Chapter 23: Spread the Love
"Ate Elle!!! Ahhhhhhh!" tumakbo papunta sa akin si Wendy pagpasok niya sa office ko habang tuwang-tuwa
"I love you, Ate Elle! Sagutin mo na si kuya! Love mo na siya 'di ba?" sabi niya at tumatalon-talon. Paano niya nalaman 'yun? Tumingin ako kay Nicole at nginitian lang niya ako. Ang galing niya talaga! Grabe!
"Ahhhhhhhhh!" tili siya ng tili habang tumatalon.
"Sa kasal niyo, ako yung magdedesign ng wedding dress mo! Ahhhhhhhhh!" dagdag pa niya. Kasal agad? Hindi naman ata sila excited 'no?
"Anong meron dito?" tanong ni Julian pagpasok niya na may dalang mga pagkain
"Ahhhhhhhhh!" tili nila Nicole at Wendy. Ang sakit sa tenga. Mas masaya pa ata sila kesa sa akin eh.
"Wala naman." sagot ko kay Julian
"Ang ingay niyong dalawa. 'Wag niyong abalahin si Elle. Hindi siya matapos-tapos sa ginagawa niya oh. Umuwi na nga kayo." pagpapaalis ni Julian sa dalawa. 'Yan buti nga at napagalitan. Bwahahahaha.
"Ang sungit mo kuya, nakikibalita lang naman ako eh." sagot ni Wendy ng nakasimangot at nag-cross arms pa.
"Anong balita?" tanong ni Julian. Uhh ohh. 'Yan na nga ba ang sinasabi ko eh. Tsk. Talaga naman oh. Ayoko munang malaman ni Julian yung tungkol dito. Mahirap na, masyado nang malaki ang ulo eh baka lalo pang lumaki kapag nalaman niyang gusto-- este mahal ko siya. Diba?
"Mahal--" panimula ni Nicole at pinutol ko na 'yung sinabi niya bago pa man niya matuloy.
"Nagmahal 'yung mga bilihin sabi dito sa newspaper kaya hindi kami makakapag-shopping." sabi ko at tinaas ko pa yung dyaryo na nakalagay sa table ko para makita niya. Sana tumalab 'tong palusot ko. Hayy.
"Saan nakasulat?" tanong ni Julian at kinuha yung dyaryo. Hinanap niya yung tungkol dun sa sinasabi kong 'topic'. Kahit wala akong nakita dun dahil 'yung front page pa lang 'yung nababasa ko.
"Nandiyan lang 'yan basta nakita ko kanina. 'Wag mo nang hanapin." sabi ko sa kanya at kinuha yung dyaryo.
"Eh hindi naman ata 'yung mga bilihin yung NAGMAHAL eh." sabi niya at ngumiti ng kakaiba. Inemphasize niya pa 'yung word na 'nagmahal'.
"'Yung bilihin kaya. Tss. Kumain na nga lang muna tayo."pag-iwas ko dun sa tanong niya
"Akala ko ba hindi ka kakain?" sabi ni Julian na ngumiti nanaman. Sila Nicole at Wendy naman, nagpipigil na ng tawa. Tsk.
"Eh nagutom na ako bigla eh. Kung ayaw mo mamigay ng pagkain edi 'wag mo akong bigyan. Madamot." pag-eemote ko ng kunwari para mailayo 'yung topic kahit hindi pa naman ako nagugutom.
BINABASA MO ANG
Hopeless Love
Romance| COMPLETED | Anong mangyayari kung magka-banggaan ang dalawang tao na mataas ang pride? Trouble na o baka naman mauwi sa pag-iibigan. ©etherealxxiv Started: June 2013 Completed: August 2014