Epilogue

123 4 1
                                        

Epilogue

"MAX! MAX!" Excited na tawag ko kay Nicole habang pababa ako ng hagdan. 

"Positive, Max?" Excited na tanong niya sa akin.

"POSITIVE!!!!!" Sagot ko sa kanya with matching talon-talon pa.

"OMG!!!!!!!!!!" Tili niya at niyakap ako. '

"Magiging mommy na ako!" Sabi ko kay Nicole. Yes, positive 'yung lumabas sa pregnancy test. So, it means, magkakaroon na kami ng baby ni Julian!

"Hmmmmm. Ano kaya 'yan? Boy or girl? O baka naman twins or triplets or quadruplets!" Sabi sa akin ni Nicole kaya napatawa ako

"Ikaw talaga. Samahan mo na lang ako magluto ng dinner." Sabi ko sa kanya at pumunta kaming kusina.

"Tawagan mo na 'yung asawa mo. Maghihintay ka pa ng pasko diyan?" Tanong niya sa akin

"Surprise nga!" Sabi ko sa kanya habang naghahanap ng pwedeng iluto sa fridge.

"Eh, kayo na sweet." Bitter na sabi niya.

"Oh? Bakit ka gumaganyan? Kayo na ulit ni Alexander the Great diba?" Tanong ko sa kanya

"Hayy. Dapat kasi may date kami ngayn ang kaso may pupuntahan daw siya." Sagot niya sa akin kaya napataas ako ng kilay. Biglang magbabago ng desisyon?

"Saan daw?" Tanong ko.

"Hindi ko alam, eh. Basta importante daw." Sagot niya sa akin. Ibang klase talaga 'yung lalaking 'yun, ah!

"Dapat inaalam mo. Baka mamaya niyan, may iba siyang date na pupuntahan." 

"Grabe ka naman, Max!" 

"Aba! Kapag nalaman kong may iba 'yan ha. Hindi ko na talaga siya papalampasin katulad ng ginawa niya sayo dati." Inis na sabi ko. Dati kasi, nag-break sila. At ito pa, si Alexander the Great talaga ang nakipagbreak kay Nicole sabay gamit ng gasgas na linyang 'It's not you, it's me.' Nakakainis, right? Then ngayon, binalikan ni Nicole dahil sinabi ni Alexander the Great na mahal pa rin daw niya siya. Ito namang bestfriend ko na mahal na mahal siya, eh binalikan. 

"Max naman, close friend niya lang kasi 'yun." Reason niya sa akin. Oo nga pala, pagkatapos nilang magbreak-up dati, nakita ko siyang may kasama sa mall na babae at nakaakbay pa. 

"Okay, then. Basta tandaan mo, kapag pinaiyak ka ulit, sabihin mo sa akin at ako ang gugulpi kahit buntis ako." Pagbabanta ko at tumawa siya.

*********

"How's your day, my husband?" Tanong ko kay Julian at kiniss siya. Inabot naman niya sa akin 'yung box ng cake na pinabili ko sa kanya kanina. Nagccrave kasi ako. Hihi. Ang swerte kong asawa.

"May mga bagong investors sa company." Sagot niya sa akin.

"Really? That's good. Tara na, kain na tayo." Sabi ko at naglakad kami papuntang dining area. Umalis na si Nicole kanina pa kasi daw time daw namin 'to ni Julian at ayaw niyang makisali. Hahaha, grabe lang. Kung anu-ano lang talaga ang naiisip ng babaeng 'yun.

"Wow. Ang dami mo naman atang niluto." Pagpuna niya sa mga niluto ko.

"Ganun talaga." Sabi ko at nginitian siya.

"Let me guess, may sasabihin ka sa akin?" Tanong niya at ngumiti ulit ako

"Basta. Kumain muna tayo." Sabi ko sa kanya at kumain kami. Nagkkwentuhan lang kami habang kumakain. Bumili kami ng bahay ni Julian. And guess what, wala kaming maid! Hahaha. We decided na mas magandang wala para matuto kami at 'yung mga magiging anak namin.

"Isslice ko na 'yung cake ah." Sabi niya pagkatapos naming kumain at tumayo na siya. Kinuha niya 'yung cake at papunta na siya sa  lugar kung saan nakalagay 'yung mga knives. Kumaripas agad ako ng takbo nung nakita ko 'yung pregnancy test sa tabi nun.

"What is that?" Tanong niya nung nakarating na siya sa harap ko. Fortunately, naunahan ko siya. Wahahahaha.

"Basta. Mamaya na." Sabi ko habang hawak ko sa likod ko 'yung test.

"Ano nga kasi?" Pangungulit niya.

"Later." Sabi ko.

"Now."

"Later."

"Now."

"La---" Napatigil ako sa pagsasalita nung ninakawan niya ako ng halik.

"Gotcha! Hahahahaha!" Sabi niya at winawagayway 'yung nakuha niya. Tiningnan niya 'yun at ngumiti siya ng napakalapad at ngumiti sa akin.

"You're going to be a daddy." Sabi ko at niyakap siya. Tuwang-tuwa naman siya. 

Well, sino bang mag-asawang hindi matutuwa kung malamang magkakaanak na sila. Sa wakas, magkakaroon na rin ng bagong Malik. And I'm so excited to be a mother. 

Hopeless LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon