Chapter 25: Special Birthday (part 2)
Pa-take off na 'yung plane nung tumigil kami sa pagkukulitan ni Julian. Sa ingay namin, halos lahat ng pasahero dito sa eroplano nakatingin sa amin. Nakakahiya nga pero pinapataas ng lalaking ito ang boses ko. Asarin ba naman akong bata. Dahil nahihilo ako tuwing magttake-off na ang eroplano. Tapos may bitbit pang plastic baka daw kasi magsuka ako. Ang sarap lang batukan nito. Oo, nahihilo ako pero hindi ako nagsusuka.
"Sabihin mo lang sa akin kapag nasusuka ka na ah." pang-aasar niya at nakangiti ng malapad habang nagttake off na 'yung eroplano
"Manahimik ka diyan. Parang hindi kita boyfriend ah!" pagsusungit ko.
"Concerned lang ako sa girlfriend ko." matutuwa na sana ako kung seryoso niyang sinabi 'yun. Eh hindi eh. Puro pang-aasar ang tono ng pananalita niya.
"Bahala ka diyan. Ayoko na. Break na tayo" sabi ko at lumingon sa kabilang direksyon
"Hey, I'm just joking. Ito naman, di mabiro." sabi niya pero di ko pinansin
"Hey Elle!" tinapik niya pa ako pero di ko siya pinansin hanggang sa...
"Why do you have to do that?" inis kong sabi sa kanya nung ninakawan niya ako ng halik
"Ayan. Pinansin mo rin ako! Sorry Elle." sabi niya at nagpout pa. Shems naman. Di ko mapigilan. Ang gwapo nitong boyfriend ko, grabe!
"Okay, oo na. 'Wag ka na magpout diyan!"
"I know you can't resist me." asar niya at kumindat pa.
"Pero ako natitiis mo?"
"Of course not. I can't resist my girlfriend." sabi niya at ngumiti nanaman ng nakakamatay tapos nagnakaw nanaman ng halik.
"Anong magandang endearment?" bigla niyang tanong sa akin
"I don't know. I'm not a fan of those at sigurado namang lahat ng endearment nagamit mo na sa mga babae mo."
"Hindi naman ah. Napakaraming endearment dyan sa paligid."
"Oo nga. Napakadami nga. Lahat naman ng tao nagamit na. So, wag na lang." sabi ko. 'Wag kayong mainis sa akin. Hindi ko lang talaga trip ang mga style na 'yan. Hindi naman ibig sabihin na kung wala kayong endearment ng mahal mo eh, parang hindi niyo mahal ang isa't isa. Nooooo, hindi 'yan ang batayan ng LOVE.
"Okay. If you say so, Elle Maxine Valdez."
"Sige, Mr. Julian Malik. Pwedeng mag-nap muna ako. Pinagpuyat mo kasi ako eh."

BINABASA MO ANG
Hopeless Love
Romance| COMPLETED | Anong mangyayari kung magka-banggaan ang dalawang tao na mataas ang pride? Trouble na o baka naman mauwi sa pag-iibigan. ©etherealxxiv Started: June 2013 Completed: August 2014