CHAPTER 18

11.4K 203 1
                                    

Chapter 18

October 17, 2015 10:57am

Nagcommute ako sa papuntang mall. Naghanap ako ng pwedeng mairegalo kay Emerald. Habang namamasyal ako sa mall ay tumawag naman si Blaire.

"Hello.."
"Baby ano yun?" tanong sa akin ni Blaire.
"Pwede kp ba gamitin yun atm card mo iniimbitahan kasi ako ng bago kong kaibigan sa birthday nya. 8 years old na sya gusto ko sana syang bilihan ng wig kaso mahal."
"Ahh sure kung anong meron sa akin sayo na din yon. Teka bakit wig?"
"Nag uundergo kasi sya sa chemo therapy. Salamat Blaire."
"No its ok. Where do you meet her?"
"Sa hospital, sobrang bait nyang bata at matalino pa."
"I want to meet her one day. Baby i need to go i have another meeting to run. I love you baby."
"I..i love you." nahihiya kong tugon at pinatay nya na yun tawag.

Pumunta ako sa isang botique at naghanap ng wig. Gusto ko sana yun mejo mahaba na kulot sa dulo. Parang mas bagay sa bilog na mukha ni Emy.

"Miss pwedeng pakibaba yun pangatlo sa unahan?" kinuha ng sales lady ang napili kong wig mejo mahaba ito hanggan balikat siguro ni Emerald.
Kulay brown ang hair strand nito bagay na bagay sa kay Emerald.

"Kukunin ko na to."
"Two thousand Six hundred po." sabi ng cashier. Nilabas ko ang black atm card ni Blaire, ini-swipe ng babae sa machine bago ako pinapirma sa isang resibo. Maayos na Bbinalot ng babae ang wig sa paper bag.
"Thank you Maam come again."

Nag gala gala pa ako sa loob ng mall pang patay oras lang mag aalas otso pa lang naman at wala din naman akong gagawin sa condo kung hindi tumunga hanggan sa dumating ang araw ng pagdating ni Blaire.

Napagpasyahan kong dumaan sa bookstore. Bibili ako ng cooking book para maipagluto ko ng masarap si Blaire pag uwi nya.

May isang kumpulan ng mga bata kasama ang ilang magulang nila na nag papaint. Lumapit ako para makiusyoso, sand paint ang ginagawa nila. Nasa frame kahoy ito na may imbold na ibat ibang characters meron din phrases at kung ano pa.

Nakita ko din na buy 1 take 1, naghanap din ako ng wood frames na pwede kong ibigay kay Emerald.

Isang Helli kitty character, isang may "EMERALD", isang puro flowers at heart lang, isang Gods Verse ang kinuha ko.

Binayaran ko sa counter kasama ang cooking book na nakita ko. Bumili rin ako ng ribbon at gift raffer.

Mag aalas nueve na ng pumasok ako sa condo unit ni Blaire. Nagpalit ako ng white racer shirt at isang squarre pants na kulay itim. Pinusod ko pataas ang buhok ko.

Umupo ako sa lamesa at sinumala balutin yun ireregalo ko kay Emerald, kulay pink na may design na hello kitty.

Mag aalas onse na ng mahiga ako sa kama.
Dahil kay Emerald nababawasan ang pagkamiss ko kay Blaire.

Kinaumagahan isang tawag ni Blaire ang gumising sa akin. Saglit lang kamung nag usap pero ok na yon basta marinig ko lang ang boses nya.

Papasok na sana ako ng kwarto ni Ate Hera pero natigilan ako ng may marinig akong boses ng lalaki.

"Hera! Alam mong hindi totoo yon. I waited you fos so long walong taon and fucking still waiting for you. Why are you like this? Dont you love me anymore?" Imposibleng si Divine ang kausap nya.
"Oo tama ka. Mas minahal ko ang pera mo kaysa sayo. Hinding hindi kita minahal. Huwag kang mag alala mag ffile ng divorse kapag nakalipad na ako papuntang Nevada." walang emosyon ang mga boses ni Ate Hera. Isinara ko ang pinto para sa privacy nila. Madaming tanong na pumasok sa utak ko. Paanong nangyare na may asawa na si Ate Hera? At sino kaya yun?

Mahigit kinse minutos akong nakaupo sa malamig na upuan bakal. Lumamig yata dahil sa buga ng aircon. Inayos ko ang puti kong croptop na may print na number 88. At itim kong jeans, pinars ko sa akjbg white na snickers.

Lumabas si Blake sa kwarto ni Ate Hera, tumungin sya sa direksyon ko at bahagyang ngumiti.

Si Blake ang kakomprontasyon ni Ate Hera. Kung ganun sya ang asawa ni Ate Hera. Parang ang gulo ng sitwasyon ni Ate Hera.

Tumayo ako at pumasok sa kwarto ni Ate Hera. Nakatayo ito malapit sa bintana na tanaw ang malawak na hardin sa ibaba. Wala na syang suot na dextross. Kaya siguro malaya na syang nakakakilos.

"Ate.." humarap sya sa akin bago pinahid ang mga pisngi nya ng mga luha.

"May nasalubong ka ba pagdating mo?" tumango ako. At lumapit sa kanya mahigpit ko syang niyakap. At doon binuhos nya ang mga luha nya.

Hindi sya nagkwento basta umiiyak lang sya. Ayoko din magtanong. Siguro hindi pa kayang magkwento sa ngayon ni Ate Hera pero kung ano man ang problema nya ay handa akong tumulong.

~Im all yours Kharrian~

My 36 years old Lover! (Cojuangco Series #2) COMPLETE ✔✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon