A.N.
Update agad 'no! Hehe. Na-move kasi yung date ng pasukan namin, Naging 13! Wahaha! Anyways, binasa ko ulit ito and guess what? KINILIG ako!! Haha. Akalain mo yun! Kinilig ako sa sariling story ko! Haha.
-----------------
Chapter 8: Mr. Caring
Waaaah!!! My HERO!!!
Binuksan niya yung pinto at niyakap niya ako.
"Are you okay?" tanong niya
"Y-Yes" sabi ko. Binuksan niya yung pinto ng kotse niya at sumakay ako. Nung nakasakay na siya, binigay niya sa akin yung coat niya dahil nanginginig ako.
"T-Thanks" sabi ko at nginitian niya ako at pinaandar na yung sasakyan niya.
"Ano bang pumasok sa isip mo at napadpad ka dito?" tanong niya
"H-Hindi ko alam."
"Tsk. Sa susunod 'wag mo nang ulitin. Baka may mangyari pa sayong masama."
"Dadalhin na kita sa ospital. Ang taas na ng lagnat mo eh" dagdag pa niya
"Wag na. Kaya ko na sarili ko"
"Hindi. Dadalhin na kita sa ospital."
"AYOKO!" napasigaw ako
"Okay. Fine." sabi niya at nagdrive na. Ako naman, natulog na.
Julian's POV
Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ng babaeng ito at pumunta kung saan. Tsk. Buti na lang at pinasunod ko siya sa tauhan ko at after ng meeting ko, pumunta agad ako kung nasan siya. Paano na lang kaya kung hindi ako dumating? Ang taas na ng lagnat niya. Nung niyakap ko nga siya kanina, basang-basa siya at sobrang init. Psh. Nakakaasar!!! Naalala niyo pa nung sinabi kong titigilan ko na ang pagkakagusto ko? Pero tuwing titigilan ko na, may mangyayaring masama sa kanya.
First, nung pumunta kami sa resort nila Nicole. Dun ko sinabi na titigilan ko na. Pero ano? Nung nakita kong may lalaking lumalapit sa kanya, sinuntok ko.
Second, niligtas ko siya nung nalunod siya. Eh alangan naman hindi ko tulungan, edi patay siya!
Third, nung tumawag siya sa akin at sinabi niyang kinikidnap siya. Kaya naman hinanap ko siya using GPS, at nung nakita ko, ayun! Binugbog ko yung 'kidnapper' na sabi niya, pero kaibigan lang naman pala niya.
Fourth, nung sumama ako sa 'dinner' nila. Nakakailang beer na yung binugbog ko, kaya naman umalis na kami. Paano kaya kung hindi ako sumama? Baka kung anong gawin nung lalakeng yun kay Elle.
Fifth, nagvolunteer ako na ibalik ang kotse niya sa bahay nila. Kaya ayun, nadulas ako. Sinabi kong 'goodnight' at siya naman nagsabi ng 'goodnight mo mukha mo'. Edi baka alam niya na na gusto ko siya kasi kunwari close kami.
Sixth, nung nasiraan siya ng gulong. Sinundan niya ako dun sa resto. Alam niyo kung bakit ako pumunta sa resto? Kasi alam kong nakasunod siya. Pinicturan pa nga niya ako nun pero kunwari di ko alam. At nung umalis siya, sumunod ako. May pinuntahan pa siyang isang resto at may kinausap na babae. Nung umalis na siya, sinundan ko. At ayun! Dun na siya nasiraan ng gulong. At sa huli? Hindi ko napigilan ang sarili ko at nanghingi ng kiss. At siya naman, sinuntok ako. Ang sakit lang.
Seventh, ngayon na nawawala sila Tita at Tito. Niyaya ko siya na maglakad-lakad para mawala yung mga iniisip niya. At ayun, nahuhulog na naman ako kaya sasabihin ko na sana. Yung biglang naputol dahil tumawag yung kidnapper. At nung inapak-akan niya yung phone niya, niyakap ko siya.
BINABASA MO ANG
Hopeless Love
Lãng mạn| COMPLETED | Anong mangyayari kung magka-banggaan ang dalawang tao na mataas ang pride? Trouble na o baka naman mauwi sa pag-iibigan. ©etherealxxiv Started: June 2013 Completed: August 2014