Chapter 19: The Start

154 5 2
                                    

Dedicated kay Ms. walangmagawa1210. Ang favorite kong author dito sa wattpad at mapupublish na yung story niya. Wahihihihi. Congrats po ulit! 

Ayan! Nagkaroon nanaman ako ng inspirasyon. Nagsimula na ulit akong mag-assume na pwede rin ma-publish 'tong story ko. Tiwala lang! 

---------------------

Chapter 19: The Start

"Ate Elle! Ate Elle! Gising na!" niyuyugyog ako ni Wendy dahilan ng pagkagising ko

"Mamaya na. Maaga pa ata eh." sabi ko sa kanya at tinalukbong yung kumot sa ulo ko

"Ate! 1pm na!" ang galing talaga magbiro ng batang 'to eh haha. Natutulog pa nga ako

"Ayy nako." sabi ko sa kanya at pumikit na ulit

"Ayaw mo maniwala ah!" sabi niya at may napakinggan akong pagsara ng pinto

Natulog na lang ako ulit. Pagod pa ako eh.

"Elle..." may lalaking tumawag sa akin. Boses ni Julian.

"Gising na..." dagdag pa nung kaboses ni Julian. Pati ba naman sa panaginip nandun pa si Julian

"Uy.. Elle!" sabi ulit ng lalaki pero niyuyugyog na ako. Problema ba nito?

"Gising na!" sabi pa niya at niyugyog pa ulit ako. Napadilat ako at nalaman kong totoo pala lahat ng nangyayari. 

"Natutulog pa nga ako eh!" sigaw ko pagtanggal ko ng kumot at nakita ko si Julian. 

"WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!" napasigaw ako sa gulat at si Wendy naman tawa ng tawa sa likod niya

"Uy kalma.  Di kita kakainin." sabi ni Julian

"Sinong may sabing pumasok ka dito?" 

"Pwede naman eh. Bakit?" 

"Daaaaaaaaaaaaaaaad!" sigaw ko at tumawa lang siya

"Wala sila, kakaalis lang." sabi niya

"Kumain ka na muna." pag-aya niya sa akin

"Ayoko pa" 

"Sige na. Please. Luto namin yun ni Wendy eh" sabi niya sa akin ng nagpapacute. Hindi niya na kailangan niyan, cute na siya eh. Wahahahahaha.

"Mamaya na" 

"Hindi pwede. 1pm na oh. Baka magkasakit ka" at kailan pa siya naging concerned?

"Sanay na ako." sagot ko sa kanya

"Tatayo ka diyan o bubuhatin kita pababa?" at ang loko ngumingiti ngiti pa. 

"Kung kaya mo." tumawa ako pero nagulat na lang ako nung bigla niya akong binuhat. 

"WAAAAAAAAAAAAAAA! IBABA MO AKO! KAYA KO NANG BUMABA MAG-ISA!" sigaw ko sa kanya habang bumababa kami ng hagdan pero parang wala siyang naririnig hanggang sa dumating na kami sa table at inupo niya ako sa upuan. Nakayuko lang ako kasi parang namumula ata ako. Nung medyo naka-recover na ako, tumingala na ulit ako pero nagulat ako dahil punong-puno ng pagkain yung plate ko. Yung tipong hindi ko mauubos.

"Ubusin mo yan. Lagot ka sa akin 'pag di mo inubos yan!" pananakot sa akin ni Julian

"Anong gagawin mo?" pang-aasar ko pa sa kanya tapos nilapit niya yung mukha niya sa mukha ko 

Hopeless LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon