Chapter 26: Forever
Naglalakad kami ni Julian dito sa baywalk. Masaya din palang gawin 'to. Tapos maya-maya, mannood kami ng sunset ni Julian. 5 months na ang nakalipas since nung birthday ko. Bukas naman, may pupuntahan daw kami para sa celebration namin ng 'monthsary' kung tawagin ng mga lovers.
"Julian, malapit na magsunset!" sabi ko sa kanya kaya umupo na kami. Sinandal ko 'yung ulo ko sa shoulders niya habang nanonood ng sunset.
"I love you, Elle."
"I love you too, Julian."
Hinalikan niya ako sa forehead at niyakap ako. Awwwww. I'm so lucky to have this guy.
"Happy 5 months, Elle" bati niya sa akin
"Ito na ang pinakamatagal mong relationship. Haha, 5 months!" biro ko sa kanya
"Tatagal talaga 'to. Not just months, not just years, not just decades, not just centuries because it will be FOREVER. It will last forever because I truly love you." sabi niya at niyakap ko siya.
"And I also love you truly, Mr. Julian Malik, the playboy." biro ko sa kanya
"Matagal nang hindi ko 'yan title, Elle Maxine Valdez. You know that."
"Yeah, I'm just joking." sabi ko sa kanya at pinindot ang ilong ko
"Hey, don't do that to my pointed nose." banggit ko sa kanya at tumawa. Totoo namang pointed ang ilong ko.
Tumayo na kami nung wala nang araw. Hayy. It's really happy to watch sunset with someone you love.
"Uhm Julian? Andun 'yung kotse mo oh!" sabi ko sa kanya pagkatapos namin manood ng sunset. Sa ibang direksyon kasi siya naglalakad eh.
"Basta." sabi niya at hinatak ako papunta dun sa may mini stage. May mga nagtutugtugan dun sa stage. Parang mini concert. Pagkatapos nung kanta, napunta sa amin ni Julian 'yung spotlight. Wow! Namali ata sila ng tutok.
Mas nagulat ako nung bigla siyang humarap sa akin.
"I love you, Elle Maxine Valdez." sabi niya sa akin kaya napangiti ako
"I love you more, Mr. Julian Malik. Forever." sabi ko at bigla siyang may nilabas na box sa pocket niya.
And then...
Bigla siyang lumuhod.
Lahat ng tao dito, sa amin nakatingin. Si Julian naman, straight to the eyes lang sa akin nakatingin. Nakita ko rin na dumami 'yung tao sa paligid at nakita ko sila mom, dad, kuya, tita Julia, tito William, Wendy and Nicole. Nakangiti sila sa akin at nginitian ko rin sila. Parang ayaw mag-sync in sa utak ko ang mga nangyayari ngayon.

BINABASA MO ANG
Hopeless Love
Romance| COMPLETED | Anong mangyayari kung magka-banggaan ang dalawang tao na mataas ang pride? Trouble na o baka naman mauwi sa pag-iibigan. ©etherealxxiv Started: June 2013 Completed: August 2014