Chapter 20: Try

148 3 1
                                    

Chapter 20: Try

It's already 3 in the morning but I'm still awake and alive. Paano ka ba naman makakatulog kung magdamag ko nang kausap si Julian sa phone.  Seriously, hindi pa ako dinadalaw ng antok. 5 hours straight na kaming magkausap. Galing siya dito sa bahay kanina. Hindi man lang siya nagbalita na papunta siya edi sana nakapagready man lang ako.

*flashback

Lumabas ako ng kwarto para maghanap ng pagkain. Nagugutom kasi ako. Sumilip ako sa living room kasi parang may mga naguusap. Laking gulat ko, pagkita ko dun sa mga naguusap. Sila mom at dad kausap si JULIAN! Nagmamadali akong naglakad palayo sa living room, nakakahiya, hindi ako nakapag ayos. Bagong gising pa ako.

"Elle, gising ka na pala. Halika dito, hinahanap ka ni Julian." tawag sa akin ni mom kaya wala akong nagawa kung hindi lumapit. Bahala na kung anong mukha ko. Lumapit na ako at tumayo na si Julian at nagbigay ng isang bouquet ng flowers with a big smile.

"Ang cute mo pala kapag bagong gising." bulong niya sa akin at ngumiti ulit. Pagtingin ko naman kina dad at mom, nakangiti sila at nakikita ko sa mata nila na masaya sila. Okayy, what's happening right now? Sinong pwedeng mag explain sa akin. Nagproprocess pa sa utak ko eh.

"Excuse me po muna tito and tita. Usap po muna kami sa labas" paalam ni Julian sa parents ko at pumayag naman sila. Tuwang tuwa nga eh.

Pagdating namin ni Julian sa labas, bigla na lang niya akong niyakap. Nakakagulat lang siya ah. Nung kumalas na siya sa yakap, tiningnan niya ako. Masaya din siya katulad nila mom at dad. Bakit ba ang saya nila, anong meron ngayon? Si kuya din kanina nung pumunta siya dito masaya din. Yung kasiyahan nila kakaiba. Yung parang masaya sila para sa akin. Parang ganun. Pero hindi ko lang alam kung bakit.

"Bakit parang ang saya niyong lahat?"tanong ko sa kanya at nginitian niya lang ako

"Wala naman. Sige na, alis na ako, gusto lang naman kita makita eh."

*end of flashback

Ayan. Nakakaloka lang talaga ang mga nangyayari ngayon.

"Elle? Andyan ka pa ba?" natauhan lang ako nung narinig ko ulit yung boses ng kausap ko sa phone

"H-Ha? Oo. Nandito pa ako. Sorry medyo inaantok na kasi ako" oops. Okayyy, I lied. Basta kung anong ma reason na lang. Tsk tsk.

"Sige, tulog ka na. Late na din eh. Sorry sa abala." sabi niya at nalungkot yung tono ng boses niya

"Okay lang. Kaya ko pa naman eh." sabi ko sa kanya

"Hindi na. Matulog ka na. Maaga pa pasok natin bukas." pagpipilit niya. Kaya wala akong nagawa

"Okay. Goodnight." sabi ko sa kanya

"Goodnight. I love you." and then, binaba na niya.

Waaaaaaa. Nagwawala na akoooooooo. Hindi ko na mapigilan at nagtatalon na ako sa kama at nagtitili. Sana lang hindi magising sila dad at mom

*bzzt bzzt

Natigil ang pagwawala ko ng may nagtext. Kung sino man 'to, baka masapak ko kapag walang kwenta ang tinext niya sa akin. Inabala ang pagcecelebrate ko. Tiningnan ko yung phone ko

One new message from Julian Malik

And with that, nagtitili naman ako. Nung kumalma na ako, inopen ko na yung message

Hopeless LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon