Chapter 25: Special Birthday (part 1)

105 3 1
                                    

Chapter 25: Special Birthday (part 1)

Elle's POV

Kanina pa hindi ako mapakali dito. Buong araw na akong hindi kinakausap ni Julian. Ni-text man lang, wala! Grabe. Nung tinawagan ko naman siya kanina, out of coverage area! Hindi ko alam kung nasan siya. Tinawagan ko si Wendy kanina tapos ang sabi niya, hindi pa daw niya nakikita si Julian. Argh. Eh saan naman kaya pumunta 'yun? Hindi man lang nagsabi. Eh kahit hindi naman niya ako girlfriend, eh pwede naman niyang sabihin diba? Hindi 'yung bigla biglang mawawala ng walang pasabi eh. Paranoid na ako dito. Grabe. Kanina pa. Parang may sumasanib sa akin na kung anong espirito. 

"Elle, kakain na." sabi ni Mom kaya bumaba ako para kumain ng dinner. Hindi na muna ako pumasok ng trabaho dahil ni-reccomend ni JULIAN para daw ma-enjoy ang birthday ko. Eh nasan naman siya ngayon? Paano ko maeenjoy yung birthday ko kung wala siya. Argh! Nang-iinis ba siya o ano?

"What's with that face?" tanong ni dad 

"Si Julian." sabi ko at tumawa sila

"Kaya ka pala nagmamaktol dyan dahil kay Julian." pang-aasar sa akin ni dad

"Paano ako hindi tatahimik. Eh, birthday ko na bukas tapos wala siya ngayon! Argh!"  pagrereklamo ko

"Nagpapamiss lang 'yun hija." sabi ni mom at tumawa sila ni dad. Siguro nga nagpapa-miss lang. Tsk. Oo nga, nagpapa-miss lang 'yun. Think positive lang, Elle! Nagpapa-miss lang 'yun. Kumalma ka! 

Umakyat na ako sa kwarto pagkatapos kong kumain. Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatingin sa kawalan hanggang sa napag-isipan kong manood muna ng movie. Naghanap ako ng magandang panoorin at nagluto ako ng popcorn. Actually, hindi ko niluto. 'Yung microwave 'yung nagluto. Nanonood na ako nung maluto na 'yung popcorn. Hindi ko masyadong ma-enjoy 'yung movie. Napaparanoid nanaman kasi ako eh. Kada minuto, tingin sa phone ko. Umaasang magtext si Julian dahil maya-maya ay birthday ko na. 

Hanggang sa pinatay ko na 'yung tv dahil hindi ko naman maintindihan 'yung pinapanood ko dahil sa kakahintay ko ng text o tawag galing kay Julian. Argh. Nag-half bath na muna ako at pagkabalik ko, kumaripas ako ng takbo nung narinig kong nagriring 'yung phone ko. Pagtingin ko sa caller ID, si Wendy 'yung tumatawag. Medyo na-disappoint ako dun dahil hindi siya 'yung inaasahan kong tumawag.

 "Ate Elle! Ate Elle!" pambungad sa akin ni Wendy nung pagkasagot ko pa lang ng tawag.

"Oh, Wendy. Bakit ka napatawag. Gabi na ah." tanong ko sa kanya

"Si kuya. Ate Elle! Si kuya!" sabi niya. Grabe, kanina ko pa iniiwas isipin 'yung tungkol dito eh. Kanina ko pa ayaw mag-isip ng masama, eh.

"What happened?" sigaw ko at medyo nagpapanic na.

"I-I don't know. Basta umalis siya. Kasama 'yung mga gamit niya tapos-" sabi niya. What? Umalis siya kasama 'yung gamit niya? Bukas pa ang flight namin ah. Ayoko mag-isip ng masama. Please.

Hopeless LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon