Chapter 4: No Way!
Nandito ako ngayon sa resort ng family nila Nicole. Back to nature yung theme ng resort. Lalo na yung garden dito, ang ganda ng pagkakadesign. Yung cottages, super organized. The pool, iba-iba yung klase. Nag-stay muna ako sa cottage namin. Wala pa kasi akong ganang mag-swim. Kanina, gustong-gusto ko eh kaso lang nawala. Ang daming Public Display of Affection. For short, PDA. Nakakasuka. Hintayin ko na lang mawala yang mga yan at mags-swim na ako.
"Halika na!" yaya sa akin ni Nicole.
"Oo na. Maglalagay lang ako ng lotion." sabi ko. Naka-robe na kasi ako.
Nung naglalagay na ako ng lotion may lalaking nakatingin sa akin at papunta dito. Manyak.
"Miss, kailangan mo ba ng tulong?" tanong nung lalaki. Halatang may hindi magandang gagawin.
"I can manage." pagtanggi ko sa offer niya.
"Alam ko namang hindi mo kayang lagyan ng lotion 'yang likod mo. So, I volunteer." sagot niya at lumapit sa akin
"Don't dare to touch me kung ayaw mong makatikim." pagbabanta ko sa kanya pero tinawanan lang ako.
"Makatikim ng alin?" sabay hinawakan niya ang braso ko at nagsmirk. Sira ulo.
"This." at tinadyakan ko siya. Bumangon siya ng hindi pa rin nawawala 'yung smirk niya sa mukha niya. Nilapitan niya ulit ako kaya umatras ko pero masyado siyang mabilis kay nahawakan niya ulit 'yung braso ko.
*boogsh
May sumapak sa kanya kaya nabitawan niya yung kamay ko at napunta siya sa sahig. Pagtingin ko dun sa sumapak sa kanya.....
Bakit andito yan? And...OMG! 6 pack. You know what I mean..the abs!!!
Julian's POV
Argh! I can't believe what I said! Sinabihan ko siya ng 'I like you'. Ewan ko ba bakit naging ganun ako! Nakita ko lang naman siya last night sa party ni Jane. She's so gorgeous that time. And I think totoo nga yung sinabi kong 'I like you'. Lahat kasi ng katangian ng gusto ko, nasa kanya na eh! Maganda, palaban pero mabait. Pero kailangan kong pigilan dahil kung pagpapatuloy ko ito, masasaktan lang ako. Papunta ako sa resort nila Sam dahil nabalitaan kong nandun siya. Phew. Hindi lang naman dahil nandun siya, niyaya din ako ni Sam.
Pagdating ko sa resort, hinanap ko si Sam at nakita ko siya sa pool. Tinanong ko sa kanya kung nasan si Elle at tinuro niya dun sa isang cottage. Tinanggal ko na ang t-shirt ko at lulubog na sana kaso lang may nakita akong lalaki na lumalapit kay Elle. At halat naman na may iba siyang binabalak kaya tumakbo na agad ako.
*boogsh
Sinuntok ko siya sa mukha at nabitawan niya yung kamay niya tapos napaupo sa sahig dahil sa lakas ng suntok ko.
BINABASA MO ANG
Hopeless Love
Dragoste| COMPLETED | Anong mangyayari kung magka-banggaan ang dalawang tao na mataas ang pride? Trouble na o baka naman mauwi sa pag-iibigan. ©etherealxxiv Started: June 2013 Completed: August 2014