Chapter 13: Knowing Him More
Ilang araw na din ang nakalipas pagkatapos ng gabing sinendan ko siya ng text with a kiss mark. Hindi naman niya ako inasar noong araw na pagkatapos nun. Parang wala lang nangyari sa kanya at ngumingiti-ngiti lang siya sa akin tuwing magkikita kami. Lagi ko na din suot yung necklace na binigay niya. Araw-araw na din niya akong hinahatid at sinusundo papunta sa company at pabalik sa bahay. Anyways, kailangan ko nang maghanda dahil dadating na dito mamaya ang pogi kong sundo ayy este impakto pala. Tama. Impakto. Mukha siyang impakto. Parang di naman. Hindi, mukhang impakto eh. Hindi kaya, ang pogi kaya. Ayy bahala na nga. Maghahanda na ako. Naligo na ako tapos nag-ayos then bumaba na. Nagtaka ako nung pagbaba ko at nakakita ko si Julian na naka pants, polo shirt at rubber shoes lang.
"Bakit ganyan ang suot mo?" tanong ko sa kanya
"Magpalit ka." sagot niyang malayo sa tanong ko.
"Bakit?" tanong ko naman
"Basta magpalit ka." sabi niya kaya bumalik na ako sa kwarto ko at nagpalit ng katulad sa suot niya. Ayoko nang makipagkulitan pa sa kanya kung bakit pa ako magpapalit.
Bumaba na ako at umalis na kami. Ewan ko ba dito, papapuntahin na nga lang sa office naka-ganito pa. Anong trip nito?
"Julian! Naiwan ko yung bag ko!" sabi ko sa kanya nung nalaman ko na hindi ko pala nadala yung bag ko
"Okay lang yun." sabi niya at chill lang siya
"Anong okay? Eh nandun yung phone ko!" sabi ko
"Hindi mo na kakailanganin ng phone." sabi niya
"Hindi kailangan?"
"Hindi natin yun kailangan sa pupuntahan natin." sabi niya
"May pupuntahan tayo?" tanong ko at tumingin ako sa dinadaanan namin. Hindi na ito yung daan papunta sa company.
"Oo." sabi niya
"Saan?"
"Basta."
"Anong basta?"
"Basta manahimik ka na lang dyan." sabi niya at nanahimik na lang ako. Again, ayoko na makipagkulitan. Mapapagod lang ako. Tiningnan ko na lang yung places na dinaanan namin. Mukhang papunta 'to sa Pasay ah! Teka, ano bang mga lugar sa Pasay?
Resorts World?
Mall of Asia?
Airport?
"Pasay?" tanong ko sa kanya
"Oo." sabi niya at nanahimik na lang ulit ako hanggang sa nagpark siya sa....
STAR CITY!!!
"Star City?" tanong ko sa kanya na gulat na gulat
"Yep." sabi niya at pinagbuksan niya ako ng pinto.
"Anong gagawin natin dito?" tanong ko sa kanya habang papasok kami ng Star City
"Ano bang gagawin kapag pumupunta sa Star City?" tanong niya
"Madami."
"Ayun, madami tayong gagawin" sabi niya at pumasok na kami sa loob.
Bumili siya ng tickets. At ang unang rides namin ay, BUMPER CARS! Sinuot ko na yung seatbelts ko pagkasakay ko ng bumper car. Pagkaandar pa lang ng bumper car namin ni Julian, agad agad niya akong binangga. Habang ako naman, lumalayo sa kanya. Hindi ko kaya yung lakas niya. Baka mamaya kapag sinabayan ko pa yung pagbangga ko sa kanya, tumilapon na ako dito. Layo lang ako ng layo sa kanya hanggang sa may nagbangga sa akin. Pagkalingon ko dun sa taong nagbangga sa akin, WHAT THE! Lalake siya na mukhang hindi gagawa ng mabuti. Ang laki nung t-shirt niya tapos may malaki at mahaba pa siyang necklace. At eto pa! Kinindatan pa ako! Yuck.
BINABASA MO ANG
Hopeless Love
Romance| COMPLETED | Anong mangyayari kung magka-banggaan ang dalawang tao na mataas ang pride? Trouble na o baka naman mauwi sa pag-iibigan. ©etherealxxiv Started: June 2013 Completed: August 2014
