Chapter 29: The Truth
After 7 months
Julian's POV
I smiled at her as she walks toward the cell.
"You deserve that." Sabi ko sa kanya at inis na inis naman siyang nakatingin sa akin. Well, she should know first my attitude before she became way too confident about the deal about the fake relationship. Kaya ayan, sa kulungan ang bagsak niya. Akala niya hindi niya pagbabayaran ang ginawa niya kay Elle.
"Goodbye, Danica Fuentebella." I said smirking then left her. Sinalubong naman ako ni Edward sa parking lot. Our plan is ready to go, but there's a problem with Nicole.
At first, nagalit sa akin si Edward dahil sa pagbabalita ni Danica ng balita tungkol daw sa anak namin. The hell. Nothing happened to us! So Edward talked to Elle kaya dali-daling lumipad si Elle papuntang Amerika nung nalaman niya 'yung balita. Mahirap ibalik ang tiwala sa akin ni Edward kaya ginawa ko ang lahat at kinasuhan ko si Danica at inilabas ang balita na hindi siya totoong buntis. Everything went fine. Nalaman ng lahat ang totoo at nakulong si Danica. Now, I have a plan on how to get back Elle. Nagkaroon kami ng mahabang usapan ni Edward at mga magulang ni Elle tungkol dito hanggang sa napapayag ko rin sila. Pero si Nicole, napakahirap pakiusapan.
*bzzt bzzt
Kinuha ko 'yung phone ko sa bulsa and I received a text message from Nicole.
------------------------------------------------------------------------
From: Nicole
Nakabili na ako ng tickets para sa aming tatlo. Tomorrow flight namin.
-----------------------------------------------------------------------
Napangiti ako sa nabasa ko. It only means one thing, pumayag na si Nicole.
*********
Elle's POV
Huminga ako ng malalim pagkalabas ko ng airport. After 7 months, I'm back. I really had fun in States lalo na sa company. Very approachable and kind ang mga tao dun. Pero kailangan ko talagang bumalik dito.
"Welcome back, Elle." Bulong ko sa sarili ko at naglakad. All smiles kaming tatlo habang naglalakad. Na-miss talaga namin ang Pilipinas. There's no place like home!
"Elle!" May sumigaw at nakita ko si kuya Edward. Tumakbo ako papunta sa kanya.
"Happy birthday!" Bati niya sa akin. Yes, it's my birthday today! Yeheeeeeey!
"Thank you, kuya!" Pagpapasalamat ko at niyakap siya.
"Oh, namiss mo ata ako, Elle?" Tanong ni kuya at tumawa ako.
"Of course, kuya. Namiss ko kayong lahat!" Sagot ko sa kanya
"Really, huh? As in lahat kami?" Sabi niya at nginitian ako ng weird. Problema nito?

BINABASA MO ANG
Hopeless Love
Romance| COMPLETED | Anong mangyayari kung magka-banggaan ang dalawang tao na mataas ang pride? Trouble na o baka naman mauwi sa pag-iibigan. ©etherealxxiv Started: June 2013 Completed: August 2014