Chapter 24: Plan
Wendy's POV
Namimili na ako ng mga makakapal na damit na dadalhin ko sa Palawan para sa birthday ni ate Elle dahil panigurado sobrang lamig dun. Nagssnow daw dun eh. Haha joke lang. Syempre, mainit dun. Kailan pa lumamig sa Pilipinas eh tropical country 'to. Last week, nung sinabi sa akin ni kuya kung saan magbibirthday si ate Elle, na-excite ako. Ewan ko ba. Basta kapag may trip, na-eexcite ako. Lalo na sa pupuntahan namin ngayon. Ang daming buildings dun sa Palawan eh. Daig pa Makati. Haha. Joke lang. Syempre, beach dun.
*I figured it out,I figred it out from black and white~
Tumatawag si ate Nicole. Hmmm. In-answer ko na 'yung call. Bakit kaya siya napatawag?
"Wendy, busy ka ba?" bungad agad ni ate Nicole pag sagot ko pa lang ng tawag. Parang nangangailan siya ng tulong? Bwahahahahaha. Joke lang.
"Hindi naman. Nagiimpake lang ako para bukas." sabi ko sa kanya
"Good. Pumunta ka sa coffee shop malapit sa subdivision nila Elle."
"Okay. I'll be there." sabi ko at in-end na 'yung call. Kinuha ko 'yung susi ng kotse ko at pinaandar na.
Malapit na ako sa coffee shop nung naabutan ako ng stoplight. Tsk. Inapak-apakan ko lang 'yung gas kaya tunog ng tunog 'yung kotse ko. Wala eh. Naiinip ako sa sobrang tagal ng stoplight. 'Yung feeling na kapag naka-green 'yung stoplight, sobrang bilis ng pagtakbo ng oras. Pag nagkulay red naman, biglang bumagal. Ewan ko ba. Bakit ganun. Sobrang mainipin lang ata talaga ako kaya ganun. Nakatingin lang ako dun sa countdown hanggang sa mag-green na. Pagdating ng 3 seconds, matagal ko nang inapakan yung gas. Akala siguro ng mga katabi kong kotse, nasa race ako. Tss. Pake nila. 'Wag silang basag trip. Mind your own business, eat your own baon, have your own pencil-- ayy. Ang dami kong sinabi. Pinaharurot ko na 'yung kotse nung nag-green na. Binagalan ko na 'yung takbo ko nung tanaw ko na 'yung coffee shop. Magpapalibre ako kay ate Nicole ng bluberry cheesecake. Bwahahahaha. Nagpark na ako at pumasok sa coffee shop. Pumunta ako sa table kung nasan si ate Nicole at nagliwanag 'yung paningin nung nakita ko kung anong nakalagay sa table...
BLUEBERRY CHEESECAKE!
"Waaaaaa! Thank you dito ate Nicole!" sabi ko at kinain yung cheesecake habang siya naman nag-sip lang sa espresso niya.
"Anong thank you? Babayaran mo 'yan." sabi niya at nalungkot ako. Akala ko libre na niya eh.
"Joke lang haha. Treat ko na 'yan." sabi niya at natuwa ako
"Bakit ka nga pala napatawag, ate Nicole?" sabi ko habang kinakain 'yung cheesecake
"May plano tayo." sabi niya at ngumiti ng malapad.
"About?" tanong ko sa kanya
"Elle and Julian." sabi niya at natuwa rin ako dun. Bagay na bagay talaga sila!

BINABASA MO ANG
Hopeless Love
Romance| COMPLETED | Anong mangyayari kung magka-banggaan ang dalawang tao na mataas ang pride? Trouble na o baka naman mauwi sa pag-iibigan. ©etherealxxiv Started: June 2013 Completed: August 2014