CHAPTER 9

16.1K 276 8
                                    

Chapter 9

            "Divine ito ohh, kung may kelangan pa sa mga medicine ni Ate huwag kang mahihiya sabihin sa akin ha?" binigay nya kay Divine ang mga gamot na reseta ng doctor para sa Ate Hera nya. Dalawang araw na ang nakakaraan simula ng operahin nito ang Ate nya at ngayon nasa recovery stage na ito. Pero hanggan ngayon wala pa rin itong malay.


"Salamat Flissy hulog ka talaga ng langit pasensya na kung kelangan mong sumama kay Blaire kung ako may magagawa lang sana ko, wait inaalagaan ka ba ng mabuti ni papa Blaire?"

"Oo naman hindi nya ko pinapabayaan kahit na minsan sinusungitan ko sya."

"Hmm sabagay pero dapat pala ako muna ang nag-try lumapit sa kanya, malay mo tumatanggap sya ng transgender na katulad ko. Hindi naman nagkakalayo ang beauty natin di ba yung nga lang hindi ako biniyayaan ng matres."

"Sira ka talaga.." natawa na lang sya sa sinabi nito sa kanya, kahit papano nababawasan ang pag-aalala nya sa kanyang Ate Hera. Ngayon sya muna ang namamahala sa Angel's bar nito kaya hindi nya masyado itong naalagaan.


Naputol ang usapan nila ng may biglang kumatok sa pintuan ng suite nila.

"Excuse me, dito ba naka-confine si Hera?" tanong sa kanya.

"Yes bakit kamag-anak ka ba ni Ate Hera?"

"No, im his ex-boyfriend, pwede ba akong pumasok?"

"Sige."

            Lumabas sila ni Divine para bigyan ng pwivacy ang bisita ng kanyang Ate Hera.


"Di ko alam na makalaglag-panty din ang ex ni Madam Hera.."

"Bakit wala bang boyfriend si Ate Hera?"

"Hindi ko din alam ehh, 2 years pa lang ako sa kanya ng mapulot nya ako sa Thailand, dahil sa kakapa-opera ko. Kinulang ang pera ko para bumili ng ticket pa uwi sa Pinas kaya ayun naging TNT ako, sya ang tumulong saken para makabalik sa Pinas at ayun binigyan nya ako ng trabaho. Pero sa pagkakaalam ko dati kasi may boyfrend si Madam Hera kaso ang tsismis ehh hindi daw bet ng lalaki si Madam Hera kasi hindi ka-level yun boylet nya. Kaya gumawa ng paraan yung magulang nun lalaki para mapaghiwalay sila at yun nga ang nangyare naghiwalay sila. Kaya ayun parang naging motto ni Madam Hera na money can buy anything." mahabang salaysay nito sa kanya.

"Napansin mo ba?"

"Oo napansin ko ang pogi nya, kaso mukhang di pansin ang beauty ko."

"Hindi, parang kamukha sya ni Blaire." napansin nya nga na hawig ito ni Blaire o baka lahat ng gwapo eh hawig ni Blaire.

"Oo nga no.."


                                    *****

            "Sorry kung hindi ako nakapagpakilala sa inyo, by the way im Blake Agustin and you are?" magalang na pakilala nito sa kanilang dalawa ni Divine.

"Agustin? Oh my god! May kapatid ka ba?" walang prenong tanong ni Divine kay Blake.

"Yeah i have my younger brother his name was Blaire Agustin he was a good painter."

"Kapatid mo si Blaire?" sabay pa sila ni Divine.

"Why is there any problem?" nakakunot pa ang noo nito.

"Ahh wala.. ano kasi.." nag-aalangan nyang sagot dito, hindi nya kasi alam kung paano nya sasabihin dito ang sitwasyon nila ni Blaire.

"Girlfriend sya ni Blaire, so ikaw pala ang kapatid nya nice to meet you Mr. Blake--"

"Divine!" sansala nya dito.

"Why totoo naman di ba, and live in na nga kayo ehh." napasapo sya sa noo nya.

"Talaga? What a coincidence ikaw pala ang bagong gf nf brther ko. Hindi ko alam na nag-seryoso na pala sya, thanks for the time but i need to fo. Babalik na lang ako kapag may free time ako." Nakangiti nitong sagot sa kanya.

>>Itutuloy..

Please do vote and comment..

My 36 years old Lover! (Cojuangco Series #2) COMPLETE ✔✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon