Chapter 17: Jealousy?

136 4 1
                                    

Chapter 17: Jealousy

I decided not to go to work. Hindi pa ako nakakatulog dahil sa kakaisip ng sinabi ni Julian. Tapos ko na naman din yung mga gawain dun pati wala akong appointments ngayon. Tanghali na ngayon at kanina pa ako nakadapa dito sa kama. Pa-ikot ikot lang ako. I need to rest. Masyadong madami na akong iniisip ngayon. 

"Max!" halos mahulog na ako ng kama dahil sa pagkagulat. Bigla bigla kasing dumadating 'tong si Nicole. Magkaka-heart attack ata ako tuwing dumadating siya.

"Anong ginagawa mo dyan? Magbihis ka nga. Shopping tayo." pagyaya niya habang hinihila ako pababa ng kama

"Wag ngayon. Magpapahinga ako" 

"Ang KJ mo ah! Dali na. Saglit lang naman" sabi niya at hindi ako umimik. Pumikit na lang ako kung sakaling makatulog ako. Pero hindi eh. Palaging nagrereplay yung mukha ni Julian yung sinabi niya yun. Naramdaman ko na lang na may umupo sa tabi ko

"Max, anong problema?" from makulit na si Nicole, naging isang concerned na Nicole.

"Si Julian kasi..." sagot ko habang nakadapa pa din

"O anong ginawa niya sayo?" tanong niya sa akin

"G-Gusto niya kasi akong ligawan" sagot ko naman at siya pa nang-asar. Hayy nako.

"Hindi lang kasi ganun'yon!" sabi ko sa kanya at tumigil siya sa pang-aasar

"Eh ano pala?" tanong niya at kwinento ko naman lahat sa kanya

"Eh sure ka bang girlfriend niya yun?" tanong niya at tumango lang ako

*silence

"Wait nga lang. Bakit mo ba masyado yung iniisip?" tanong niya sa akin at napatingin ako sa kanya

"Okay ka lang? Liligawan niya ako habang may girlfriend siya?" sabi ko sa kanya

"Eh bakit mo ginagawang big deal? Siya lang naman si Julian na kinaiinisan mo ah? Sa lahat ng boys na nagsabi sayo nyan, 'yan lang ang ginawa mong big deal at ngayon ka lang hindi nakatulog!" sabi sa akin ni Nicole.

Natahimik ako nung sinabi niya yun. Bakit parang kakaiba 'to ngayon? Tumalim yung tingin sa akin ni Nicole

"Don't tell me nagseselos ka?" 

"Hindi ah!" 

"Oh c'mon Elle, don't deny your feelings. Gusto mo si Julian diba?" sabi niya sa akin

Natahimik ako. Gusto ko nga ba? 

"I see it in your eyes. Tuwing magkasama kayo, iba yung saya mo eh." dagdag pa niya

Yeah, that's right. Iba yung saya ko kapag kasama ko siya. Iba yung nararamdaman ko kapag nandyan siya. Palagi ko na lang dinedeny ang sarili ko na kiligin sa mga ginagawa niya. So, gusto ko nga siya? 

"Walang masamang ideny ang feelings, mahirap kapag pipigilan mo yan. Mahirap masaktan ng palihim." sabi niya

 And now, I admit it. Gusto ko nga siya. 

"Oo na." sabi ko at inalis ko yung tingin ko sa kanya. Pero kitang-kita ko sa peripheral vision ko na nakangiti siya

"Yehey! Umamin ka na din sa wakas!" sabi ni Nicole sa akin at hinug pa ako. 

Hopeless LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon