Chapter 28: Moving On
"Max, nakikinig ka ba kay Jerome?" natauhan ako nung bigla akong siniko ni Nicole at binulungan. Nasa park kami ngayon. Tinuturuan kami ni Jerome kung paano kumuha ng magandang angle. Hindi ko naiintindhan 'yung mga sinasabi niya dahil 'yung utak ko, lumilipad.
"Oo." sagot ko sa kanya ng hindi tumitingin. Lumilipad talaga utak ko ngayon. Nagfflashback 'yung mga nangyari sa akin kahapon. Hindi nga ako nakatulog ng maayos kagabi eh.
*flashback
"JULIAN!" napangiti ako nung nakita ko si Julian na nakasandal sa puno sa tapat ng bahay namin. Nakangiti siya sa akin at parang gustong lumapit.
"Anong Julian ang pinagsasabi mo, Elle?" tanong sa akin ni Nicole kaya lumingon ako sa kanya
"Si Julian!" masayang sabi ko habang tinuturo 'yung kinaroroonan ni Julian.
"Ano nanaman ba, Max? Puno 'yan, hindi 'yan si Julian." sabi ni Nicole kaya napatingin ako sa tinuturo ko.
Wala na siya...
"Nandun siya kanina! Nakatingin pa nga siya sa akin, eh!" sagot ko sa kanya habang dismayado
"Max, wala si Julian. Baka namalikmata ka lang." sabi ni Nicole
"Hindi, nakita ko talaga siya!" sabi ko sa kanya
"Elle, gutom lang 'yan." seryosong sabi ni Nicole
"Kakatapos ko lang kumain." sagot ko sa kanya ng seryoso rin. Hindi ako namalikmata. Nakita ko talaga.
"Kailangan mo na atang magpa-check up sa doctor, Max. Malala na 'yan. Promise!" seryoso niyang sabi sa akin
"Wala akong sakit! Hindi malabo mata ko at lalong hindi ako namalikmata! Kitang kita ko, Max!" sagot ko sa kanya at tinawanan lang ako.
"Push mo 'yan, Max. Magpapa-schedule lang ako ng appointment sa doktor bukas." sabi niya at iniwanan ako.
*end of flashback
"Elle, nakuha mo na ba?" natauhan nanaman ako at napatingin bigla kay Jerome. Naku, nahuli niya akong hindi nakikinig. Nakakahiya.
"Oo, alam ko na. Madali lang pala 'to gamitin 'no? Hehe." sagot ko sa kanya
"Oh sige. Maglibot na tayo." sabi ni Nicole at naglakad na kami.
Habang naglalakad kami, kumukuha silang dalawa ng mga pictures kaya nakikisabay na rin ako. Hindi ko talaga forte ang photography. Pangit ako kumuha ng shots. Hindi kasi ako artistic kumpara kina Jerome at Nicole. Medyo lumayo ako kina Jerome at Nicole na masayang kumukuha ng mga pictures.

BINABASA MO ANG
Hopeless Love
Romance| COMPLETED | Anong mangyayari kung magka-banggaan ang dalawang tao na mataas ang pride? Trouble na o baka naman mauwi sa pag-iibigan. ©etherealxxiv Started: June 2013 Completed: August 2014