Chapter 5: Parent Instinct

245 7 2
                                    

Chapter 5: Parent Instinct

Elle's POV

Sobrang shocked ako sa nakita ko. Paano ba naman, ang nakita sumalubong agad sa akin pagpasok ko ng office ay yung isang tower na papeles sa table ko. Tsk. Isang araw lang ako nawala at ganito na karami ang babasahin at pipirmahan ko. Binilisan ko na lang ang lakad ko at umupo na tapos nagsimula ng magbasa. Wala na akong paki alam kung anong nangyayari sa mundo. May balak pa naman akong gawin ngayon. 

*knock knock

May kumakatok pero hindi ko pinansin.

"Hi Elle" biglang may pumasok sa office ko. Lalaki yung boses na parang pamilyar pero di ko matandaan kung sino. Tinuloy ko na lang ang pagbabasa. 

"Trabaho ka na lang ng trabaho. Sagutin mo muna kaya ako" sabi nung lalaking pumasok. At ngayon kilala ko na siya kahit hindi tumitingin. Kasi yan lang naman ang famous line niya. Sino pa ba siya? Edi si Jerome!

"Pwede ba, kung wala kang magandang sasabihin, umalis ka na lang." sabi ko habang nagbabasa pa rin

"Bakit ba ang seryoso mo?" 

"Bakit ako hindi magsesryoso,  eh tingnan mo nga 'to!" sigaw ko at tinuro ko yung tower ng papeles. 

"Tulungan na kita" sabi niya at kumuha ng isang folder sa tower at binuksan. 

Magpapasikat pa eh! Wala namang alam tungkol sa ginagawa ko. 

"Pwede ba, pakibalik yan at umalis ka dito." sabi ko at binasa pa rin niya

"Sige nga, tingnan natin kung maintindihan mo yan!" sabi ko at hindi pa rin siya kumikibo 

"Tsk. Suko na ako!" sabi niya at tumahimik na lang ako. Haha. Pero hindi normal na tahimik yan. Ang meaning nyan ay may next move ako. May pinindot ako sa tabi ng telephone na button, yun yung sa security. At nung nakapunta dito yung mga guard

"Miss Elle, ano po yun?" tanong nung isang guard

"Palabasin niyo 'to" sabi ko at tinuro si Jerome

"Ha? Wala naman akong ginagawa ah!" sabi niya habang kinakaladkad siya palabas ng office ko na mukha siyang ewan. 

****

Ini-stretch ko ang arms ko nung napirmahan ko na lahat ng papeles. Pagtingin ko sa wristwatch ko, 6pm na. Woah! Nagulat ako sa nakita ko. Hindi man lang ako kumain ng lunch dahil wala akong paki alam sa oras. Inayos ko na ang gamit ko at bumaba na. Nagmamadali na akong kunin ang susi ng kotse ko dahil gutom na gutom na ako tapos biglang may humila sa akin. Habang tinakpan niya yung bibig ko. Nung nakarating na ako sa loob ng kotse, si Jerome yung nasa loob. 

"Kidnapper!!!" sigaw ko at pinaandar na niya yung kotse

Hopeless LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon