course not!" sigaw ko
"O edi wag kang magdrama dyan! Hindi ka pala affected eh!" at nag-evil look pa siya.
"Punta na tayo sa soccer field!" pagyaya niya pa sa akin
"Susunod na lang ako."
"Bakit? Affected ka pa din?" Hmp! Ashar!
"Hindi!"
"O hindi pala eh. Edi sumama ka na!" at tumayo na kaming dalawa at pumuntang soccer field. Marami nang players ang naka-assemble. Nandun na din si Nicole at si Kuya Sam. Nagsstretching na silang lahat. Mga desperadong manalo eh! Ilang minutes lang ang nakalipas at dumating si gwapong tour guide.
"Okay players! Listen!" announce ni gwapong tour guide at lahat naman ng attention ng players napunta na sa kanya.
"You will play by pairs. Each pair will be given a map. There will be 5 stations. Kapag nagawa niyo na ang challenges sa lahat ng stations, bumalik kayo dito. At yung prize? Secret muna!" at nag-evil smile si tour guide.

BINABASA MO ANG
Hopeless Love
Romance| COMPLETED | Anong mangyayari kung magka-banggaan ang dalawang tao na mataas ang pride? Trouble na o baka naman mauwi sa pag-iibigan. ©etherealxxiv Started: June 2013 Completed: August 2014