Chapter 18: I Love You
Wendy's picture on the right side
It is already 7pm. Dito daw matutulog si Wendy dahil sobrang namiss daw niya ako. Kaya ayan, pinagbigyan ko. Umuwi na si Nicole dahil may aayusin pa daw siya. Yung kapatid naman niya, ayun, natutulog sa sofa. Habang kami dito, walang tigil ang pagkkwentuhan. Pero iba trip namin ngayon. Wahahahahahaha. Si Julian ang trip namin. Nilalagyan namin siya ng make-up sa mukha. Ang ganda pala niya kapag babae. Hahahahahahaha. Nung matapos na kaming mag-make up sa kanya, hindi ko sinasadyang mapatawa ng malakas dahilan ng pagkakagising niya.
"Ang ingay niyo!" sabi niya at umupo habang kami naman ni Wendy tawa ng tawa
"Anong nakakatawa?" tanong niya habang nakatingin sa akin. Kung nakikita niyo lang, kung ano yung mukha niya baka hindi na kayo tumigil sa kakatawa. May lipstick, blush on, eye shadow, eye liner, at ang matindi, ang FALSE EYELASHES wahahahahahahahahahaha.
*ding dong
Uyy may bisita. Sino naman kaya yan?
"Julian, buksan mo yung pinto. Hahahahahahahahahaha" sabi ko at tumayo naman siya. Pero dumaan muna siya sa salamin kaya nakita niya yung mukha niya. Ayy sayang.
"ANO 'TO?" sigaw niya sa amin at tawa lang kami ng tawa. Dali dali siyang pumuntang bathroom para maghilamos
"WAHAHAHAHAHHAHAAHAHAHAHAHAHA" sabay naming tawa ni Wendy
*ding dong
Oops. May tao nga pala. Binuksan ko yung pinto at nagulat ako kung sino yun..
"Mom! Dad! Bakit hindi niyo sinabing uuwi kayo?" tanong ko sa kanila. Yep, sila yung nag-doorbell. Bumalik sila sa US nung nasa Laguna kami.
"Kanina pa kami tumatawag sa phone mo hindi ka sumasagot." sabi ni Mom. Ahhh. Nasa kwarto ko kasi yung phone ko hanggang ngayon.
"Ayy oo nga pala. Sorry. Masyado kasi akong natuwa sa mga kasama ko ngayon hehe"
"Sinong nandyan?" tanong nila at tinulungan ko na sila pumasok habang dala ang mga baggages nila
"Si Wendy.."
"Yung kapatid ni Julian?" tanong nila
"Yes.."
Napatingin si Wendy nung nakapasok na kami sa bahay.
"Waaaah! Ninong! Ninang!" sabi ni Wendy at niyakap sila. Ninong at ninang ni Wendy sila hahaha kaya ganyan siya ka-close
"Julian, nandito ka din pala" sabi ni Dad at tumingin sa akin tapos ngumiti. Seriously? Ano bang meron kay Julian?
"Ah opo, sinamahan ko po kasi si Wendy." sabi niya at si Dad naman, tumingin nanaman sa akin. Eh ano nga kasing meron?
Umakyat na sila at nagpahinga habang kami ni Wendy, umakyat na din sa kwarto ko. Si Julian naman, umuwi na.
"Ate Elle, saan 'to?" tanong ni Wendy sa akin habang tinuturo yung picture namin ni Julian sa Star City. Hehe. Hindi ko yan tinanggal diyan.
"Sa Star City" sabi ko at nginitian siya at nginitian niya din ako pero mas malawak pa sa ngiti ko
"Kayong dalawa lang?"
"Oo. Bakit?" sabi ko sa kanya at siya naman inasar pa ako
"Hala. Grabe 'to."
BINABASA MO ANG
Hopeless Love
Storie d'amore| COMPLETED | Anong mangyayari kung magka-banggaan ang dalawang tao na mataas ang pride? Trouble na o baka naman mauwi sa pag-iibigan. ©etherealxxiv Started: June 2013 Completed: August 2014
