Chapter 27: Where is the Love?
Magkahawak 'yung kamay namin nung lumabas kami ng building ng company. Sinalubong kami ng media at kung anu-anong tinanong. Nakangiti lang ako sa mga reporters habang pinipicturan kaming dalawa.
"Mr. Malik, kailan niyo pa po tinago 'tong relationship niyo?" tanong sa akin ng isang reporter
"About 6 months." sabi ko at ngumiti ulit sa kanila
Matapos ng ilang tanong, pinagbuksan ko siya ng pinto ng kotse at umalis na kami para magdinner.
***
Elle's POV
Nagising ako at may nararamdaman akong may nakahawak sa kamay ko pati parang basa. Dahan-dahan kong minulat 'yung mata ko. Puti. Asan ako? Tinatry kong isipin kung anong huling mga nangyari.
Maraming tao..
Singsing..
Dugo...
Tumingin ako sa nakahawak sa kamay ko at umiiyak. Parang pamilyar siya. Medyo disoriented pa ako.
Si Julian. Tama. Si Julian nga.
"Julian." bulong ko sa kanya at lumingon siya sa akin. Ngumiti siya ng napakalapad at hinalikan ako.
"Elle." iyak ulit niya at nakahawak sa kamay ko
"Bakit ka ba umiiyak? Anong nangyari sa akin? Bakit nandito ako?" sunod sunod kong tanong sa kanya
"Elle, I'm so sorry." sabi niya at umiyak ulit
"I love you, Elle. Always remember that. Mahal na mahal kita." sabi niya at umiiyak ulit.
"Bakit ka ba umiiyak, Julian? Wala namang mangyayari ah." tanong ko sa kanya but still, no answer. Umiyak lang talaga siya. Ngayon ko lang siya nakitang umiyak.
"Sorry, Elle." sabi niya at niyakap ako.
"I'll be back, Elle." sabi niya at hinalikan ako sa noo. Tumayo na siya at naglakad papuntang pinto.
"Julian, dito ka lang." tawag ko sa kanya at lumingon
"I'll be back, Elle. Hintayin mo ako. Babalik ako." pinilit niyang ngumiti at lumabas na.
Baka may binili lang siya or what. Nakita ko sa side, nakahiga si mom. Ano ba kasing nangyari. Wala pa rin akong naaalala. Pumikit ako sandali hanggang sa nakatulog na.
***
"She is okay now. Mga ilang linggo lang na pahinga, babalik na ang dating lakas niya." may narinig akong nag-uusap. Dinilat ko 'yung mata ko at nakita ko sila mom, dad, kuya pati doktor at nurse.
BINABASA MO ANG
Hopeless Love
Romantik| COMPLETED | Anong mangyayari kung magka-banggaan ang dalawang tao na mataas ang pride? Trouble na o baka naman mauwi sa pag-iibigan. ©etherealxxiv Started: June 2013 Completed: August 2014