Chapter 16: Confused

168 5 5
                                    

Chapter 16

Pagkatapos ng tatlong araw na bakasyon, hello stress nanaman. Papasok na ako sa office ngayon. Medyo tinatamad pa ako pumasok pero kailangan eh. Nagpark na ako at pumasok sa building. Dumaan muna ako sa coffee shop para bumili ng coffee at cupcakes. Hindi pa kasi ako nakakapag-breakfast. Nag-order na ako ng 2 vanilla buttercream cupcake at dalawang coffee. Pumasok na ako sa elevator papuntang office at may nakasama akong babaeng nakasuot ng dress and I guess, 5-inches stiletto shoes. Maliit siya kaya kailangan niya magsuot nun. 

"Good morning" bati niya sa akin with a big smile at nag-respond din ako

Same kami ng floor na binabaan. Nauna siyang maglakad sa akin habang ako naman naglalakad din. Pareho din kami ng direction na pupuntahan. Hmmmm

*I've never seen a diamond in the flesh

Sinagot ko naman agad yung call! Oha! Bago na ang ringtone ko. Royals by Lorde na. Nakaka-LSS eh. Lalo na yung tono niya. Yeah yeah!! Wahahaha

"Max pupunta ako dyan mamaya ah!" bungad agad ni Nicole pag tawag niya sa akin

"Okay!" 

"Sige.. see yah!" sabi niya at binaba yung phone

Pumunta na ako sa office ni Julian. Para sa kanya kasi yung isang cupcake at coffee. Thank you gift lang sa ginawa niya these past few days. Kumatok muna ako tapos binuksan yung pinto. 

"I missed you" may nagsabi na babae at ako naman patuloy pang naglalakad papunta sa kanila. Hindi ko kasi sila makita kasi pagpasok mo, puro shelf na nakaharang

"Yeah, ako din. Hindi mo lang sinabi na uuwi ka" sagot ni Julian habang nagkakape sila nakikita ko na sila ngayon pero hindi nila ako makita dahil focused ang tingin nila sa isa't isa. Yung baabeng kausap ni Julian, siya yung nakasama ko sa elevator. Sino naman kaya siya?

"Surprise nga diba!" sagot naman nung girl

"Hindi tuloy ako nakapaghanda. Hahahaha" sabi ni Julian at nagtawanan sila. I can't handle this. Tumakbo na ako palabas. Malapit lang naman dito yung office ko kaya tumatakbo ako papuntang office

"Good Morning Ms. Elle" bati sa akin ng secretary ko

"Dahil good ang morning mo, sayo na to" at binigay ko sa kanya yung pagkain na binili ko dapat kay Julian 

Umupo na ako sa swivel chair ko. Kinain ko muna yung binili ko habang iniisip kung sino ba talaga yung girl. GIRLFRIEND NIYA BA YUN NA HINDI NIYA INAKALANG BABALIK PA KAYA GINAWA NIYA AKONG REBOUND? O AKO LANG ANG PAMPALIPAS ORAS HABANG WALA YUNG GIRLFRIEND NIYA. Umagang-umaga na-imbyerna na ako! Sira na buong araw ko! Bakit ko pa kasi siya binilhan ng pagkain hindi ko man lang inisip na hindi niya ako yaya para bilhan siya nun. Tss. Bakit nga ba ako nagkaroon ng pakielam sa kanya. Dati naman diba wala. Nakakabadtrip!

Sinimulan ko na basahin yung mga papeles na pipirmahan ko. Yung iba, dahil sa sobrang inis ko, pinipirmahan ko na lang hindi ko na binabasa. 

"Miss Elle?" tawag sa akin ng secretary ko at tumingin ako sa kanya at nagbigay ng 'Ano yun' look.

"Nandyan po si Mr. Malik." sagot niya

"Sabihin mo hindi ako pumasok."

"May appointment ka po sa kanya ngayon" sabi niya at napahawak ako sa ulo ko. Omy.

"Papasukin mo na." sabi ko at pumasok na siya

Hopeless LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon