Chapter 9: Kuya!

220 4 2
                                    

Chapter 9: Kuya!

Elle's POV 

"Bilisan mo!" sigaw ko kay Julian. Ang bagal magmaneho eh!

On the way na kami sa ospital. Nabaril daw si Kuya ng 'riding in tandem'. Bakit ba nangyayari ito? Yung parents ko nawawala at ngayon, si Kuya, nag-aagaw buhay. Anong susunod? 

*Putting my defenses up. 'Cause I don't wanna fall inlove

"Hello?" iritadong tanong ko sa tumatawag. Hindi ko na tiningnan kung sino.

"Nalaman mo na yung balita?" tanong nung tao na nasa kabilang linya

"Anong balita?" 

"Yung kapatid mo."

"Ah. Ikaw pala may gawa nun" 

"Syempre, ako pa!" pagmamayabang niya sa krimen na ginawa niya

"EDI IKAW NA ANG MAMATAY TAO! SINONG SUSUNOD? AKO? HA? KAYA MO AKO? TINGNAN LANG NATIN!" sigaw ko

"Yeah right. Ikaw na ang susunod. Kaya better be ready. Kasi kung ka--" 

Binabaan ko yung bastos na babaeng yun! Yeah right. Babae siya! Halatang-halata naman na babae yung boses. Psh. Tingnan lang natin kung ako na ang susunod. Baka siya na ang susunod. Tumawag na ako ng mga inspector para i-trace yung number. Yung number kasi na pinantawag niya sa akin kahapon, pareho din ng number na ginamit niya ngayon. 

"Nandito na" sabi ni Julian kaya bumaba na ako sa kotse at tumakbo papuntang Operating Room kahit naka-pajamas lang ako. Wala na akong time magpalit kanina, eto na yung damit na pinalit sa akin ni Nicole. Habang si Julian naman, naka-office attire. Yung suot niya kahapon. Ang lakas ng ulan, tumakbo na lang ako kahit mabasa ako. 

"Ate Mika, kamusta si Kuya?" tanong ko kay Ate Mika nung nakita ko siya sa harap ng operating room na umiiyak. 

Umiling lang siya.

"Ate, anong nangyari?" sabi ko habang niyuyugyog siya

"Wala pang balita." sabi niya habang umiiyak at ako naman, umupo sa tabi niya at pinapatahan siya. Nararamdaman ko nanaman yung init sa katawan ko. 

Napatingin na lang ako sa daan nung may mga nurse at doktor na pumapasok  sa operating room habang tumatakbo. Hinarangan ko yung isang nurse na babae.

"Miss, anong nangyayari?" tanong ko

"Excuse me po ma'am" sabi niya. Hindi niya alam na hate na hate kong tawaging MA'AM. Pero hindi ko na kailangan pang isipin yun sa ngayon.

"MISS, SAGUTIN MO AKO!" sigaw ko pero nakalusot siya sa harang ko at lahat ng nurse at doctor nasa loob na ng O.R. kaya tumakbo ako sa pinto pero naka-lock. Kaya bumalik na lang ako sa upuan habang hinihintay lumabas yung doctor. 

5 minutes...

10 minutes...

Yung mga nurse at doctor na pumasok kanina, nagsilabasan na. Kaya isa-isa ko silang hinarang. Pero lahat sila umiling. Argh!!! Ano ba!!! 

5 minutes...

Lumabas na yung doctor kaya tumayo kami ni Ate Mika.

"Doc, kamusta na po siya?" tanong ni Ate Mika

"He's safe" 

Nakahinga ako ng maluwag dahil sa sinabi ng doctor

"But..." sabi ng doctor

Hopeless LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon