Chapter 21: Pride

127 2 1
                                    

Chapter 21: Pride

"Elle, wake up! Wake up!" nagising ako nung may nagyugyog sa akin. Napatingin naman ako kung sino, alam kong hindi si Julian 'to dahil ibang-iba yung boses niya.

Napatingin ako sa nagsalita. Naka-ilang pikit pa ako para malaman kung siya nga talaga 'yon.

"Jerome?" tanong ko. Ang dami kong bisita ngayon ah. Nasan na nga pala si Nicole?

"It's already 10pm, bakit hindi ka pa umuuwi?" tanong niya at napataas naman ako ng kilay.

"Bakit ako tinatanong mo? Malamang, may tinatapos pa ako dito. Ikaw nga dapat tanungin ko eh. Bakit ka nandito ng ganitong oras?" pagtataray ko sa kanya

"Ihahatid na kita pauwi. Ayy hindi! Kumain muna tayo. I'm sure hindi ka pa kumain ng dinner" sagot niya sa tanong ko at napataas ulit ako ng kilay.

"Kaya ko na namang umuwi mag-isa. Pati sa bahay na ako kakain. Paano mo nga pala nalaman na nandito pa ako ng ganitong oras?" tanong ko sa kanya

"Dumaan lang ako at nakita kita." sabi niya

"Ah." tipid kong sagot tapos umalis na. Bahala siya doon sa loob. Papunta na sana akong parking lot nung narealize ko na hindi ko dala yung kotse ko. Kaya ang ending, naghintay ako ng taxi.

Nilabas ko muna yung phone ko at tiningnan yung mga messages. Isa kay Nicole at isa kay Julian. Inopen ko muna yung kay Nicole, medyo nababadtrip na ako kay Julian dahil bigla bigla na lang mawawala.

From: Nicole

Sorry kung bigla akong nawala. Something came up. Sleepwell.

Sunod ko namang inopen yung message ni Julian.

From: Julian Malik

Hindi kita mahahatid pauwi. Babawi ako next time.

Tss. Inis kong nilagay yung phone ko sa bag. Hindi man lang siya nagsabi ng sorry. Nakakainis. Hindi na lang niya sana ako hinatid papunta dito kung iiwan din naman niya ako. Sheesh!

Lesson learned: 'Wag sasabay kay Julian kung kotse niya ang gamit

*beep beep

"Maghihintay ka pa ba diyan ng taxi o sasabay ka na sa akin?" biglang sabi ni Jerome nung huminto yung kotse niya sa harap ko. Duh. Mas pipiliin ko na lang maghintay ng taxi kesa sumabay sa kanya!

"Maghihintay na lang ako ng taxi." sabi ko at naghanap na ulit ng taxi

"Baka abutin ka pa diyan ng kung anong oras." sabi niya. Mas okay na maghintay.

Hopeless LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon