CHAPTER 45

7.7K 159 8
                                    

Chapter 45

November 12 1:02pm

(Dedicated to: MarichelGonzales thank you! terrencekelseymason thank you din!
clichelover05 thank you din.

Haha thank you sa inyong lahat!!)

Flissy POV

Magdadalawang linggo na ako naninirahan sa Cleneor Hotel sa bayang ng Heldegurd Minnesota. Naalala ko nang una kong yumapak sa malamig na lugar ng Minnesota halos mangatog ako kahit sobrang balot na balot na ako.

Isang nagngangalang Mr. Johanson Reese ang sumalubong sa akin at sya ang nagdala sa tinutuluyan kong hotel. Pagkatapos nya akong kausapin ay iniwan nya na ako for my own security daw. Binigyan nya ako ng kontak kung sakaling may mangyaring masama sa akin.

Nasa ikawalong palapag ako ng building at tanaw na tanaw ko ang labas may mangilan ngilang ilaw sa mga bahay at ang maputi at nakapal na snow sa labas. Sa halos dalawang linggo kong pananatili dito ay hindi ako tumapak man lang sa labas ng hotel kung may kaylangan ako ay tumatawag ako sa ibaba para dalhan ako ng pagkain. Binilang ko ang perang hawak ko at sa tingin ko hindi din ito magtatagal kaylangan kong maghanap ng trabaho. Lalo na at tatlong araw na lang ang natitira sa pag stay ko sa hotel na ito.

Walang araw na hindi ako umiiyak parang biglang lahat bumaligtad ang mundo ko. Naghanap ako ng balita sa internet at tumambad nga ang balita sa Mama ni Blaire. Gusto ko din na lumantad na at magsalita pero natatakot ako sa banta ni Sir Agustin na baka nga may naghahanap sa akin para patayin ako para mahiwalay ako kay Blaire. Si Blaire mismo na syang nagbanta sa akin akala ko ok na ang lahat na susunod sya dito pero hindi mukhang ako ang tinuturo na pumatay sa Mama nya. Iniisip nya na kayang kong gawin sa sarili nyang Ina. Bakit ganun ang galit nya sa akin? Hindi ba nya ako lubos na kilala?

Naluluha na naman ako sa pagbabalik tanaw ko sa mga alaala kasama si Blaire kasama ang ilan sa mga kaibigan ko si Ate Hera si Divine, si Indigo, si Lex at ang mga kabanda nya. Si Blaire hindi mawala sa isip ko lalo na nung huli kaming nag usap punong puno ng galit ang boses nya at sa tingin ko hindi malayo na mapatay nya nga ako.

Alam ko sa sarili ko na wala akong kasalanan. Pero pano ko sasabihin sa kanya iyo kung gayong muhing mubi sya sa akin. Ang mga akusasyon nya na sa tingin nya ako talaga ang may kasalanan.

Pinunasan ko ulit ang salamin ng bintana ng muling nahilaman ng snow.
Dapat inaappreciate ko ang mga bagay na ito maganda ang Heldegurd unang beses kong makakita ng snow sobrang lamig katulad ng kung kahungkagan sa loob ko.

Sobrang miss na miss ko na si Blaire! Mamatay ako sa sobrang pangungulila sa kanya. Gusto kong bumalik sa kanya kahit ibig sabihin niyon ay ang pagbitay nya sa akin.

Sa loob ng dalawang linggo kong pananaliti sa Cleonor Hotel ay palagi akong tulala sa bintana nakaupo sa pabilog na mesa. Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatulala. Mababaliw na yata ako. Pangako Blaire kapag kaya ko nang harapin ka at harapin ang galit mo luluhod ako sa paanan mo para bumalik ka sa akin.
Hinalikan ko ang singsing na nakasabit sa leeg ko na para dapat kay Blaire habang ang singsing ko naman ay sinuot ko.

   Bago maubos ang mga araw na pananatili ko ay lakas loob kong haharapin ang bagong mundo ko. Kinuha ko lahat ng importanteng gamit ko. Nilagay ko ang asul kong contact lense ibang iba na ang itsura ko kaysa sa dating ako. Mas mukha na akong caucasion mas pumutla ang mga balat ko dahil sa ilang araw kong pamamalagi sa loob ng hotel. Namumula ang mga labi at pisngi ko dahil sa sobrang lamig. Sinuklay ko ang ngayong blonde kong buhok halos ako hindi ko makilala ang dating ako.

My 36 years old Lover! (Cojuangco Series #2) COMPLETE ✔✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon