Chapter 7: Where are they?

221 4 2
                                    

Chapter 7: Where are they?

Nagmamadali akong pumasok sa office. Nasan na ba kasi sila? Bakit cannot be reached kanina pang umaga. Tinawagan ko na rin ang mga tauhan ko para hanapin sila pero hanggang ngayon, hindi pa rin sila nakikita. Argh! Nasaan na ba kasi sila Dad at Mom. Yes. Sina Dad and Mom nawawala. Tinatawagan ko, pero cannot be reached. May inutusan ako na tingnan yung company at bahay namin sa States para tingnan kung nandun sila, pero wala! 

"Ano 'to?" tanong ng isang lalaking pumasok sa office ko ng hindi kumakatok.

Tiningnan ko siya at nagulat ako sa nakita ko. Nakakita ba naman ako ng gwapong nilalang! Sino pa ba? Edi si Julian. Ayy. Delete. Delete. Kung anu-ano nanaman naisip ko.

"Ano?" badtrip kong tanong 

"ANO ITO?" sigaw niya at may nilapag na newspaper sa mesa ko. Binasa ko yung mga nakasulat at nung tiningnan ko yung pictures, yun yung mga kuha ko kagabi.

The young billionare, Julian Malik was spotted last night in a restaurant waiting for his ex-girlfriend who had an affair with him. The rumors are that his ex-girlfiend is pregnant and the father of the baby is Julian.........

Yan yung nakasulat. Hindi ko na matapos ang pagbabasa dahil sa tuwa. Haha. Ang galing mag-isip ni Claudine! 

"O tapos? Anong problema ko dyan sa anak mo?" tanong ko sa kanya habang nagpipigil ng tawa

"Eh hindi naman ito totoo!"

"Anong pakielam ko kung hindi totoo? Anong magagawa ko?" tanong ko

"Eh ikaw ag nagsulat nyan!"

"Kailan pa ako naging journalist?"

"Oh! What I mean is, sa kaibigan mo pinagawa."

"Tigilan mo nga ako! Lalong sumasakit ulo ko sayo eh! Dagdag problema!"

"Ako ang tigilan mo! Hindi mo ba alam kung gaanong kalaking issue nanaman ito?"

"Pakielam ko ba! Lumayas ka nga sa harap ko!"

 "Ikaw pa ang mainit ang ulo ngayon pagkatapos mong gawin 'to!" sigaw niya

"Ano bang pakielam mo! Umalis ka dito!" sigaw ko

"Ayoko." 

"Bahala ka sa buhay mo!" sabi ko at nagtrabaho na ulit. 

Actually, hindi ko naman binabasa ang mga papel na nakalagay sa table ko. Ang ginagawa ko ay, tinatawagan ko ang mga tauhan ko. 

*bzzt bzzt

May nagtext kaya binasa ko.

From: 0912356789

Miss Elle, wala po sila sa company. Lahat po ng pwede nilang puntahan, pinuntahan na po namin pero wala sila. 

Yan ang nakalagay sa text kaya nag-panic na ako. 

"Anong nangyayari sayo? Nababaliw ka na ata eh!" sabi ni Julian

"Hindi ka ba magpa-panic kapag nawawala yung parents mo?" sigaw ko

"Nawawala sila Tito at Tita?" tanong niya

"Kakasabi ko lang diba!" sabi ko at dali-dali siyang lumabas ng office ko. 

Problema nun! Mabuti na lang at umalis na! Bahala siya sa buhay niya! Dagdag lang sa mga pinoproblema ko! Ang sakit sa ulo! Tinawagan ko na rin ang iba ko pang mga tauhan. Pero wala pang nakakahanap sa kanila. Kaya nagtrabaho na lang ako habang hinihintay ang texts and calls nila. 

Hopeless LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon