A.N.
Ito na yung chapter 2 kahit apat lang nagbabasa. Eh wala akong magawa kaya nag-update na lang ako. Bored na kasi ako this past few days.
--------------------
Chapter 2: Whatever
"Anong nakain mo at napadpad ka dito?" tanong ko kay Nicole.
Si Nicole ang bestfriend ko. Nagkakilala kami since Grade 1. Diba! Ang tatag namin. Marami na ring sumubok na sirain yung friendship namin kasi maraming inggitera. Maganda yan. Matalino. Talented. Yun nga lang, pareho kaming takot umibig. Eh paano ba naman, siya kaya yung kasama ko nung nanood kami ng movie na romance at dinamdam namin. Wedding planner yan. Kaya nga nagtataka ako kung bakit andito yan kasi sobrang busy nyan.
"Max naman eh! Bumibisita lang. Kung ayaw mo aalis na lang ako." sabi niya na naka-pout yung lips. Papa-cute pa. Ah! Oo nga pala! Max tawagan namin. Short for Maxine. Paano ba naman, parehong Maxine ang middle name namin
"Alam ko na yan! Magpapasama ka lang sa akin mag-shopping mamaya." sabi ko.
"Eh libre ko naman"
"Oo na! Shopping na mamaya."
"Yehey!"
"Dun ka muna sa sofa, gawin mo lahat ng gusto mo. Busy ako ngayon"
"Busy! Busy! Maghanap ka nga muna ng lovelife"
"Aba!? Kung makapagsalita ka dyan ah. Parang ikaw meron na" sabi ko tapos ngumiti siya ng sobrang lapad
"Ano? Meron ka na?"
"Joke lang! Asa naman 'no! Baka mamatay pa ako"
"Oo nga! Mamamatay lang tayo!"
Haha. Yan ang sinasabi namin kapag tungkol sa lovelife. Mamamatay lang kami.
*knock knock
"Pasok!" sabi ko
"Miss Elle, pinapabigay po ni Sir Jerome." sabi ni Aubrey na may dalang flowers and chocolates.
"Hayy. Kailan ba yan titigil yang Jerome na yan! Sayo na lang yang flowers and chocolates, kung ayaw mo tapon mo na lang" sabi ko kay Aubrey
"Okay po Miss Elle" sabi niya at umalis na
"Hayy naku Max. Magpaligaw ka na lang kaya! Hindi ka nama din tinitigilan" sabi ni Nicole
You read it right! Hindi ako tinitigilan ni Jerome na bigyan ng flowers, chocolates etc. Dati nung tinanong niya kung pwedeng manligaw sinagot ko agad ng 'hindi'. Eh nagtataka lang ako ngayon kung bakit nagpapadala ng mga ganyan. Mali ata yung narinig niyang sagot. Siguro hindi nakapaglinis ng tenga. By the way, siya si Jerome Garcia. One of the famous photographer sa Earth. Classmate kami nung highschool.

BINABASA MO ANG
Hopeless Love
Romance| COMPLETED | Anong mangyayari kung magka-banggaan ang dalawang tao na mataas ang pride? Trouble na o baka naman mauwi sa pag-iibigan. ©etherealxxiv Started: June 2013 Completed: August 2014